#JUAN MALAYA » Feed JUAN MALAYA » Comments Feed JUAN MALAYA » Ang Paboritong Kong Animé Noon (part 2) Comments Feed A-B-C-D-E-leksyon Mga Kakaibang Salitang Pinoy: Barnakol, Bultokachi, Kukurikapu atbp. alternate alternate JUAN MALAYA WordPress.com JUAN MALAYA Skip to content * Tahanan * Lipunan * Pagkabata * Paglalakbay * Pasumala + Listahan + Ktnxbye * Lahat * Tungkol kay Juan ← A-B-C-D-E-leksyon Mga Kakaibang Salitang Pinoy: Barnakol, Bultokachi, Kukurikapu atbp. → Ang Paboritong Kong Animé Noon (part 2) Posted on April 29, 2013 by cn21 annime (1) Nauna ko nang nai-blog ang tatlo (part 1) sa mga pinakasikat na Anime na naging paborito ng halos lahat ng mga bata noon. Heto ang ilan pa sa mga walang kamatayang Anime na tumatak at patuloy ng nakataktak sa ating isipan hanggang pagtanda. GHOST FIGHTER IFRAME: https://www.youtube.com/embed/NdUFH7zZSHI?version=3&rel=1&fs=1&autohide =2&showsearch=0&showinfo=1&iv_load_policy=1&wmode=transparent 2 (1) Yu-Yu Hakusho OVA version (for blog) (1) YuYuHakusho5 (1) Eugene, Dennis, Vincent at Alfred… for sure tanda niyo ang mga mga pangalan na yan. Ilang beses ba naman pinaulet ulet ng ipalabas ng GMA7 yan. Saulado ko pa nga ang opening theme song niyan (sample sample sample) …ah basta ang dulo niya ♩♪ARIGA TOYO MANSI WAH!♪♫ Pero mabalik tayo sa kwento ng Ghost Fighter, maganda ang istorya nito na siyang kinahumalingan ng kuya ko habang kumakain ng paborito niyang beans at Haw Flakes habang nakatapat sa tv. Wala kayo sa kuya ko, meron pa talaga siyang notebook na listahan ng mga pamagat ng kada episode. Mabalik tayo sa kwento ng Ghost Fighter, talaga naman kapanapanabik ang bawat eksena at talagang tutukan mo ang bawat sandali (teka medyo OA ba ang line na yun?). Dahil sa Ghost Fighter na yan, hindi na mautusan ang kuya ko, ako na lagi, pati mga pagkakamali niya sakin sinisisi….ako ako parati na lang ako, ako na lahat, wala na kong ginawang tama hanggang kelan ako magtitiis sa paghihirap na ‘to. Pero mabalik tayo sa kwento ng Ghost Fighter, buti na lang at dalawa ang tv namin noon dahil kung hindi nagkaroon na ng digmaan pandaigdigan sapagitan ng kuya at ate ko dahil sa teleserye nila Claudine, Jolina at Thalia sa dos noong mga panahon na yun. Mabalik tayo sa kwento ng Ghost Fighter, ano bang istorya ng Ghost Fighter? Sino pa bang hindi nakakaalam sa kwento ng Ghost Fighter!? Hanggan ngayon ba hindi mo pa rin alam ang istorya ng Ghost Fighter!!!? Kung binabasa mo to para malaman mo ang kwento ng Ghost Fighter pwes sinasayang mo lang ang oras mo. POKEMON IFRAME: https://www.youtube.com/embed/6VNHuP2a5Nk?version=3&rel=1&fs=1&autohide =2&showsearch=0&showinfo=1&iv_load_policy=1&wmode=transparent 61194-pokemon-pokemon (1) Serebii-net-s-Official-Advent-Wallpapers-pokemon-17922352-1024-768 (1) Pokemon-pokemon-942814_1024_768 (1) Ang Pokemon na yan, ang walang kamatayang Pokemon na yan Grade 5 pa ko may Pokemon na, naka-gradute na ko ng elementary may Pokemon pa rin, Grumaduate na ko ng highschool may Pokemon pa rin. Lintek na Pokemon na yan, college na ko may Pokemon pa rin hanggan sa nagkatrabaho hindi pa rin nag-eevolve si Pikachu, ‘maryosep! Nung bata ako super fan ako ng Pokemon, tuwing Biyernes ng gabi ‘to pinapalabas noon. So kung meron na ‘tong 542 episodes at isang beses lang ipapalabas sa isang linggo aba’y aabutin mahigit sampung taon. Ang totoo niyan ay saulado ko rin ang opening themesong neto at maging ang rap ending song neto, ♩♪ Bulbasaur, Jiglyuff, Charmander, Kabuto… Raticate, Snorlax, Magicarf, Squirtle… Ponyta, Rapidash, Pigey, Pigeotto! Gonna Catch’em all (2x)♩♪… Suki rin ako sa tindahan ng kapitbahay namin noon dahil ako ata ang nakaka-ubos ng paninda nilang Pokemon pogs, text, coloring mini booklet at marami pang ka-ek-ekan collectibles. Dumating ang mga araw na hindi ko na nasubaybayan ang episode nito hanggang isang araw binuksan ko ang tv at sumakto sa Pokemon. Hindi ko na makita sila Bulbasaur, Charmander at Togepi… mukhang hindi na ko updated at nagkaroon na pala ng labindalawang series ‘to. Hindi ko alam kung magkakaroon pa ng ending ang Pokemon animated series o kung aabutin pa ng salinlahi bago pa maging Pokemon Master si Ash. DRAGON BALL Z IFRAME: https://www.youtube.com/embed/6VNHuP2a5Nk?version=3&rel=1&fs=1&autohide =2&showsearch=0&showinfo=1&iv_load_policy=1&wmode=transparent dragon-ball-revenge-of-king-picallo-cast-of-characters-screenshot dbz-dragon-ball-4475350-512-384 download (3) (1) Ito Dragon Ball o Dragon Ball Z o Dragon Ball Kai o Dragon Ball GT… hay!!! Napakadaming season. Nagsimula ang istoya nito nung magkita sina Bulma at ang batang unggoy na si Son Gokou sa tapat ng puno ng Higera. Kulitan portion ang naganap dahil ayaw ibigay ni Gokou ang kanyang 4-star Dragon Ball kay Bulma. Nagdesisyon silang magtulungan na lang sa paghahanap sa mga Dragon Balls at dun nila nakilala ang iba’t ibang mga bidang tauhan na kanilang mga naging kaibigan. Madaming din silang naging kaaway at nakalaban ni Gokou mula kay Pilaf, Red Ribbon Army, Kawpaytek, Picollo Sr., hanggang kay Vegeta, Raditz, Freeza, Majinbuu, Super 17 at madami pang iba. Simula nung bata pa si Gokou hanggang sa mag-kaanak na, mamatay, muling nabuhay hanggang sa nagkaapo at muling bumata ay gamit na gamit nila ang mga Dragon Balls. Dahil sa naging abusado ang mga tauhan sa pagamit ng mga Dragon Balls (na kung saan natutupad ang anumang hilingin mo) ay hindi na kinaya ni Shenron (Shenlong) ang pang-aalipusta sa kanya kaya kumawala ang pitong masasamang halimaw (negative vibes) na sumisimbolo sa bawat Dragon Balls at ito naman ang nagsasik ng kasamaan. Humantong sa pagiging Utra Mega Super Duper Saiyan for all season fusion technique sina Gokou at Vegeta bago matalo ang pesteng kontrabidang dragon. Matapos nilang matalo ang Ultimate kontrabida ay humirit pa si Gokou kay Shenron ng kahilingan na buhayin ang mga namatay sa laban at yun na ang naging kahuli-hulihang hiling na tinupad ni Shenron. Nalungkot ako bigla nung mapanuod ko yung last episode nito. 😐 Marami pang mga anime na kinahumalingan ko noon Malay mo maisipan ko ulet i-blog ang iba pa at magkaroon ng part 3. Pero sa anim ng nai-blog kong anime tingin ko alam niyo na ang PINAKA-paborito ko. 🙂 Related blog: * Paboritong Animé (Part 1) Advertisements Rate this: Share this: * Twitter * Facebook * Like this: Like Loading... Related This entry was posted in Listahan, Pagkabata and tagged Telebisyon. Bookmark the permalink. ← A-B-C-D-E-leksyon Mga Kakaibang Salitang Pinoy: Barnakol, Bultokachi, Kukurikapu atbp. → 2 Responses to Ang Paboritong Kong Animé Noon (part 2) 1. Pingback: Paboritong Animé (Part 1) | JUAN MALAYA 2. millicent nadine says: June 1, 2014 at 6:26 pm meron pa… Lupin the III, Flame of Recca, Beyblade, Crauh gear, Digimon, Voltes V, Daimos, Cyber Kero-chan, Crayon Shin chan, Gate Keeper, Yu-Gi-Oh, Super Yoyo, Angelic Layer, Super Sonic, Monster Rancher, and etc… etc… etc… ^_^ Reply Leave a Reply Cancel reply Enter your comment here... ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ Fill in your details below or click an icon to log in: * * * IFRAME: googleplus-sign-in * * Gravatar Email (required) (Address never made public) ____________________ Name (required) ____________________ Website ____________________ WordPress.com Logo You are commenting using your WordPress.com account. ( Log Out / Change ) Google+ photo You are commenting using your Google+ account. ( Log Out / Change ) Twitter picture You are commenting using your Twitter account. ( Log Out / Change ) Facebook photo You are commenting using your Facebook account. ( Log Out / Change ) Cancel Connecting to %s [ ] Notify me of new comments via email. Post Comment * Search for: ____________________ Search * Ang Aking Facebook Page Ang Aking Facebook Page * Salamat sa pagsubaybay Ilagay ang email address sa ibaba Join 4,871 other followers ____________________ Sundan ang Blog * Recent Posts + Ano nga ba ang Silbi ng mga Ipis sa Mundo? + Mga Dahilan Kung Bakit Hindi Ka Natanggap sa Inapplyang Trabaho + TOP 100 Pinoy Pick-up Lines + Para Sa Homeless Romantic + Ang Mga Klase ng Taong Dapat Mong Iwasan… Dapat Nga Ba? + Ang Susunod Na Pinoy Reality Show + Metamorposis + Transkrip + X o Zzz? + All-Original Mashup Compilation + Ang Iba’t ibang Klaseng Comment sa mga Post sa Social Media + Pulis Patola sa Social Media? + Spider-Man Pinoy Version Storyline + Mga Paalala sa Pag-akyat sa Mount Pulag + Ang mga Patok na Negosyo sa Baguio + Ang mga Gasgas na Pinoy Telenobela Plotline + Ready, Set, Tweet! + Mga Senyales ng Pagka-adik sa Social Media + Mga Senyales na InLove Ka + NYR * Reader’s Favorite Posts + Mga Kakaibang Salitang Pinoy: Barnakol, Bultokachi, Kukurikapu atbp. + TOP 100 Pinoy Pick-up Lines + Mga Senyales na InLove Ka + Ang Mga Klase ng Taong Dapat Mong Iwasan… Dapat Nga Ba? + Ano nga ba ang Silbi ng mga Ipis sa Mundo? + Kapag Kinantahan Ka Nila ng HAPPY BIRTHDAY... Awkward + A-B-C-D-E-leksyon + Mga Dahilan Kung Bakit Hindi Ka Natanggap sa Inapplyang Trabaho + Ang Paboritong Kong Animé Noon (part 2) + Orasan * Archives Archives [Select Month__] * HUMOR BLOG Humor - Top Blogs Philippines Advertisements JUAN MALAYA Blog at WordPress.com. ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ Post to Cancel Reblog Post Close and accept Privacy & Cookies: This site uses cookies. By continuing to use this website, you agree to their use. To find out more, including how to control cookies, see here: Cookie Policy IFRAME: likes-master %d bloggers like this: