#JUAN MALAYA » Feed JUAN MALAYA » Comments Feed JUAN MALAYA » A-B-C-D-E-leksyon Comments Feed Ang Paboritong Kong Anime Noon (part 1) Ang Paboritong Kong Animé Noon (part 2) alternate alternate JUAN MALAYA WordPress.com JUAN MALAYA Skip to content * Tahanan * Lipunan * Pagkabata * Paglalakbay * Pasumala + Listahan + Ktnxbye * Lahat * Tungkol kay Juan ← Ang Paboritong Kong Anime Noon (part 1) Ang Paboritong Kong Animé Noon (part 2) → A-B-C-D-E-leksyon Posted on April 24, 2013 by cn21 022513-bb-election Hindi pa eleksyon “MALIGAYANG PASKO AT MASAGANANG BAGONG TAON” -Mayor Romualdez Gonzales “Happy FIESTA Brgy.Mahamog” -Vice Mayor Ronaldo Valdes Zamora “HaPpY VaLeNtInEs DaY!” -Kon. Precious “mic mic” Tweetums “Congaratualation Graduates!” -Cong. Andrew Dave Imposibleng wala kang nakikitang mga ganyang karatula o tarpaulin sa araw-araw mong paglabas sa bahay niyo. Iba’t ibang mensahe ang nais iparating sa ‘tin, may kanya-kanya na sila pwesto para sa kanilang bulletin board sa daan. May bumabati ng Merry Xmas, Hapi v-day, maligayang bati sa mga magsisipagtapos at kung anu-ano pa. Meron din naman partikular na pagbati tulad ng “CONGRATULATION to Luningning De Gracia -the new CPA” from Cong. Augustus Mori. Marami pa yun at lahat na ata ng pagbati ay nagawan na nila ng tarpaulin. Wala naman akong nakikitang masama sa mga ganung gawain ng mga politiko o mga namamahala sa ating bayan. Pero hindi ko lang maiwasang isipin na sa likod ng mga pagbating iyon ay may nakatagong agenda. Sa istilo o disenyong pagkakagawa ay talaga namang malaki pa ang litrato nila o pangalan nila kaysa sa kanilang tunay na mensahe na gustong ipahatid sa publiko. Hindi lahat, pero karamihan at napapansin ko lang. Saan sila nagpapapicture? Sa Fujifilm? Tronix? True Colors? Namimigay din kaya sila ng wallet size nito? Dumating kaya ang panahon na lahat ng pagbati ay nagawan na nila ng tarpaulin, tulad ng undas, semana santa, Halloween, Independence day, Labor day, National Heroes day, Bonifacio day, Rizal day, wedding anniversary ng tiyahin nila, first birthday ng pamangkin nila o di kaya ay mag-lunsad din sila ng summer theme tulad ng “GALAWGAW sa TAG-ARAW”. May iba namang pang teleserye sa primetime ang dating, yung tipong talagang makapigil-hiningang mensahe tulad ng: “Gusto mo bang maging ISKOLAR? ..tuparin ang iyong mga pangarap” “ABANGAN!” Syempre kailangan mong abangan ang susunod na kabanata, ang susunod na ipagagawa nilang tarpaulin. Magastos, bakit hindi na lang nila pag-isahin. May isa pang paraan ang mga politiko upang ipangalandakan sa publiko ang kanilang sarili. Ang kanilang pangalan ay malimit nakalagay sa mga proyektong natapos at napagtagumpayan nila. Kalimitan nakalagay ang pangalan nila sa tulay, posteng pailaw, arko ng brgy.,waiting shed, public c.r., sa sementong kalsada, sa berdeng basurahan, sa bagong pinturang pader, sa t-shirt ng construction workers, sa t-shirt ng mga iskolars, sa kalendaryo(family picture), sa ospital, building, sa likod ng mga arm chair sa eskwelahan, maging sa coloring book ng mga prep at nursery, at hanggang sa lata ng sardinas na pinamimigay nila na kasama sa relief goods. Ang lahat ng ito ay paraan ng kanilang pagpapakilala sa masa. Kung dati rati ang kampanya ay nagaganap lang sa tuwing nalalapit na ang botohan, ngayon ang haba ng pangangampanya ay katumbas na isang panunungkulan. SINING NG POLITIKA(politcal art) – Ito ang masining na pamamaraan na ginagamit ng mga politiko hindi basta para magpakilala kundi upang maalala at manatiling nakakatatak sila sa utak ng mga tao. Ang ilang mga halimbawa nito ay ang pagkakaroon ng sariling hand gesture, color coding, jingle na pang-novelty o pang-masa ang dating, tv ads at meron na rin tru internet via Facebook page at Twitter. Malapit na ang eleksyon Kapag nalalapit na ang eleksyon, bukod sa mga pabati nila(na kahit tapos na ang okasyon ay nakasabit at nakadikit pa rin sa daan), sandakmak na rin ang makikita natin paglabas ng bahay na halos kada isang metro ay may makikita tayong mukha nila. Madaming pakulo o propaganda ang mga politiko pagsasapit ang eleksyon. Sandamkmak na media exposures sa tv, radyo, dyaryo, internet, pelikula at text brigade. Sandamukal na mga llitrato ng mga kandidato saan mang panig ng pader at kahit saang pader maisipang idikit. Dikit dito, dikit doon, inangakin na ang pader ng ibang bahay. Dikit sa poste, trapal sa tricycle, triangle-top ng jeep, katabi ng poster ni Marian Rivera, kabog ang mga poster na mga load outlet at ang pader na pula-puti ng coke at biglang nagkaroon ng fiesta sa lugar dahil sa mga nakasabit na larawan nila sa daan. Lalong nagiging aktibo ang mga polotiko kapag malapit na ang eleksyon. Biglang nagkakaroon ng libreng health service, job placement, skills training, scholarships, sports programs, free load, free cellphone, dental mission, fun run, pa-Bingo at bilang aayusin ang hindi naman sirang kalsada. Tuwing eleksyon Sa mismong araw ng eleksyon hindi mawawala ang sandamakmak na kumpulan sa labas ng presinto na tila may nagaganap na abutan o bilihan ng boto. Uso din yung mga jeep na manunundo sa bahay upang ikaw ay makaboto pero may kinikilingang partido. Related Blog: Dos and Don’t On Election Day Pagkatapos ng eleksyon Hindi pwedeng walang dayaang magaganap sa eleksyon. Dahil yun ang laging sinasabi ng mga natatalo, na dinaya sila. Bihirang may tumanggap ng pagkatalo, bihirang may gustong humarap sa kahihiyan na sila ay natalo matapos ang puspusang pagdidikit ng litrato nila sa pader, matapos ang napakamahal na gastos sa tv ads at ibang campaign materials. Walang gustong magbakbak ng luhaan sa mga pinagdidikit sa pader, walang natalong nakikipagkamay sa nagwagi, meron man pero iilan lang. Mas masakit kung nandaya na, natalo pa rin. Paalala sa darating na eleksyon Iboto natin ang karapat dapat. Huwag tayong pabulag sa kasikatan at popularidad ng isang kandidato, ang tignan natin ay kung may kakayahan ba siyang gawin ang kanyang mga responsibilidad bilang isang lider. Iboto natin yung alam nating may magagawa, may magagandang plataporma at positibong pananaw. Iboto natin yun mga kandidatong mayroon ng napatunayan at may paninidigan. Madami tayong gustong baguhin sa sistema ng pamahalaan. Madami tayong reklamo na bakit hindi ganito, hindi ganyan. Mas madaming oras ang ilan para sa pag-aalsa at pag-kontra pero kelan ba tayo nagbigay ng oras para pag-isipan ang sagot sa tanog na… “Ano na ba ang naitutulong ko sa Pilipinas?” Huwag mong lokohin ang sarili mo, nasagot mo ba? Baka naman isa ka dun sa mga may pabrika ng mga sanggol o mayroon ka ng museyong pambata. Baka isa ka dun sa mga tatamad-tamad mag-aral noon kaya sinisisi ang gobyerno kung bakit walang mapasukang trabaho ngayon? Isa ka ba dun sa mga nawalan na ng pag-asa sa buhay at laging tinuturong dahilan sa paggawa ng krimen ay ang kahirapan? Kabilang ka ba dun sa mga napapabalitang mga magulang na nilalason ang anak dahil sa wala ng mapakain. Isa ka bang tambay na ang libangan ay sumama sa rally para sa libreng pansit o isa ka ba sa mga nagtutulak ng pinagbabawal na gamot o bumibili? Baka naman isa kang politiko na walang ginawa kundi magbutas ng upuan at magbilang ng sesame seed sa Bravo biscuit? Isa ka ba dun sa laging nagrerelakmo sa gobyerno pero hindi naman bumoboto? Gusto natin ng pagbabago? Simulan natin sa ating mga sarili, pagbabago para sa ikabubuti hindi lamang sa ating mga sarili kundi para sa lahat at sa ikakaunlad ng ating bayan. Ako nga pala si Juancho, isa sa mga assistant ni Mayor hanggang dito na lang muna may ikakabit pa kaming bagong tarpaulin. Advertisements Rate this: Share this: * Twitter * Facebook * Like this: Like Loading... Related This entry was posted in Lipunan. Bookmark the permalink. ← Ang Paboritong Kong Anime Noon (part 1) Ang Paboritong Kong Animé Noon (part 2) → Leave a Reply Cancel reply Enter your comment here... ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ Fill in your details below or click an icon to log in: * * * IFRAME: googleplus-sign-in * * Gravatar Email (required) (Address never made public) ____________________ Name (required) ____________________ Website ____________________ WordPress.com Logo You are commenting using your WordPress.com account. ( Log Out / Change ) Google+ photo You are commenting using your Google+ account. ( Log Out / Change ) Twitter picture You are commenting using your Twitter account. ( Log Out / Change ) Facebook photo You are commenting using your Facebook account. ( Log Out / Change ) Cancel Connecting to %s [ ] Notify me of new comments via email. Post Comment * Search for: ____________________ Search * Ang Aking Facebook Page Ang Aking Facebook Page * Salamat sa pagsubaybay Ilagay ang email address sa ibaba Join 4,871 other followers ____________________ Sundan ang Blog * Recent Posts + Ano nga ba ang Silbi ng mga Ipis sa Mundo? + Mga Dahilan Kung Bakit Hindi Ka Natanggap sa Inapplyang Trabaho + TOP 100 Pinoy Pick-up Lines + Para Sa Homeless Romantic + Ang Mga Klase ng Taong Dapat Mong Iwasan… Dapat Nga Ba? + Ang Susunod Na Pinoy Reality Show + Metamorposis + Transkrip + X o Zzz? + All-Original Mashup Compilation + Ang Iba’t ibang Klaseng Comment sa mga Post sa Social Media + Pulis Patola sa Social Media? + Spider-Man Pinoy Version Storyline + Mga Paalala sa Pag-akyat sa Mount Pulag + Ang mga Patok na Negosyo sa Baguio + Ang mga Gasgas na Pinoy Telenobela Plotline + Ready, Set, Tweet! + Mga Senyales ng Pagka-adik sa Social Media + Mga Senyales na InLove Ka + NYR * Reader’s Favorite Posts + Mga Kakaibang Salitang Pinoy: Barnakol, Bultokachi, Kukurikapu atbp. + TOP 100 Pinoy Pick-up Lines + Mga Senyales na InLove Ka + Ang Mga Klase ng Taong Dapat Mong Iwasan… Dapat Nga Ba? + Ano nga ba ang Silbi ng mga Ipis sa Mundo? + Kapag Kinantahan Ka Nila ng HAPPY BIRTHDAY... Awkward + A-B-C-D-E-leksyon + Mga Dahilan Kung Bakit Hindi Ka Natanggap sa Inapplyang Trabaho + Ang Paboritong Kong Animé Noon (part 2) + Orasan * Archives Archives [Select Month__] * HUMOR BLOG Humor - Top Blogs Philippines Advertisements JUAN MALAYA Blog at WordPress.com. ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ Post to Cancel Reblog Post Close and accept Privacy & Cookies: This site uses cookies. By continuing to use this website, you agree to their use. To find out more, including how to control cookies, see here: Cookie Policy IFRAME: likes-master %d bloggers like this: