#Astig ang Pinay - Atom Astig ang Pinay - RSS Astig ang Pinay - Atom Astig ang Pinay Random Thoughts ng Isang NANAY, ASAWA,FILIPINA AT ANAK NG DYOS. Salamat sa Pagdalaw.. Humanda ng mabaliw.nyahaha! Nais kong ipakilala ang sarili ko sa inyo.Lalo na sa mga taong mahal ko sa buhay. Eto na ang paraan para makilala nyo akong mabuti, para kung sakaling kunin ako ni Lord..(wag muna po) May maiiwan akong bakas..na minsan, dumaan ako at nangulo sa mga buhay nyo. ^^ Monday, January 16, 2012 Liham para kay Leiam Minsan sa kabila ng tawanan at biruan natin sa buhay, may mga oras na nais kong maging seryoso at huminto sandali upang bigyang daan ang mga gusto kong sabihin at saloobin.Drama mode ito anak. Hindi natin tiyak kung hanggang saan at kung hanggang kailan ang buhay ng tao, mamaya ,bukas o makalawa lahat ng bagay pwede magbago o mawala. Kaya naisipan kong gumawa ng munting liham para sa'yo anak. Kung sakali mang hindi mo ito mabasa ng personal, sana ay may mga taong magsabi sa'yo ng nilalaman nito.Masyado ka pang bata para sa ganitong bagay pero gusto ko pa ring gawin sapagkat hindi natin hawak ang panahon. Dear Anak, una sa lahat , alam kong hindi pwedeng ipag utos ang respeto. Walang magulang na perpekto. Kung may mga bagay man na sa tingin mo mali sa ginagawa namin, gusto kong sabihin mo sa' kin mismo, hindi sa ibang tao. huwag mong iisipin kahit kailan na hindi ko kayang tanggapin ang mga pagkakamali ko. Matapang, masungit man ako pagkaminsan, but i understand, more than you think i can at handa akong magbaba ng lebel para mag pantay tayo bilang mag kaibigan. Huwag mo ding intindihin ang pagitan ng edad natin, Higit kanino mas alam ko kung saan ka hindi mapapahamak. Kung sa mga panahon na wala ako, humingi ka ng tulong sa mga lolo't lola mo, tito at tita mo, handa silang umarkila ng tangke pag nalaman na inaapi ka, maniwla ka. Gusto kong igalang mo ang mga magulang namin ng tatay mo, nagkaroon ka ng "awesome childhood" dahil sa kanila,pati na rin ang mga tito at tita mo. Nanjan lang palagi sila para sa atin, magpasalamat tayo. Tulad ko ,mahal ka nila ng walang hinahanap na kapalit kundi konting lambing mula sa'yo. Maswerte ka anak, sana marealize mo yun pag laki mo. Hindi tyo mayaman, sapat ng kumakain tayo sa oras, gayun pa man, napaka swerte mo. Marami kang dapat ipagpasalamat, gusto kong makita mo ang mundo na maraming blessings at hindi puno ng problema. Gusto kong magkaroon ka ng trabaho na talagang gusto mo, Huwag mong papasukin ang pintuan na alam mong hindi ka masaya. parang pag susuot yan ng sapatos na hindi kasya. Hindi ka makaka arangkada. Wala kang mararating. Kung hindi para sa'yo, matuto kang maghintay.Magiging sulit ang lahat, maiintindihan mo. Hindi ko kayang idilkta kung anong klaseng tao ang magiging ikaw pag dating nag panahon. Pero alam kong isa AKO sa makakaapekto ng malaki sa pag buo mo nito. Anak, hindi ako matalino,pero naniniwala akong kaya sa'akin ka ibinigay ng Lord dahil alam nyang kaya kong maging Ina, at tutuparin ko yun hindi sa paraang napipilitan lang, kundi dahil masaya din akong magkaroon ng anak. Huwag na huwag mong ipagpapalit ang prinsipyo sa pera. Kung may mga tuksong lumapit sa'yo pra kumita ng malaki sa maling paraan, wag mag atubiling tumanggi. Tandaan mong PANGALAN lang ang pagmamay ari mo sa mundo, wag mong dudumihan. Mas mataas ang presyo ng pagkatao mo kaysa sa kahit anong materyal na bagay. Lumagay ka sa legal. Ang pag aasawa ay seryosong bagay, alam kong malaki ang magiging kaibahan ng henerasyon mo sa henerasyon ko pero ikatutuwa ko kung maniniwala ka pa rin sa KASAL. Kahit lahat ng kaibigan mo makipag Live-in, huwag kang gumaya sa uso. Hindi ako tututol sa kahit na sinong babaeng naisin mo, tiwala naman ako sa taste mo! (nescafe yan ha) kung magiging abala ka pag dating araw sa trabaho mo at personal na buhay, wag kang mag alala anak ko, hindi ako magtatampo kung hindi mo man ako madalaw, mas mag aalala ako kung pababayaan mo ang sarili mo kapalit ng sweldo. Hanggang dito na lang anak ko.. bata pa ako at inaamin kong kapos pa ang kaalaman ko para i-share sayo. LOVE , Mama Posted by ASTIG ANG PINAY at 2:25:00 PM Email ThisBlogThis!Share to TwitterShare to FacebookShare to Pinterest 2 comments: 1. Makati Condo RentalFebruary 22, 2012 at 11:59 AM Maganda ang nilalaman ng liham ReplyDelete Replies Reply 2. Hbeautytips8December 14, 2016 at 10:59 PM Tama maganda nga ang mga payo at may aral. ReplyDelete Replies Reply Add comment Load more... Older Post Home Subscribe to: Post Comments (Atom) Sparkling Stars Over Makati imikimi - sharing creativity My photo ASTIG ANG PINAY Hindi ako mabait, hindi rin nagbabait -baitan.. nagpapakabait lang!!! View my complete profile Mga Likha at Katha * January (1) * July (2) * December (1) * October (1) * September (1) * August (4) * July (14) * June (1) Blogs Tambayan * [icon18_wrench_allbkg.png] (,") BLOGS NG PINOY (",) Death by Grammar * [icon18_wrench_allbkg.png] about nOthing and eVerything :)) * [icon18_wrench_allbkg.png] anak ng tokwa * [icon18_wrench_allbkg.png] Ang Kwento at Kwenta ng Layp Family * [icon18_wrench_allbkg.png] Ang Sabi Ng Tatay Ko... Saksak Puso * [icon18_wrench_allbkg.png] Astig ang Pinay Liham para kay Leiam * [icon18_wrench_allbkg.png] BatangGala The One About Friendships and Stuff. * [icon18_wrench_allbkg.png] batang'henyo * [icon18_wrench_allbkg.png] Blog Ng Ina Mo Happy Mothers Day * [icon18_wrench_allbkg.png] Blogger Buzz It’s spring cleaning time for Blogger * [icon18_wrench_allbkg.png] DRAKE'S ROOM EB in Manila and Singapore * [icon18_wrench_allbkg.png] Gretalicious Vacaciones diferentes al mejor precio con Gretalicuou * [icon18_wrench_allbkg.png] It's My LIFE Eid Greetings * [icon18_wrench_allbkg.png] KA-BLOGS-TUGAN PINAKULUANG TUBIG * [icon18_wrench_allbkg.png] Kukuteng Pinoy Media-mad? * [icon18_wrench_allbkg.png] kwentong balentong * [icon18_wrench_allbkg.png] pahinanibhentot * [icon18_wrench_allbkg.png] Panulat ni Munting Bisiro * [icon18_wrench_allbkg.png] POPOY INOSENTES: Tambayan ng Makasalanan Pinoy Nurses Excited in the Release of the NLE Result for June 2013 Exam * [icon18_wrench_allbkg.png] Samu't Saring Pagkain ng Pinoy... Cream Pemutih Wajah Latansa * [icon18_wrench_allbkg.png] Urbanite Mom * [icon18_wrench_allbkg.png] uSapang ParE Powered By Blogger Cheezzzmizzzan IFRAME: cboxmain IFRAME: cboxform [bT*xJmx*PTEyNTEwMTA4OTAxMTMmcHQ9MTI1MTAxMDkwNjI4MyZwPTQ1NTkzMiZkPSZnPT Imbz*zMDc*ZjhjY2E3MGQ*MDdiODMyODhhZWRjOTc4ODE1OSZvZj*w.gif] Banner maker [NWQ2NTdjZTVhNmVlMyZvZj*w.gif] To view this animated banner you need to have Flash Player 9 or newer installed and JavaScript enabled. BannerSnack is a professional, easy to use banner maker application. proud to be pinoy imikimi - sharing creativity Proudly pinoy imikimi - sharing creativity Awesome Inc. theme. Theme images by suprun. Powered by Blogger.