#JUAN MALAYA » Feed JUAN MALAYA » Comments Feed JUAN MALAYA » Orasan Comments Feed Blind Item Dental Clinic alternate alternate JUAN MALAYA WordPress.com JUAN MALAYA Skip to content * Tahanan * Lipunan * Pagkabata * Paglalakbay * Pasumala + Listahan + Ktnxbye * Lahat * Tungkol kay Juan ← Blind Item Dental Clinic → Orasan Posted on June 24, 2013 by cn21 clock-cartoon-worried Sino ang nagpauso ng ‘Filipino Time’ ay synonymous sa salitang ‘late’? Kelan pa ‘to nauso? May kinalaman ba ito kung bakit laging late dumadating ang mga pulis… sa mga pelikula? Kung bakit laging delayed telecast sa tv ang laban ng mga Pilipinong boksingero? Tumatak na ang konsepto sa atin na kapag sinabing “Filipino Time” ay kakabit na sa salitang “late” o nahuhuli sa itinakdang oras. Ito ay ikinainit ng ulo ni Tita Miriam Santiago. “Filipinos are notorious for their tardiness such that being late has become synonymous to Filipino time.” – Miriam Defensor Santiago Noong Nobyembre ng nagkaraan taon ay nagpanukala siya ng batas na kilala rin sa tawag na One Time Philippine Act. Malaking tulong nga naman ito upang maging produktibo ang bawat isang mamayang Pilipino (lalo na sa gobyerno) sa pagamit ng kanilang mga oras sa pagtatrabaho. Marami rin kasing mga opisina ng gobyerno ang nagsasara ng maaga. Late na nga nagbubukas maaga pang nagsasara. Pag-usapan naman nating ang pagiging late. Nalista ko ang ilan sa mga karaniwang dahilan kung bakit tayo nale-late sa ating mga lakad. 1. Sirang alarm clock o maling set up ng alarm clock dahil imbes na AM ay PM pala ang nai-set mo. Kung minsan naman nagigising ka na dahil sa alarm clock mo at napatay mo na ito ang problema ay nakatulog ka pa rin. Dahil napatay mo na ang alarm clock wala ng ibang gigising kundi ang nanay at tatay mo o di kaya magigising ka na lang na mahigit kumulang isang oras ka ng late. 2. LBM. Hindi ka na nga nagising sa alarm clock mo nagmamaasim pa ang tyan mo. Gustuhin mo man pumasok ng maaga wala kang magagawa kapag inatake ka ng LBM. Iisipin mo na wag na lang pumasok pero dahil may deadline kang hinahabol sa trabaho mo o di kaya ay ‘once in a lifetime’ final exam niyo ay pipilitin mong pumasok kahit late. “It’s better to be late that later.” – Clarenze Nixon 3. May tao pa sa banyo. Bukod sa may LBM ka ay madaming nakapila sa CR niyo. Dahil na-late ka ng gising naunahan ka na ng mga kapatid mo sa paliligo at kung minsa lubid ang dumi nila. 4. May naiwan sa bahay. Halimbawa, ID o di kaya pera o pamasahe mo o kaya project mo sa Science. Ang malupit pa niyan dahil late ka na (dahil sa sirang alarm clock at may LBM ka pa) at nagmamadali ka na pagpasok ay saka ka pa may naiwan at naisip mo na lang ito nung on the way ka na. Triple-murder case. 5. Probema sa kalsada. Matapos mong balikan ang naiwan mo. Heto’t bibyahe ka na pero… 5.1 Traffic 5.1.1 Umuulan… lumakas ang ulan.. bumaha hanggang batok… 5.1.2 May nagbanggaa 5.1.3 Walang traffic enforcer at sira ang stop light 5.2 Nasiraan ang sinasakyan 5.2.1 Na-flatan ng gulong 5.2.2 Nawalang ng preno 5.3 May mental disorder ang driver 5.3.1 Sinuyod ang bawat kanto para makapag-sakay ng pasahero 5.3.2 Tatlong beses nagpagasolina 5.3.3 Lasing ang driver, may nabunggong sasakyan at kailangan mong lumipat sa iba 5.4 Sarado ang kalsada dahil may birthdayhan 5.5 May parada o di kaya nasa likuran kayo ng parada Boss: BAKIT KA LATE!? Empleyado: Ah.. eh di po gumana yung alarm ko saka nagka-LBM ako tas ang haba pa ng pila sa banyo namin eh naiwan ko pa po pamasahe ko tas traffic pa, nagpagasolina pa yung driver ng sinasakyan kong jeep tas patigil ng tigil, tas may nagbanggaan eh umulan pati bumaha sa min hanggang batok . Dapat nga po di na lang ako papasok, pasalamat pa po kayo at pinilit kong pumasok di ba? Excuse lang po CR po muna ko… Time is gold. Yan ang nakalakihan kong kasabihan. Kapag may nagtatanong sakin ng ‘what is your motto in life?’ sa graded recication sa school at sa mga job interviews, “Time is Gold” agad ang pumapasok sa isip ko pero syempre hindi iyon ang sagot ko dahil palasak na. Gasgas na ang “Time is Gold” mula pa nun nauso yung autograph book nung grade school ako. Pero bakit nga ba ‘time is gold’? Syempre bukod sa stock knowledge ko nagresearch naman ako sa google para bigyan kayo ng magandang sagot at para mabahiran naman ng english ‘tong blogpost ko. This actually makes a lot of sense. Because Gold is rare, if you have a piece of it you should treasure it. Time is gold because every second time is passing and you can’t go back to change it so you must treasure every second of life. It is the most precious thing you own. Once you spend it, you can’t get it back. If you waste it, you will be poor, but if you are wise, you will invest it in others, work, and so on, and you will be wise in spirit. Sino ang nagpauso ng ‘Filipino Time’ ay synonymous sa salitang ‘late’? Eh sino pa kundi tayo ring mga Pinoy. Tayo nagsimula sana tayo din bumago sa kahulugan niyan. Noong ngang May 15 ay tagumpay para kay Miriam Santiago dahil naisa-batas na ang Republic Act 10535 na magtatalaga ng Philippine Standard Time na magmumula sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) upang maging synchronize ang oras sa buong Pilipinas, mula sa mga government agencies hanggang sa mga private o public tv at radio station. Ang sino mang lalabag sa batas ay maaring magmulta ng mahigit sa P50,000. Ito na nga kaya ang magiging solusyon sa problema sa ugali ng mga Pinoy? Iba pa rin ang disiplina na manggagaling sa sarili. Umpisahan natin sa ating mga sarili kung mayroon man tayong nais baguhin sa paligid natin. Kung hindi mo pinahahalagahan ang oras mo isipin mo ang iba na nadadamay sayo at sana dumating ang araw na disiplinado na tayong mga Pinoy pagdating sa sarili nating oras. Filipino time should be synonymous to ‘being on time’. Okay hanggang dito na lang muna at may lakad pa ko, ayokong ma-late. K.tnx.bye. Advertisements Rate this: Share this: * Twitter * Facebook * Like this: Like Loading... Related This entry was posted in Lipunan. Bookmark the permalink. ← Blind Item Dental Clinic → 2 Responses to Orasan 1. jason says: May 24, 2013 at 10:28 am Haha! Tawang-tawa ko sa pinagsama-samang alibi ako laging “important matters” ang dahilan ko, bumebenta naman pag late ako. lol Reply 2. Pingback: X o Zzz? | JUAN MALAYA Leave a Reply Cancel reply Enter your comment here... ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ Fill in your details below or click an icon to log in: * * * IFRAME: googleplus-sign-in * * Gravatar Email (required) (Address never made public) ____________________ Name (required) ____________________ Website ____________________ WordPress.com Logo You are commenting using your WordPress.com account. ( Log Out / Change ) Google+ photo You are commenting using your Google+ account. ( Log Out / Change ) Twitter picture You are commenting using your Twitter account. ( Log Out / Change ) Facebook photo You are commenting using your Facebook account. ( Log Out / Change ) Cancel Connecting to %s [ ] Notify me of new comments via email. Post Comment * Search for: ____________________ Search * Ang Aking Facebook Page Ang Aking Facebook Page * Salamat sa pagsubaybay Ilagay ang email address sa ibaba Join 4,871 other followers ____________________ Sundan ang Blog * Recent Posts + Ano nga ba ang Silbi ng mga Ipis sa Mundo? + Mga Dahilan Kung Bakit Hindi Ka Natanggap sa Inapplyang Trabaho + TOP 100 Pinoy Pick-up Lines + Para Sa Homeless Romantic + Ang Mga Klase ng Taong Dapat Mong Iwasan… Dapat Nga Ba? + Ang Susunod Na Pinoy Reality Show + Metamorposis + Transkrip + X o Zzz? + All-Original Mashup Compilation + Ang Iba’t ibang Klaseng Comment sa mga Post sa Social Media + Pulis Patola sa Social Media? + Spider-Man Pinoy Version Storyline + Mga Paalala sa Pag-akyat sa Mount Pulag + Ang mga Patok na Negosyo sa Baguio + Ang mga Gasgas na Pinoy Telenobela Plotline + Ready, Set, Tweet! + Mga Senyales ng Pagka-adik sa Social Media + Mga Senyales na InLove Ka + NYR * Reader’s Favorite Posts + Mga Kakaibang Salitang Pinoy: Barnakol, Bultokachi, Kukurikapu atbp. + TOP 100 Pinoy Pick-up Lines + Mga Senyales na InLove Ka + Ang Mga Klase ng Taong Dapat Mong Iwasan… Dapat Nga Ba? + Ano nga ba ang Silbi ng mga Ipis sa Mundo? + Kapag Kinantahan Ka Nila ng HAPPY BIRTHDAY... Awkward + A-B-C-D-E-leksyon + Mga Dahilan Kung Bakit Hindi Ka Natanggap sa Inapplyang Trabaho + Ang Paboritong Kong Animé Noon (part 2) + Orasan * Archives Archives [Select Month__] * HUMOR BLOG Humor - Top Blogs Philippines Advertisements JUAN MALAYA Create a free website or blog at WordPress.com. ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ Post to Cancel Reblog Post Close and accept Privacy & Cookies: This site uses cookies. By continuing to use this website, you agree to their use. To find out more, including how to control cookies, see here: Cookie Policy IFRAME: likes-master %d bloggers like this: