#publisher (BUTTON) Toggle navigation (BUTTON) Toggle Universal Navigation ABS-CBN News * ____________________ [BUTTON Input] (not implemented)______ * facebook * twitter * youtube * login ____________________ [BUTTON Input] (not implemented)______ * Home * News * Business * Entertainment * Life * Sports * Overseas * Trending * Focus * Weather * DZMM * ANC * TV Patrol Margielyn Didal, nais pahintuin na sa trabaho ang ama Home > Sports [patrolph-mid-white.jpg] DZMM Margielyn Didal, nais pahintuin na sa trabaho ang ama ABS-CBN News Posted at Aug 30 2018 06:38 PM Share * (BUTTON) Save * Facebook * Twitter * GPlus * LinkedIn MAYNILA -- Ibinahagi ng ina ng skateboarder na si Margielyn Didal ang naisin ng anak na pahintuin na sa pagtatrabaho ang kaniyang ama. "Sabi niya 'yung papa niya patigilin na sa pagtrabaho kasi construction worker ang papa niya," ayon kay Julie Didal sa panayam sa DZMM Huwebes ng hapon. Ayon kay Julie, nakapag-usap na sila ng kaniyang anak na makatatanggap ng aabot sa P6-milyon insentibo matapos na masungkit ang ikaapat ng gintong medalya para sa Pilipinas sa Asian Games. IFRAME: https://players.brightcove.net/1878978674001/coW3rKU2I_default/index.ht ml?videoId=5828704984001 Watch more in iWant or TFC.tv "Sobrang proud kami sa kaniya. Mag-ingat ka dyan tapos mag-usap na lang tayo pag-uwi mo," sabi ni Julie. * Asian Games: Pinay skateboarder alay ang ginto sa inang street vendor, amang karpintero Tulad ni Margielyn, nais din ng kaniyang ina na magamit ang bahagi ng insentibo para sa isang negosyo. "Sana pag-uwi ni Margie, pag-uusapan na lang po namin kung anong gagawin. Sana mag-business," sabi ni Julie na tindera ng kwek-kwek, tempura at nagmamasahe rin sa Cebu. Isinalarawan ni Julie ang anak bilang matulungin kahit pa noong bata pa ito. "Mabuti siyang anak kasi tumutulong siya sa amin," banggit niya. Sabi pa niya na may panahon noon na hindi sila payag sa paglalaro ni Margielyn ng skateboard dahil sa delikado ito. "Noong nakita ko sa kaniya na kaya niya, sumusuporta na lang kami sa kaniya," sabi niya. Hindi lang sa paglalaro ng skateboard natatapos ang suporta nilang mag-asawa para sa anak dahil maging sa mga personal na desisyon nito sa buhay ay suportado nila. Ang 19-anyos na manlalaro ay mayroong girlfriend at nasa kanilang bahay ngayon, ayon sa kaniyang ina. "Kaligayahan niya. Hindi namin siya pinipigilan," sambit ng ina. For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website. Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share * (BUTTON) Save * Facebook * Share on Twitter * GPlus * LinkedIn Read More: Margielyn Didal Asian Games tagalog news dzmm cebu * LATEST NEWS * MOST READ * Panukalang batas para sa medical marijuana, isusulong December 20, 2018 * PBA: Student or mentor, Mark Barroca remains finals MVP-worthy December 20, 2018 * Skateboarding: Margielyn Didal sets sights on pro world circuit, Olympics December 20, 2018 * Rebulto ni Catriona Gray, balak itayo sa Albay December 20, 2018 * PBA: Team chemistry, the championship-winning formula for Magnolia December 19, 2018 * Nobyo ni Catriona, game sa long-distance relationship December 19, 2018 * Angry pageant fans react to Paraguayan beauty queen ‘cooking show’ post December 19, 2018 * Higit 800,000 trabaho nalikha umano ng gobyerno ngayong taon December 19, 2018 * Mga konsumer, binalaan laban sa 'di sariwang karne December 19, 2018 * VIRAL: Babae, nagpropose sa kasintahan December 19, 2018 * Indonesia opens military base near disputed South China Sea December 19, 2018 * PH shares snap 3-day losing streak ahead of US Fed policy decision December 19, 2018 * 'Ilang nagtapos sa drug rehab, bumabalik sa bisyo' December 19, 2018 * WATCH: Top gadget gifts this Christmas December 19, 2018 * Catriona sandaling balik-Pinas; grand homecoming ikakasa pa lang December 19, 2018 * Saya sa theme park, iba pang regalo, handog sa mga anak ng vendors December 19, 2018 * Pulisya, may paalala sa mga magbabakasyon sa Pasko December 19, 2018 * ANC Soundbytes: Raging over road user's tax December 19, 2018 * Pope accepts US bishop's resignation over misconduct with minor December 19, 2018 * Rescue operations underway for 2 soldiers abducted by NPA December 19, 2018 BRAND NEWS Concentrix kicks off 2018 Cup Concentrix kicks off 2018 Cup next BRAND NEWS * Concentrix kicks off 2018 Cup Concentrix kicks off 2018 Cup © 2018 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved. AboutCareersPrivacyTermsContact UsAdvertise With Us