#Cdlao16xs's Blog » Feed Cdlao16xs's Blog » Comments Feed Cdlao16xs's Blog » Saan ba talaga ang Kaligayahan? Comments Feed Quizzes in elf alternate alternate Cdlao16xs's Blog WordPress.com icon Cdlao16xs's Blog Just another WordPress.com site Saan ba talaga ang Kaligayahan? Ang kagaliyahan ng bawa’t tao’y halos parehas lamang. Pera, pag-ibig, kotse, mataas na marka sa paaralan, ang tao ay may sariling kinaliligayahan mula sa sitwasyon nila. Ngunit, bilang tao, gumagawa sila ng paraan para ikunin ang kanilang kinaliligayahan. Ilan ay nagtatrabaho ng masipag para makakita ng masmarami para sa pamilya, o sumisikap sa pag-aral para makakuha ng mataas na marka. Inaasahan din ang maraming “short-cut” na paraan na ginagamit ng mga taong-bayan ng Pilipinas para makakuha ng gusto nila, sapagkat sila ay masasabing isa sa pinakamalikhain na mamamayan sa buong mundo. Sa pamamagitan ng pagtrabaho sa ibang bansa bilang OFW, nakakakita ang higit sa 10 million na taong-bayan natin ng mas maraming pera at gumagawa ng mas magandang buhay para sa kanilang pamilya. Ngunit, bakit ba talaga ABROAD ang pinupuntahan nila? Dahil ba sa mga “benefits” na nakukuha nila diyan? Di baga ang Pilipinas kaya ay ang mas walang oportunidad kaysa sa mga ibang bansa? Ayon sa’kin, isang pag-iisipang kolonyal ang pagtrabaho sa ibang bansa, at isa itong suliranin na dapat nating iayusin sa ating lipunan. filipino-workers-libya Arriving-passengers-lining-up-at-the-passport-control-counters-at-the-N inoy-Aquino-International-Airport-Terminal-1 Ang mga OFW ay pinupuring tagapagligtas sa ating economiya. Ayon kay Nikka Corsino at ni Annie Ruth Sabangan ng GMA, ang mga nagtatrabaho sa ibang bansa ay nagpadala ng maraming pera para sa economiya. Sa taong 2009, ang “foreign direct investment” ay naging 19 Billiong piso, higit sa 10% pagtaas sa 2008. Dahil sa mga OFW, ang sitwasyon natin sa “foreign market” ay nahuhusay; hindi lang tayo yumayaman, ang pagtingin sa amin ng ibang bansa ay gumaganda. Ang mga magagandang pangyayari ay hindi ring makikita sa mga stats at economiya, kundi doon rin sa mga pribating buhay ng isang OFW. Dahil sa masmalaking kita ng pera, maaari na silang magtayo ng bahay, magbili ng kotse, at ipag-aral ang kanilang mga anak. Marami ring libre kung ikaw ay isang OFW. Aba, hindi ka na ngang bumabayad ng tax, may libreng healthcare, libreng bahay, at bakasyon pa. Ayon sa PhilPad, marami ka ring matutunan kung nasa-abroad ka. Dahil sa pagtrabaho mo sa ibang bansa, marami kang matatangap na karansan na puwede mong gamitin kung kailan babalik ka sa Pilipinas! Dahil sa mga ito, masasabi rin natin na gaganda naman talaga ang buhay kung mag-aabroad ka, ngunit marami ring kasamaan ang pinapadala ng pag-OFW. Isa sa mga ito ang pagwalan ng Pamilya. Iiwan mo nga ang Pamilya mo sa Pilipinas, at ang mga anak mo ay mawawalan ng ama/ina. Pasko lamang kayo muling magkikita. Maliban diyan, marami ring discrimination ang niraranasan ng mga OFW sa iba’t ibang bansa. Dahil sa pag-isipang kolonyal ng mga mas magandang bansa, binababa nila ang dignidad ng ating mga kababayan. Ang pinakamalaking suliranin na pinapadala ng pagtatrabaho sa abroad ang pagwalan ng “labor force” sa Pilipinas. Ayon sa Rappler, nawawalan na tayo ng narse, guro, doktor, at iba pa dahil labat sila ay pumupunta sa abroad upang makakita ng mas maraming pera. Ang epekto dito ay nawawalan na tayo ng mga ganito sa mismong bayan natin, ang bayan na pinaggagalingan ng mga ito na pumupunta nalang sa ibang bansa. MNL Manila Ninoy Aquino International Airport PAL aircrafts_b Lahat ito ay nasa labas lamang. Kung tanungin natin ang isang OFW, ang masasabi nila ay mas maganda umabroad dahil sa benefits. Oo, marami ngang benefits ang tinatangap nila, ngunit bakit pinipilitan ng mga OFW na mas maganda tumabraho sa ibang bansa? Ito sa palagay ko ay isang pag-isapang kolonyal, na ipinababa sa atin ng mga Kastila, British, at Amerikano noong panahon na inaapi nila ang Pilipinas. Nasa utak na ng lahat ng mga OFW at kahit na ang mga mahihirap na mas mabubuti ang buhay mo kung mag-aabroad ka. Ang tingin nila ay wala nang oportunidad ang Pilipinas para sa kanila, kaya tumitingin nalang sila sa ibang bansa. Ngunit, hindi nila nakikita na ang Pilipinas ay nawawalan din ng “local labor”, at kailangan sila para sa kabutihan ng economiya. Dahil dito, may anim na nais kong ilahad para sa mga tao na tingin nila mas maganda ang buhay kung mag-aabroad ka. 1. Ang mas maginoong gawain para sa isang Pilipino ay irespektuhin ang kanilang kakayanin Ang bansa natin ay malakas. Masmalakas pa sa bansang katulad ng Estadus Unidos. Bakit? Mas malaki ang puso natin. Puso para sa bansa, pusong nagiginhawa kung may lumalaban na maytimplang gilas sa bawa’t gawaing maka-bayan. Dahil dito, dapat nating alalahin na ang Pilipinas ay ang ating pinanggalingan, at dapat nating irespeto ang kakayanin ng economiya ng Pilipinas. Sumikap ka lang maghanap ng trabaho sa Pilipinas, hindi nga natin kailangan ang mag-aabroad para sa ating kabutihan! 2. Hindi natin kailangan ang ibang bansa para bumangon at yumaman Tumingin ka sa ibang panig, at maaaring sasabihin mo ay dependado na tayo sa ibang bansa para makakuha ng pera. Dahil sa maraming utang na bibabayarin pa nating ngayon, mahalaga na sa bansa na mag-abroad ang ilang tao para gumanda ang ating economiya. Ngunit, hindi sapat ito para sa dignidad nating Pinoy. Dapat nating humanap ng ibang makabayan na paraan para bumangon sa ating sitwasyon. Hindi natin kailangan na umabroad ang ilang taong-bayan, at kumuha ng pera sa mga taga ibang bansa! 3. Makaroon ka ng dignidad bilang isang Pilipino Ang isa sa mga problema na niraranasan ng mga OFW ay diskriminasyon. Ito ay dahil sa pag-isipang kolonyal nila, na mas taas sila at kailangan natin sila para yumaman. Magkaroon ka naman ng dignidad at lumaban sa kanila sa pamamagitan ng makabayang trabaho. Ang pagyayaman dahil sa pagtrabaho para sa sariling bansa ay ang pinakamaginoong gawain! 4. Marami ring magandang trabaho sa Pilipinas, kung may pinag-aralan ka. Lmspic Ang pag-aral ay higit na importante para sa isang mamamayang Pilipino. Kung hindi ka nag-aral, malamang wala ka ring mahahanap na trabahong maganda. Dahil dito, umaalis nalang ang ibang tao para kumita sa ibang bansa. Ngunit, dapat kong sumikap mag-aral para makapagkita ng pera sa isang magandang trabaho rito sa Pilipinas. 5. Marami ring masama sa ibang bansa Di porket may pera sila, matamis na agad ang buhay na mararating mo diyan. Ang diskriminasyon, digmaan, at marami pa ang puwede mong maranasan diyan. Isang halimbawa ay ang mga pinoy na hindi makaalis ng Syria. Wag mo nang lagyan ang buhay mo sa harap ng kamatayan. 6. Bilang Pilipino, ipagmalaki mo ang iyong bansa ??????????????????????????????? Isang pamamagitan ng pagmamalaki ng bansa ay ang pagtapon ng pag-isipang kolonyal. Maaari maging mayaman at malakas din ang ating bansa, at kung tayo’y sumikap para makuha ito, mayayari rin ito sa kinabukasan. Advertisements Like this: Like Loading... By anotherperson, on December 9, 2014 at 4:42 am, under Uncategorized. No Comments Post a comment or leave a trackback: Trackback URL. « Quizzes in elf Leave a Reply Cancel reply Enter your comment here... ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ Fill in your details below or click an icon to log in: * * * IFRAME: googleplus-sign-in * * Gravatar Email (required) (Address never made public) ____________________ Name (required) ____________________ Website ____________________ WordPress.com Logo You are commenting using your WordPress.com account. ( Log Out / Change ) Google+ photo You are commenting using your Google+ account. ( Log Out / Change ) Twitter picture You are commenting using your Twitter account. ( Log Out / Change ) Facebook photo You are commenting using your Facebook account. ( Log Out / Change ) Cancel Connecting to %s [ ] Notify me of new comments via email. Post Comment * Pages + About + Other Insterests + Best Works o Best work 1 o Science o Math o Reading o Language o Filipino o Social Studies(History) o CLE o Chinese o Best work 2 o Best work 3 * Categories + Uncategorized * Archives + December 2014 + October 2010 * Search __________ Find * Blogroll + Documentation + Plugins + Suggest Ideas + Support Forum + Themes + WordPress Blog + WordPress Planet * RSS Feeds + All posts + All comments * Meta + Register + Log in Create a free website or blog at WordPress.com. | . ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ Post to Cancel Reblog Post Close and accept Privacy & Cookies: This site uses cookies. By continuing to use this website, you agree to their use. To find out more, including how to control cookies, see here: Cookie Policy IFRAME: likes-master %d bloggers like this: