#Definitely Filipino™ » Feed Definitely Filipino™ » Comments Feed Definitely Filipino™ » $150 Dollars Sahod Sa Isang Buwan? Comments Feed How Do Travel Bloggers Earn and Get Free Trips? She Hates Salitang Bisaya alternate alternate Definitely Filipino™ * HOME * COOL STUFF + T-SHIRT Store + Free Wallpaper + Free Firefox Persona * SUBMIT AN ARTICLE * Privacy Policy * ABOUT US $150 Dollars Sahod Sa Isang Buwan? September 1, 2016 jovelyn Life in a Different Land, OFWs, Thought for the day 1 (Photo Credit: mommyoctopus.com) 327 SHARES FacebookTwitterSubscribe [INS: :INS] Ayaw nila sa Pilipina dahil mahal daw ang sahod! Ayaw nila sa Pilipina dahil malaki raw babayaran nila sa ahensya. Ayaw nila sa Pilipina dahil marunong daw magbasa sa mga nakasaad na mga batas sa kontrata. Ayaw nila sa Pilipina na katulong, pero panay naman ang reklamo sa ibang lahi na nakuha nila, na kesyo ganito at ganun. Ano ba talaga ang gusto ng mga amo na ito? Sa kalinisan at kasipagan talagang panalo ang mga inday na kasambahay kung trabahong bahay ang pag-uusapan. Hindi na sila mapa “Rasi Awarni” ( masakit ang ulo) sa pagtuturo sa gawaing bahay. Hindi na sila magkukunsumisyon para intindihin kung ano ang inuutos nila dahil kahit baliktad ang english nila ay kaya naman na intindihin. ‘Ika nga, mas malawak ang common sense ng mga Pilipino, kaya kahit mahal ang babayaran nila sa pagkuha ng katulong na Pilipina, sulit naman ang serbisyo. Pero sa ibang dako, may iba’t ibang kuwento na naibabahagi at naririnig ko sa ibang lahi gaya ng: Sri Lanka, Bangladesh at Etophia dito sa Lebanon. Mga kuwento ng pakikipagsapalaran na gaya nating mga Pilipino. Mas nakadudurog puso ang istorya nila! Bihira lang sa kanila ang nakaintindi ng english o salitang arabic lalo pa’t baguhan sila bilang isang katulong. Sila yaong walang reklamo kahit maliit ang sahod na natatangap nila; ang mahalaga ay may trabaho sila, gaya natin, pero ang $150 dollars na tinatangap nila na sahod sa isang buwan ay kay liit para buhayin ang pamilya nila na naiwan sa bansa nila. Katulad din natin may kanya-kanyang katangian at pag-uugali; may makakasundo, mayroon din na hindi mo makapalagayan ng loob. ‘Ika nga, nasa pakikisama at respeto sa kapwa ang pagkakaroon ng mabuting relasyon sa tahanan na parehong pinagserbisyuhan. Gaya ni Lucky o Doydoy kung tawagin, isang Bangladesh na baguhan sa pagiging isang kasambahay. Nakipagsapalaran dito sa bansang Lebanon para sa dalawa niyang anak. Katulad ng pangalan niya ay maswerte siya sa kanyang amo, dahil ito ay pihikan sa paglilinis. Dahil kung nagkataon na napunta sa isang bruhang amo si Lucky na takot madapuan ng mikrobyo ang bahay, tiyak na kawawa dahil wala talaga siyang kaalam-alam ni pagsalita o pag-intindi sa simpleng english o arabic na salita ay wala siyang alam. [INS: :INS] Sumasahod siya ng $150 dollars na kakaltasan pa raw ng $10 dollars para pantawag sa pamilya niya. Kaya may $140 dollars siyang maipadadala para sa mga anak niya (nakalimutan kong itanong kung magkano sa Bangladesh ang $140 dollars; sa palagay ko hindi kalakihan). Ang makita niya ang resibo ay isang kaligahayan sa mata niya na may makain ang dalawang anghel ng buhay niya. Handa raw siyang magtiis sa bawat subo ng kubos at itlog araw-araw, handa siyang matuto paisa-isa sa lenguahe ng kanyang mga amo para may maipadala siya buwan-buwan sa pamilya niya. Katulad din ni Ana, isang 21 years old na Etophian na nakipagsapalaran bilang baguhan na kasambahay. Kahit dalaga pa siya, may resposibilidad siya na ginagampanan para sa pamilya niya at ‘yan ay ang matustussan ang buwanang renta sa inupahang maliit na kuwarto na may maliit na kusina na tinirhan ng pamilya niya dahil, wala silang sariling bahay. Sa sahod niya na $150 dollars bawasan pa ng $10 dollars na pantawag sa Etophia ay may $140 dollars din siyang maipadadala at naghahalaga sa bansa nila ng 2000 birr. Halos sapat lang ang sahod niya na pambayad sa upa ng tinirhan ng pamilya niya dahil 1500 birr ang upa sa isang buwan at pagkain pa! Mabuti na lang daw at masipag ang mama niya na maglako ng mga gulay gaya ng patatas, kamatis, at iba pang mga gulay. Kahit papaano ay may makukunan daw sa pang araw-araw na pagkain ng mga kapatid niya. Gaya ni Lucky, handa niyang tiisin ang pagod kahit hindi na raw siya makapag-asawa para sa mga kapatid niya, handa niyang ipagpalit ang sarili niyang kaligayahan para sa $150 dollars na sahod niya sa isang buwan, dahil malaking tulong daw ito sa pamumuhay nila. Sa kanilang mga kuwento ay masasabi kong hindi pala ako nag-iisa, pero kahit papaano’y mapalad pa rin tayo na mga Pilipino na may kalakihan ang sahod natin kahysa sa kanila bilang isang kasambahay. Mapalad pa rin tayo na nagkaroon ng mga amo na nakaiintindi at may ginintuang puso na nakauunawa na may mga pamilya tayo, na hindi natin kailangan na hintayin ang isang buwan para makausap, matawagan o ma-text sila dahil libre tayong gumamit ng cp o internet. Magkaiba man ang numero ng dolyar na kinikita natin, magkaiba man ang lahi natin sa kanila, kagaya natin sila na may pusong nasasaktan, nagtitiis at nagsisikap para mabuhay sa bansa na pinagkaitan minsan ng pag-asa! Gaya natin todo kayod para may makain ang ating pamilya. Maliit man o malaki ang sahod natin sa tahanang pinaglilingkuran nating mga inday, ang mahalaga ay tratuhin tayong tao at parte ng kanilang pamilya. ‘Yun ang pinakamahalaga, tama ba? #BayaningTunay #DFBloggerIntl #DefinitelyFilipino #DFBI #BloggerJovelyn [INS: :INS] * About the Author * Latest Posts About jovelyn Im not a good writer but i love to 🙂 Masaya din, Malungkot din (Karanasan ng OFW) this is my first book under my name as a writer and Sindi Ng Lampara OFW stories book with Raquel D. Padilla and DFBI writers, columnist in Pilipino Star Ngayon Middle East [email protected] Super kulit at kalog..proud bisdak at tamad na masipag na yaya:) * “Anino Ng OFW Sa Disyerto” - April 29, 2017 * Confession Of The Unfaithful Husband (The Untold Story) - December 20, 2016 * Nang Tumalon Sa Bintana Si Kerida [Kuwentong OFW] - October 31, 2016 * Sa Likod Ng Maskara Ni Mister - September 20, 2016 * Cancer By Chance - September 6, 2016 * Liham Ng Isang Construction Worker Na Ama Sa Adik Na Anak - September 6, 2016 * Sa Pagtilaok Ng Manok (A Mother’s Story) - September 3, 2016 * My 1.2 Million Pesos [An OFW Story] - September 2, 2016 * Rated PG…6,000 Riyals! - September 1, 2016 * She Hates Salitang Bisaya - September 1, 2016 [INS: :INS] Previous How Do Travel Bloggers Earn and Get Free Trips? Next She Hates Salitang Bisaya Top Authors DF Admin 12 posts Paula Bernasor 6 posts Juan Mandaraya 4 posts Nomatterwhat143 3 posts romebacsain 1 post Eurmajesty Roque 1 post Robinson Valenzona 1 post OneSanJuan 1 post blackswan 1 post Adrian Crisostomo 1 post Blog Serye – Click Here for More Achluophobia (Kapitulo Anim) PAGAPANG AT DAHAN-DAHAN AKONG UMATRAS SA PUWESTO KO. Tiningnan ko ulit yung dugo, baka dumi lang. Kaliwang kamay ko naman pinampunas ko. Tsk, dugo nga.… ∞ Tinder. Love. And Dare. (Chapter 25) NAGPAIKOT-IKOT KAMI SA LOOB NG MALL. Hindi ko alam pasikot-sikot dito kaya sumusunod lang ako kay Emily. Para kaming mga tangang takbo ng takbo. Akyat,… ∞ Tinder. Love. And Dare. (Chapter 24) NAGISING AKO SA MALAKAS NA RINGTONE. Akala ko panaginip. Si Emily, tumatawag. “Hello…?” “Hello, Baste?” “O?” “San ka?” “Dito lang bahay. Natutulog. Bakit?” “Ay, sorry.… ∞ Achluophobia (Kapitulo Singko) “WAG NA MAGPATUGTOG!” “Boring kaya…” “Mag-headset ka mag-isa!” “KJ ang p**a…” “Tama na, daldal naman!” “Eto kasi…” “Ina mo!” “Takot ka lang!” Lumipat kami ng… ∞ Achluophobia (Kapitulo Tres) “HAHAHAHAHA!” Halos magkakasabay pa silang tumawa nang mga ilang segundo akong hindi makapagsalita dahil sa paksyet na itsura nila. Aaminin ko, na-weirdo-han at natakot ako.… ∞ Benta (Part 1) Halos hindi ko na maalala ang itsura ni ina. Matagal na panahon na nung kami ay ibenta niya. Hindi ko din alam kung bakit. Marahil… ∞ Achluophobia (Kapitulo Dos) “…THE QUESTION IS, BAKIT HINDI LAHAT NG TAO NAKAKAKITA NITO? Bakit iilan lang ang merong third eye? Is it hereditary? What are the scientific basis… ∞ Popular Today Top 20 Most Unforgettable Pinoy Movie Titles Ever! Top 20 Most Unforgettable Pinoy Movie Titles Ever! by Lui B. January 28, 2012 One of the best things that I love… (24) Top 12 Surprising Filipino Inventions You Might Want To Know Top 12 Surprising Filipino Inventions You Might Want To Know by Lui B. September 9, 2013 Related article: Filipino Inventors: The harsh reality … (22) Pamilya (Ito Ang Aking Kuwento) Pamilya (Ito Ang Aking Kuwento) by Shallom December 18, 2013 Sa pamilya natin unang madarama ang pag-ibig. Ito… (16) 20 Mga Pamahiin Sa Kasal, Pinoy Style 20 Mga Pamahiin Sa Kasal, Pinoy Style by Miradelle14 February 14, 2015 Bilang isang magulang na OFW, masaya akong… (16) Ang Lihim Sa Loob Ng CR ( True Story ) Ang Lihim Sa Loob Ng CR ( True Story ) by Dhors October 26, 2012 Gabi na pala; hindi ko na naman namalayan… (15) Pag-Ibig, Pagmamahal at Pagkabigo.....Handa ka bang Masaktan? Pag-Ibig, Pagmamahal at Pagkabigo…..Handa ka… by Dhors July 14, 2012 "The greater your capacity to love, the greater… (12) Para Kay Crush Para Kay Crush by Rondavid00 November 17, 2012 FIRST OPENING PART Kung tatanungin mo ako kung… (11) Incest Incest by Ragubalane January 23, 2013 Hindi ko naman itinatanggi na naging prosti ako.… (9) Pigsang Taob? Nakamamatay? Pigsang Taob? Nakamamatay? by Mommyjoyce October 31, 2012 Taong 2008, buwan ng Nobyembre....sa isang government hospital… (8) Top 10 Most Memorable Lines From Filipino TV Commercials Top 10 Most Memorable Lines From Filipino TV Commercials by Lui B. January 17, 2017 Let's take a walk down memory lane as… (8) Most Popular This Month Top 12 Surprising Filipino Inventions You Might Want To Know Top 12 Surprising Filipino Inventions You Might Want To Know by Lui B. September 9, 2013 Related article: Filipino Inventors: The harsh reality … (4,140) Pamilya (Ito Ang Aking Kuwento) Pamilya (Ito Ang Aking Kuwento) by Shallom December 18, 2013 Sa pamilya natin unang madarama ang pag-ibig. Ito… (2,387) Mitolohiya I - Ang Alamat ng Pagkawala ng mga Sirena Mitolohiya I – Ang Alamat ng Pagkawala ng mga Sirena by Ragubalane November 25, 2014 Makapangyarihan ang diyos ng karagatan na si Neptuno.… (2,357) Naranasan mo na ba ang isang sitwasyong NAKAKAHIYA pero NAKAKATAWA??? Naranasan mo na ba ang isang sitwasyong NAKAKAHIYA… by Cheesy August 18, 2012 Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano… (1,879) Katarungang Panlipunan Katarungang Panlipunan by Tiagomontiero April 11, 2014 Ang katarungang panlipunan o social justice ay ang… (1,592) Pag-Ibig, Pagmamahal at Pagkabigo.....Handa ka bang Masaktan? Pag-Ibig, Pagmamahal at Pagkabigo…..Handa ka… by Dhors July 14, 2012 "The greater your capacity to love, the greater… (1,590) Droga: Salot sa Ating Lipunan Droga: Salot sa Ating Lipunan by Mjsweetiecarreon September 4, 2013 Ilan na ba ang mga batang nakita mo… (1,470) Noon at ngayon Noon at ngayon by Ragubalane August 28, 2011 Malayo na ang narating ng tao sa lahat… (1,315) Pagmamahal mo aking Ina Pagmamahal mo aking Ina by Ejaybasaliso May 8, 2011 Nagmamahal, nagpalaki, nagpapa-tawad sa mga mali mong nagawa,… (1,226) Top 20 Most Unforgettable Pinoy Movie Titles Ever! Top 20 Most Unforgettable Pinoy Movie Titles Ever! by Lui B. January 28, 2012 One of the best things that I love… (1,159) All Time Popular Luho (An OFW Story) Luho (An OFW Story) by Shallom December 7, 2013 Abalang-abala kaming magpapamilya noon. Kadarating lang kasi ng… (366,496) Totoong Buhay sa Canada Totoong Buhay sa Canada by Racz Kelly March 15, 2014 Sa mga nagbabalak pumunta ng Canada, bago kayo… (320,742) Noon at ngayon Noon at ngayon by Ragubalane August 28, 2011 Malayo na ang narating ng tao sa lahat… (264,702) Alin and Higit na Mahalaga, Wikang Filipino o Wikang English? Isang Balagtasan ni Gng. Resy A. Felipe (New Era Elementary School) Alin and Higit na Mahalaga, Wikang Filipino o Wikang… by RazelFilipino November 12, 2011 Alin and Higit na Mahalaga, Wikang Filipino o… (259,249) 10 possible signs na HINDI ka pa nga talaga nakakamove-on 10 possible signs na HINDI ka pa nga talaga nakakamove-on by Jared Richard Uy April 28, 2014 Tanggapin man natin o hindi, isa sa pinakamahirap… (235,089) Top 10 Unforgettable Romantic Movie Lines (Pinoy Version) Top 10 Unforgettable Romantic Movie Lines (Pinoy Version) by Lui B. January 24, 2012 No date? Believe me, you don't need a… (231,705) Mitolohiya I - Ang Alamat ng Pagkawala ng mga Sirena Mitolohiya I – Ang Alamat ng Pagkawala ng mga Sirena by Ragubalane November 25, 2014 Makapangyarihan ang diyos ng karagatan na si Neptuno.… (209,248) Pag-Ibig, Pagmamahal at Pagkabigo.....Handa ka bang Masaktan? Pag-Ibig, Pagmamahal at Pagkabigo…..Handa ka… by Dhors July 14, 2012 "The greater your capacity to love, the greater… (202,655) Dear Senator Grace Poe (An Open Letter) Dear Senator Grace Poe (An Open Letter) by PirmaAtPluma August 29, 2014 Dear Senator Grace Poe, Noong una kong nakita… (200,662) Remembering our Pinoy Stars Who Died Young Remembering our Pinoy Stars Who Died Young by The Social Scientist April 19, 2011 Here in the Philippines, there's nothing bigger than… (200,306) Copyright © 2018 | WordPress Theme by MH Themes Do NOT follow this link or you will be banned from the site!