#JUAN MALAYA » Feed JUAN MALAYA » Comments Feed JUAN MALAYA » Ready, Set, Tweet! Comments Feed Mga Senyales ng Pagka-adik sa Social Media Ang mga Gasgas na Pinoy Telenobela Plotline alternate alternate JUAN MALAYA WordPress.com JUAN MALAYA Skip to content * Tahanan * Lipunan * Pagkabata * Paglalakbay * Pasumala + Listahan + Ktnxbye * Lahat * Tungkol kay Juan ← Mga Senyales ng Pagka-adik sa Social Media Ang mga Gasgas na Pinoy Telenobela Plotline → Ready, Set, Tweet! Posted on January 16, 2014 by cn21 1_MNle-Hv8krKkrXKsHcO5AA Noon: Sa mga radyo at TV lang uso ang mga pa-contest o promo na may nakalaang pampremyo na kung saan kailangan mong subaybayan ang kanilang mga programa. Kailangan mong isulat sa isang papel ang iyong pangalan, edad, address, telephone number at pirma na may kalakip ang proof of purchase ng produktong sponsor ng pacontest. Huwag kalimutang isulat sa isang envelope ang title ng sinalihang promo. Ngayon: Mismong ang mga produkto o brand na ang nagpapacontest sa kani-kanilang mga social media accounts tulad ng Facebook. Madali lang naman ang manalo sa pancontest nila, kailangan mo lang naman munang i-LIKE ang Facebook Page nila, i-Like, mag-Comment at i-Share ang ang pinost nila tungkol sa pa-contest, kailangan mo din silang i-Follow sa Twitter, mag-Tweet tungkol sa pacontest, at i-Follow sa Instagram. Kailangan mong magpasalamat dahil wala silang Tumblr at Pinterest account. Ang social media ay hindi lamang tahanan ng mga sariwang balita, hindi lang lugar para labasan ng sama ng loob, kaligayahan at mga iba’t ibang mga pangyayaring nagaganap sa buhay natin. Hindi lang ito lugar para sa mga selfies, memes, at mga pruduktong pinopost ng mga miyembro ng Royale at Usana. Ang social media ay isa ding medium para sa mga pa-contest. Rafflecopter Ang Rafflecopter ay ang pinakamadaling paraan para sa mga brands at bloggers na magpatakbo ng isang contest/promo o giveaway. Minsan ay nagkakaroon din ng paramihan ng LIKEs sa pinost na entry. –[DEL: Ang may pinakamaraming friends na nainis sa pagpapa-LIKE ang siyang mananalo.- :DEL] Noon (Hanggang Ngayon?): Nauso ang pagpapadala ng mga entries via SMS. Dito kailangan walang labis at walang kulang ang mga ilalagay mong impormasyon at kung may mali sa format ng text mo maaring maging invalid ang entry mo. Ang mananalo ay manggagaling sa mabubunot ng electronic raffle draw, kaya the more load you consume, the more chances of winning. Ngayon: Sa ngayon hindi na masyadong importante ang format sa kung paano o ise-Send ang mga entries mo. Ang mahalagang bagay lang na hindi mo dapat kalimutan ay ang “hashtag”. We’re giving away Tattoo LTE Prepaid sticks this week! Just answer a question correctly w/ the hashtag #TattooLTEPrepaid to qualify. Ready? — Tattoo Broadband (@ChooseTattoo) October 14, 2013 Win tickets to Sandwich’s 15th Anniversary concert by tweeting us the name of their vocalist! Don’t forget the hashtag: #SmartBroSandwich — Smart Communications (@SMARTPromos) September 10, 2013 Sa lahat ng social networking sites, sa Twitter maraming pakulo ang mga brands. Twitter ang kanilang ginagamit na platform upang mas madali ang interaksyon at mas magagamay nila ang mga entries gamit ang kani-kanilang third-party Twitter app tulad ng Tweetdeck at Hootsuite. Madali lang naman manalo kapag Twitter contest ang sinalihan mo, kailangan mo lang sundin ang instruction at mag-tweet ng 986,574,632 times per hour para madali nila makita at mabunot ang Twitter handle mo. contest Ang Resorts World Manila (@rwmanila) ang isa sa mga pinaka-popular sa Twitter na madalas magpa-contest at magpamigay ng mga movie passes. Kapag nagtrending ang mga hastag ng RWM, syempre hindi papatalo dyan ang Solaire Resort (@solaireresort) – #SolaireGiveaway. Kapag malapit na ang SALE sa SM supermalls (@thesmstore) wag mong kalilimutang i-follow sila sa TWitter dahil madalas silang magpamigay ng GCs, i-unfollow mo na lang ulet sila kapag hindi ka nanalo.. Ang isa naman sa kakaibang pa-contest sa Twitter ay nagawa ng Globe Tattoo (@ChooseTattoo) na kung saan kailangan mo ng i-tweet kung saan ang eksaktong lugar naka-parking ang kanilang kotse (Di ba sabi ko naman madali lang manalo). Hindi naman papahuli ang Smart Communication (@smartpromos) sa mga kakaibang pakulo, tulad na lamang ng interactive #SmartMusicRihanna Twitter contest noong nakaraang taon na kung saan kailangan mong magtweet ng 500 times para malaman kung saan lugar nakatago si Rihanna para bigyan ka ng ticket sa concert niya. Kapag nagtrend ang Smart, syempre hindi magpapatalo ang Globe Telecom (@enjoyGlobe) na nagpapamudmod din ng mga cellphone load at gadgets tulad ng Smart na may madaming alagad sa Twitter upang magpakalap ng magandang balita. 🙂 Maraming pinamimigay na prize tulad ng cellphone load, concert tickets, movie passes, freebies, gadgets at syempre gift certificates. Teka, nasabi ko ba ang cash? Walang cash. Pero kung [DEL: mukha ka talagang pera :DEL] cash lang din naman ang hanap mo, sa “Premyo sa Resibo” ka sumali. Mula sa pagpapadala ng entries via sms, ngayon naging aktibo na rin sila sa paggamit ng social media sa pamamagitan ng Twitter, kung saan ay picture lang ng resibo ang ipapadala mo sa kanila. Ang ilan pa sa kinaganda ng mga pa-contest sa social media kumpara sa mga naunang paraan: walang gagastusing cellphone load, hindi ka na sapilitang bibili ng mga proof of purchase at less effort kumpara sa pagpapadala ng snail mail entry. May ilan ding mga brands na kapag pangmatagalan ang pa-contest ay naglalaan talaga ng sariling website na nakakonekta pa rin sa iba pang social networking sites. Sa ganitong paraan makukumbinse nila ang mga netizens na sumali dahil mas exciting, mas madaming chances para manalo at higit sa lahat may angas, may dating, may malaking pasabog sa Grand Draw . Ang 0917wonderful ng Globe at ang tab3metime ng Samsung ang ilang mga halimbawa na ganitong bigtime na social media game. Para naman sa mga bloggers na nagpapatakbo ng iba’t ibang mga promo o giveaways, hindi man kailangan ng permit pero kailangan masunod nila ang mga guidelines o rules and regulation na inilabas ng DTI. Kasabay na pagkahilig ng ilan sa mga patok na makabagong pamamaraan nga mga pa-contest o promotion sa social media ay hindi maiaalis ang mga scam. Minsan ay nakakainis na rin ang mga biglaang nagpa-pop up na window na nagsasabing nanalo ka sa isang pacontest as if namang sumali ka. Madami pa rin ang mga mapagsamantala at manloloko. Kailangan nating maging mapanuri at mag-ingat sa ating mga sinasalihan higit na sa mga pa-contest na humihingi sayo ng mga personal na impormasyon. Habang patuloy na pumapatok sa mga netizens ang makabagong uri ng mga promo o palarong may nakalaan na papremyo ay patuloy din tayong makakita ng iba’t ibang klase at pakulo ng mga pa-contest sa social media. You Win! You’re the 100,000th visitor of this site. Click here to claim your prize. Advertisements Rate this: Share this: * Twitter * Facebook * Like this: Like Loading... Related This entry was posted in Lipunan and tagged Social Media. Bookmark the permalink. ← Mga Senyales ng Pagka-adik sa Social Media Ang mga Gasgas na Pinoy Telenobela Plotline → Leave a Reply Cancel reply Enter your comment here... ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ Fill in your details below or click an icon to log in: * * * IFRAME: googleplus-sign-in * * Gravatar Email (required) (Address never made public) ____________________ Name (required) ____________________ Website ____________________ WordPress.com Logo You are commenting using your WordPress.com account. ( Log Out / Change ) Google+ photo You are commenting using your Google+ account. ( Log Out / Change ) Twitter picture You are commenting using your Twitter account. ( Log Out / Change ) Facebook photo You are commenting using your Facebook account. ( Log Out / Change ) Cancel Connecting to %s [ ] Notify me of new comments via email. Post Comment * Search for: ____________________ Search * Ang Aking Facebook Page Ang Aking Facebook Page * Salamat sa pagsubaybay Ilagay ang email address sa ibaba Join 4,871 other followers ____________________ Sundan ang Blog * Recent Posts + Ano nga ba ang Silbi ng mga Ipis sa Mundo? + Mga Dahilan Kung Bakit Hindi Ka Natanggap sa Inapplyang Trabaho + TOP 100 Pinoy Pick-up Lines + Para Sa Homeless Romantic + Ang Mga Klase ng Taong Dapat Mong Iwasan… Dapat Nga Ba? + Ang Susunod Na Pinoy Reality Show + Metamorposis + Transkrip + X o Zzz? + All-Original Mashup Compilation + Ang Iba’t ibang Klaseng Comment sa mga Post sa Social Media + Pulis Patola sa Social Media? + Spider-Man Pinoy Version Storyline + Mga Paalala sa Pag-akyat sa Mount Pulag + Ang mga Patok na Negosyo sa Baguio + Ang mga Gasgas na Pinoy Telenobela Plotline + Ready, Set, Tweet! + Mga Senyales ng Pagka-adik sa Social Media + Mga Senyales na InLove Ka + NYR * Reader’s Favorite Posts + Mga Kakaibang Salitang Pinoy: Barnakol, Bultokachi, Kukurikapu atbp. + TOP 100 Pinoy Pick-up Lines + Mga Senyales na InLove Ka + Ang Mga Klase ng Taong Dapat Mong Iwasan… Dapat Nga Ba? + Ano nga ba ang Silbi ng mga Ipis sa Mundo? + Kapag Kinantahan Ka Nila ng HAPPY BIRTHDAY... Awkward + A-B-C-D-E-leksyon + Mga Dahilan Kung Bakit Hindi Ka Natanggap sa Inapplyang Trabaho + Ang Paboritong Kong Animé Noon (part 2) + Orasan * Archives Archives [Select Month__] * HUMOR BLOG Humor - Top Blogs Philippines Advertisements JUAN MALAYA Create a free website or blog at WordPress.com. ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ Post to Cancel Reblog Post Close and accept Privacy & Cookies: This site uses cookies. By continuing to use this website, you agree to their use. To find out more, including how to control cookies, see here: Cookie Policy IFRAME: likes-master %d bloggers like this: