#JUAN MALAYA » Feed JUAN MALAYA » Comments Feed JUAN MALAYA » Ang Mga Klase ng Taong Dapat Mong Iwasan… Dapat Nga Ba? Comments Feed Ang Susunod Na Pinoy Reality Show Para Sa Homeless Romantic alternate alternate JUAN MALAYA WordPress.com JUAN MALAYA Skip to content * Tahanan * Lipunan * Pagkabata * Paglalakbay * Pasumala + Listahan + Ktnxbye * Lahat * Tungkol kay Juan ← Ang Susunod Na Pinoy Reality Show Para Sa Homeless Romantic → Ang Mga Klase ng Taong Dapat Mong Iwasan… Dapat Nga Ba? Posted on November 25, 2014 by cn21 Sa araw-araw na pakikisalamuha natin sa iba’t ibang tao sa ating paligid, mapa-eskwelahan man o sa lugar na ating pinagtatrabahuhan ay may mga makikilala tayo at makakasamang mga taong magbibigay sa atin ng kasiyahan, makakaimpluwensiya sa atin para magkaroon ng positibong pananaw at mga taong makakaimpluwensiya sa atin para magkaroon negatibong tugon o reaksyon dahil sa kanilang mga negatibong katangian. Hindi mo sila dapat labanan, hanggat maari ay kailangan mo lang silang iwasan. Ngunit ang pag-iwas nga lang ba ang solusyon o nakadepende pa rin sa sitwasyon at pagkakataon kung dapat mo pa rin silang pakisamahan sa kabila ng ‘di kagandahang ugali na meron sila? Narito ang ilan sa kanila: utang Mga Pala-utang Na Mahirap Singilin Sila ang mga taong nadiyan lang sa paligid at nagmamasid sa mga taong madali nilang [DEL: mauuto :DEL] mahihiraman ng pera. Normal lang ang mangutang sa oras ng pangangailangan lalo ng kung merong kaibigang matatakbuhan. Ang hindi normal ay ang maging sakit na nila ang pangungutang. Mabuti kung may magandang rekord sa pagbabayad, ang masaklap ay pahirapan ang paniningil sa kanila. Bakit mo siya dapat iwasan: Syempre baka utangan ka rin niya at maging isa ka sa mga biktima niya, mahirap na. Bakit mo siya dapat pakisamahan: Kung naging biktima ka na niya, aba’y wag na wag mo siyang lalayuan. bugnot2 Mga Bugnutin Normal lang sila sa umpisa at hindi mo makikitaan ng anumang sintomas ng [DEL: pagiging halimaw :DEL] pagkainis o pagiging bugnutin hanggang sa dumating ang sitwasyon na susubukin ang kanilang pasensya at BOOM! Unti unti mo na siyang makikilala at mapapansin mo na sila din ang mga taong madaling mainis kahit sa mga maliliit o mabababaw na dahilan lamang. May mga pagkakataon na hindi na ito magawang biruin ng mga kasamahan dahil natatakot sila sa magiging resulta kapag ito ay napikon. Bakit mo siya dapat iwasan: Hindi siya masayang kasama dahil madalas ay KJ o seryoso at hindi ma-gets ang mga joke na binibitawan mo. Kung minsan ang mga biro ay ituturing niyang isang seryosong bagay na dapat kainisan. Bakit mo siya dapat pakisamahan: Kung minsan sa init ng ulo niya ay hindi na niya alam ang mga sinasabi at nawawalan na lamang ng kontrol sa kanilang mga kinikilos kaya kailangan nila ng kaunting pang-unawa mula sa mga taong malalapit sa kanila. stress- cartoon Mga Palaging Stress Ang mga taong palaging stress ay yung mga laging subsob sa gawain; hindi mahilig mag-enjoy sa buhay, yung mga walang “work-life balance” na tinatawag at palaging masakit ang ulo. Kalimitan din sa kanila ay mga hindi organisado at walang time management skills. Ang masaklap ay meron na nga silang ganung skills ay stress pa rin. Bakit mo siya dapat iwasan: Nakakahawa sila at kadalasan naghahasik sila ng negative vibes para mahawa ang iba. Bakit mo siya dapat pakisamahan: Challenging makasama ang isang taong stressful, dalawa lang ‘yan, ikaw ang maimpluwensyahan niya o ikaw ang mang-impluwensiyahan sa kanya. Patunayan mo na magkaiba kayong dalawa, ipakita mo ang pagkakaroon ng positibong pananaw at ang tinataglay mong kasiyahan habang tinatapos mo ang iyong mga gawain. Kung naging malala na ang sitwasyon niya, huwag mahiyang tulungan siya, irekomend siya sa nakakataas na posisyon upang mabigyan siya ng karampatang training o seminar hinggil sa ‘stress management’. brain Mga Mapanghusga o Judgmental Sila naman ang mga taong may makikitid na pang-unawa. Malimit silang makasakit ng damdamin ng iba dahil nakabase ang kanilang mga opinyon sa kung ano lamang ang nakikita ng kanilang mga mata at nasaksihan sa isang pangyayari na tapos na. Kung minsan mahirap makipagtalo sa kanila dahil wala silang ibang pinaniniwalaan kundi ang sarili lang nila. Bakit mo siya dapat iwasan: Ang ginawa, ginagawa o nagawa niyang panghuhusga sa iba ay posible din niyang gawin sayo. Bakit mo siya dapat pakisamahan: Kailangan mayroong magpamukha sa kanya na may mali sa mga iniisip at sinasabi niya. Kailangan niya ng gabay at operasyon para sa utak niyang may makitid na espasyo. gossip Mga Tsismoso’t tsimosa Kahit kelan ata sa kasaysayan ng Pilipinas ay hindi nakatulong ang mga tsismoso’t tsimosa. Una, hindi katiwa-tiwala ang mga kwento nila dahil kalimitang naririnig lang din naman nila ito sa iba ng hindi sadya o kadalasan ay hindi sila ang direktang pinagpasahan ng impormasyon. Minsan ay natatawag din silang mga “usi” o mga usisero’t usisera, ang mga taong mausisa sa mga kapwa, sa mga bagay-bagay o pangyayari sa paligid na wala naman silang kinalaman. Kung minsan sila pa ang nagiging dahilan kung bakit may nasisirang relasyon o may mga taong napapahamak. Bakit mo siya dapat iwasan: Sa pelikula at mga telenobela, ang tsismoso’t tsimosa ang madalas unang pinapapatay. Ingat ka dahil baka ikaw ay madamay. Bakit mo siya dapat pakisamahan: Magiging updated ka sa mga latest chika at malalaking isyu sa paligid niyo lalo na sa mga topic na may kinalaman kay Kris Aquino. boast Mga Mayayabang May dalawang klase ng mayabang, isang may ipagyayabang at isang nagyayabang-yabangan. Yung nagyayabang-yabangan sila madalas yung mga dinadaan sa biro ang lahat. Yung may ipagyayabang sila madalas yung magpapamuka sayo ng mga bagay na kung saan sila ang angat, sinadya man niya o hindi. Sila yung mga taong pabida sa kwentuhan niyong magkakaopisina o magkakaklase. Bakit mo siya dapat layuan: Maiinis kang marinig ang mga kwento at banat nilang may pagka-self-centered. Kung may kayabangan ka ding taglay hindi kayo pwedeng magsama dahil posibleng makaramdam ka lang ng insecurity. Bakit mo siya dapat pakisamahan: Hayaan mo lang siya, makinig ka lang sa mga sasabihin niyang kayabangan o pagmamayabang kapag kayo’y nagkukwentuhan, marahil iyon na lamang nakikita niyang paraan para mapalakas ang kanyang self-esteem. Siguraduhin mo lang na nakita mo o maipapakita niya ang bagay na kanyang pinagyayabang at makakatulong ito para sa isang mabuti at may saysay na hangarin. random Mga Kinaiinisan mo ng Walang Dahilan May mga bagay talagang mahirap ipaliwanag kahit pa ng siyensya, isa na dito ang pakiramdam ng pagkainis mo sa isang tao kahit wala naman silang ginawang masama. Yung pakiramdam ng inis ka lang… tapos. Ang kategoryang ito ay malayo sa mga naunang nabanggit dahil dito ay sa sarili mo nagmumula ang lahat. Siguro ay dahil maraming dahilan kung bakit ka naiinis sa kanya ngunit ito’y maliliit na bagay at detalye lamang, at kapag pinagsasama-sama ay ganun na lamang ang nagiging resulta. Mahirap ipaliwanag dahil nahihirapan kang isa-isahin ang dahilan dahil ito’y mabababaw lamang. Bakit mo siya dapat layuan: Huwag mong ipilit ang sarili mo na mapalapit sa kanya dahil baka may magawa kang masama sa kanya na ikaw ang lalabas na kontrabida. Ilayo mo ang sariili mo na makagawa ng hindi maganda sa kapwa. Bakit mo siya dapat pakisamahan: Pakikitungo bilang katrabaho o kamag-aral, o kung hindi man, bilang tao. Una sa lahat ay wala siyang ginagawang masama sayo at nararapat lang na pakisamahan mo pa rin siya ng maayos sa sitwasyong kinakailangan. Advertisements Rate this: Share this: * Twitter * Facebook * Like this: Like Loading... Related This entry was posted in Listahan, Pasumala. Bookmark the permalink. ← Ang Susunod Na Pinoy Reality Show Para Sa Homeless Romantic → 2 Responses to Ang Mga Klase ng Taong Dapat Mong Iwasan… Dapat Nga Ba? 1. Herneil Roa says: November 26, 2014 at 12:35 am #thumbsup ung mayayabng… kakatamad tlga makikining sa mga mayayabang… lalo na ung mga tao… puru usap chix… pero bobo naman sa totoong buhat… Reply 2. arvin the official introvert says: November 26, 2014 at 7:58 am Nice! Pakisama na rin po ung mga taong sipsip sa boss. Reply Leave a Reply Cancel reply Enter your comment here... ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ Fill in your details below or click an icon to log in: * * * IFRAME: googleplus-sign-in * * Gravatar Email (required) (Address never made public) ____________________ Name (required) ____________________ Website ____________________ WordPress.com Logo You are commenting using your WordPress.com account. ( Log Out / Change ) Google+ photo You are commenting using your Google+ account. ( Log Out / Change ) Twitter picture You are commenting using your Twitter account. ( Log Out / Change ) Facebook photo You are commenting using your Facebook account. ( Log Out / Change ) Cancel Connecting to %s [ ] Notify me of new comments via email. Post Comment * Search for: ____________________ Search * Ang Aking Facebook Page Ang Aking Facebook Page * Salamat sa pagsubaybay Ilagay ang email address sa ibaba Join 4,871 other followers ____________________ Sundan ang Blog * Recent Posts + Ano nga ba ang Silbi ng mga Ipis sa Mundo? + Mga Dahilan Kung Bakit Hindi Ka Natanggap sa Inapplyang Trabaho + TOP 100 Pinoy Pick-up Lines + Para Sa Homeless Romantic + Ang Mga Klase ng Taong Dapat Mong Iwasan… Dapat Nga Ba? + Ang Susunod Na Pinoy Reality Show + Metamorposis + Transkrip + X o Zzz? + All-Original Mashup Compilation + Ang Iba’t ibang Klaseng Comment sa mga Post sa Social Media + Pulis Patola sa Social Media? + Spider-Man Pinoy Version Storyline + Mga Paalala sa Pag-akyat sa Mount Pulag + Ang mga Patok na Negosyo sa Baguio + Ang mga Gasgas na Pinoy Telenobela Plotline + Ready, Set, Tweet! + Mga Senyales ng Pagka-adik sa Social Media + Mga Senyales na InLove Ka + NYR * Reader’s Favorite Posts + Mga Kakaibang Salitang Pinoy: Barnakol, Bultokachi, Kukurikapu atbp. + TOP 100 Pinoy Pick-up Lines + Mga Senyales na InLove Ka + Ang Mga Klase ng Taong Dapat Mong Iwasan… Dapat Nga Ba? + Ano nga ba ang Silbi ng mga Ipis sa Mundo? + Kapag Kinantahan Ka Nila ng HAPPY BIRTHDAY... Awkward + A-B-C-D-E-leksyon + Mga Dahilan Kung Bakit Hindi Ka Natanggap sa Inapplyang Trabaho + Ang Paboritong Kong Animé Noon (part 2) + Orasan * Archives Archives [Select Month__] * HUMOR BLOG Humor - Top Blogs Philippines Advertisements JUAN MALAYA Blog at WordPress.com. ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ Post to Cancel Reblog Post Close and accept Privacy & Cookies: This site uses cookies. By continuing to use this website, you agree to their use. To find out more, including how to control cookies, see here: Cookie Policy IFRAME: likes-master %d bloggers like this: