#JUAN MALAYA » Feed JUAN MALAYA » Comments Feed JUAN MALAYA » Mga Dahilan Kung Bakit Hindi Ka Natanggap sa Inapplyang Trabaho Comments Feed TOP 100 Pinoy Pick-up Lines Ano nga ba ang Silbi ng mga Ipis sa Mundo? alternate alternate JUAN MALAYA WordPress.com JUAN MALAYA Skip to content * Tahanan * Lipunan * Pagkabata * Paglalakbay * Pasumala + Listahan + Ktnxbye * Lahat * Tungkol kay Juan ← TOP 100 Pinoy Pick-up Lines Ano nga ba ang Silbi ng mga Ipis sa Mundo? → Mga Dahilan Kung Bakit Hindi Ka Natanggap sa Inapplyang Trabaho Posted on April 1, 2015 by cn21 Resume-Cartoon_000 Graduation time! Panahon na naman ng mga sandamakmak na resume na magliliparan papunta sa iba’t ibang kompanya. Bukod sa mga nagsipagtapos na naghahanap ng trabaho idagdag pa dyan ang iba pang empleyado na naghahangad ng mas mataas na sahod o di kaya’y mga empleyadong nawalan ng trabaho dahil sa nabuwag na proyekto o di kaya’y ayaw lang sa amo. Hindi madaling maghanap ng trabaho lalo na sa panahong marami kang kakumpetensiya. Pasa doon, pasa dito, email sa, email kay, punta sa, punta pa, nakakapagod na biyahe at nakakatuyot ng utak na mga exam. Bukod sa nakalimutan mong magdala ng ballpen, narito pa ang ilan mga posibleng dahilan kung bakit hindi ka nakapasa sa inapplyang trabaho na maari mo ring gawing basehan upang mas lalo mo pang galingan sa mga susunod na pag-aapply o mas lalo mo pang galingan ang paghahanap ng ma-aapplyan. 1. Binagsak mo ang exam Hindi mo naman sinasadya, kaya sabihin na lang nating BUMAGSAK ka sa exam. Hindi mo rin kasalanan kung hindi mo naman talaga alam ang synonyms ng ‘gargantuan.’ Kaya okay lang yun, 1 point lang naman yun, eh kaso yung mga sumunod na words ay tenebrous, malapropism, estivation, pabulum, unambulist, fugacious… Next page, math problem: A grid with 3 rows and 52 columns is tiled with 78 identical 2×1 dominoes. How many ways can this be done such that exactly two of the dominoes are vertical? Okay next page… kunwaring di mo na lang nakita ang part na yan at dumating sa puntong sana hindi ka na lang nag-apply sa posisyon na yun. Pero dahil pumapaloob sayo ang pagiging optimistic, tuloy pa rin ang exam. Next page, abstact reasoning. Uy, medyo madali lang tignan sa umpisa, pero nakakatuyot din ng utak pagsineryoso. Minsan hindi ka sure sa mga sagot mo kaya wild guess na lang ang ginawa mo, hula-hoops! Kung anong tinibok ng puso mo ay yun na lang ang ginawa mo. Todo bilog ka sa mga sagot mo at nang matapos ka ay saka mo lang napansin na may nakabukod palang answer sheet. 2. Hindi ka nakapasa sa HR interview Hindi ka nagreview sa mga posibleng itanong sa’yo tulad na lamang ng ‘How do you see yourself 5 years from now?’ Dahil ang sinagot mo ay ‘slim.’ Sandamakmak ang nilagay mong impormasyon sa resume mo at inabot ng 5 pages kaya wala ka ng naisagot nang sabihin niyang ‘Tell me something about yourself that are not mentioned on your resume.” Malikot ang mga mata mo habang nagsasalita at pinapakita mong kinakabahan ka dahil wala ka masayadong baon na english word tulad ng ‘dynamic,’ at ‘enthusiasm’. Kalimitan sa mga tanong nila ay susubukan kung gaano ka-active makinig, kung paano ka sumagot at kung anong isasagot mo base sa iyong mga karanasan. 3. Hindi ka nakapasa sa Final interview. Una sa lahat, late ka. Pangalawa, hindi consistent ang mga sagot mo o hindi tugma sa mga nauna mo ng sinabi. Hindi ka type ng head officer, project manager, o ng group leader dahil gusot gusot ang suot mong longsleeve. Maari ring ang hanap nila ay ‘immediate’, yung pwedeng magsimula agad agad at ayaw nilang mag-antay ng 4-week notice tulad ng iyong naunang nasabi. Mataas ang expected salary mo at hindi nila kayang tapatan. O di kaya’y mas kailangan nila ng may maraming karanasan tungkol sa posisyon. May sablay kang sagot na nasagot ng maganda ng mga kasabayan mong nag-apply, tulad ng ‘What brings you here?‘ dahil ang sinagot mo ay “taxi”. 4. Hindi ka Nakapasa sa Medical Exam Mahigpit ang anumang kompanya tungkol sa kalusugan ng mga kukunin nilang empleyado kaya kung hindi ka makakapasa sa medical exam o makikitaan ka ng anumang sakit na makakaapekto para magamit mo ng madalas ang ibibigay sayong HMO, sorry na lang at baka daw ikalugi nila. Isa pa, baka makahawa ka pa ng ibang empleyado kawawa naman sila. Kalimitan sa mga hindi nakakapasa ay nakikitaan ng problema sa baga. Magpagaling ka muna, wag mong itaya ang kalusugan mo, stay positive! Madami pang trabaho dyan. 5. Walang nag-refer sa’yo Mas malakas ang hatak kung may kakilala ka sa loob ng kompanya at kung ni-refer ka nila. Kaya malaki ang chance na makuha ang mga kalaban mo sa posisyon na ni-refer ng mga taga loob. 6. May nag-refer sa’yo Kung may nag-refer sa’yo, may chance na hindi ka rin naman makuha dahil sa laki ng referral bonus/incentive na makukuha ng empleyadong nag-refer sa’yo at baka ikahirap ng kompanya kaya mas pipiliin nila ay yung kung saan sila makakatipid – doon sa walang nag-refer. HAHA! Ang gulo ng mundo nu? Pero sariling haka-haka ko lang yun. 7. Diskriminasyon Hindi ka shortlisted sa una pa lang dahil hindi naman kilala ang pinanggalingan mong eskwelahan. O di kaya ay single ka at ang priority nila ay yung mga walang anak at lalong hindi buntis. Kung minsan hindi na akma o ayaw na nila sa edad mo para sa posisyong kailangan nila. Kapag na power trip ka at nadiskartehan nilang pagbasehan ang estado ng iyong pagmumuka, hindi ka mapipili dahil ang hanap nila ay yung may pleasing personality pero ang kahulugan sa kanila ay ‘good-looking’. 8. Hindi Naman Talaga Hiring Nakapasa ka sa exam at HR interview pero napansin mong hindi ka na tinawagan, tinext o in-email pagkatapos. Bakit? Dahil kung minsan ay hindi naman talaga sila hiring. Syempre, para may magawa lang ang mga HR personnel bukod sa paglalaro ng ‘MMM Fingers‘, kuha lang sila ng kuha ng mga aplikante. Kung minsan kumakalap lang sila ng mga impormasyon na parang nagse-survey. Tatanunging ng basic pay at anong mga benefits, para malaman nila kung angat sila sa ibang kompanya lalo na sa pinanggalingan mo. May kamahalan din ang binabayad nila sa Jobstreet at jobsDB kaya kailangan masulit nila ang bayad at panay post pa rin automatic ang posisyong hindi na kinakailangan. Ang dami ko ng nasabi pero ang lahat ng yun ay pawang imahinasyon ko lang. Minsan ang paghahanap ng trabaho ay parang paghahanap ng tunay na pag-ibig. Mahirap makatagpo ng para talaga sayo. Minsan paasahin ka lang, akala mo yun na, sa umpisa masaya ka pang nakikipag-usap sa phone hanggang sa hindi na tatawag at unti-unti ng mawawala at iiwan ka sa ere, masasaktan ka lang. Teka, ano ‘tong mga pinagsasabi ko. Pero sa kabilang banda, normal lang naman na hindi ka makapasa, dahil kung hindi para sayo malamang may mas maganda pang plano si God para sayo. Yung mas kapatdapat para sayo, mas makakaintindi o makakaunawa sa lahat ng mga napagdaanan mo. Teka lang, lumalayo na… Bago ka pumunta sa exam o interview, siguraduhin mong nakapag-review at research ka tungkol sa kompanya at posisyong inaapplyan. Tungkol sa mga tips sa pag-aapply, benefits, working environment ng isang partikular na kompanya ay maganda mag-research ka muna sa Pinoy Exchange ng mga usapan ng iba’t ibang ang mga aplikante tungkol sa kanilang naging karanasan. Dahil marami kang matutuklasan doon na mga bagay na pwede mong maging basehan sa iyong mga desisyon. Hindi masamang itry, at hindi mo kailangang bilangin kung ilang beses mong sinubukan. Ang mahalaga ay hindi mo pinalagpas ang oportunidad at sumubok sa malinis na paraan. Advertisements Rate this: Share this: * Twitter * Facebook * Like this: Like Loading... Related This entry was posted in Lipunan, Listahan. Bookmark the permalink. ← TOP 100 Pinoy Pick-up Lines Ano nga ba ang Silbi ng mga Ipis sa Mundo? → 2 Responses to Mga Dahilan Kung Bakit Hindi Ka Natanggap sa Inapplyang Trabaho 1. akoyaypilipino says: April 3, 2015 at 6:22 pm Reblogged this on akoyaypilipino. Reply 2. hhthfscvbdth says: April 19, 2015 at 2:34 am Matapang ang taong makakagawa mag suicide dahil hindi natangap sa trabraho. suicide is the worst solution but effective. Basta isipin mo nalang bawi ka nalang sa next life pagigihan mo nalang, kung totoo ang reincarnation. suicide? Oo siguro nga parang kabaliwan eto, pero bago mo gawin yung bagay na yan. 1. Mag pasalamat ka muna sa Diyos na naglalang, dahil binigyan ka niya ng buhay minsan, minsan ka lang mabuhay sa mundo bilang isang tao. 2. humingi ka ng tawad sa Diyos sa gagawin mong suicide. (bago ka mamatay makakaramdam ka ng paghihirap, dahil walang suicide na 100% without pain) Napakakumplicado ang pag likha sa atin ng Diyos, Mag tangka ka man mag bigti makakaramdam ka ng pag pain,suffering. Reply Leave a Reply Cancel reply Enter your comment here... ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ Fill in your details below or click an icon to log in: * * * IFRAME: googleplus-sign-in * * Gravatar Email (required) (Address never made public) ____________________ Name (required) ____________________ Website ____________________ WordPress.com Logo You are commenting using your WordPress.com account. ( Log Out / Change ) Google+ photo You are commenting using your Google+ account. ( Log Out / Change ) Twitter picture You are commenting using your Twitter account. ( Log Out / Change ) Facebook photo You are commenting using your Facebook account. ( Log Out / Change ) Cancel Connecting to %s [ ] Notify me of new comments via email. Post Comment * Search for: ____________________ Search * Ang Aking Facebook Page Ang Aking Facebook Page * Salamat sa pagsubaybay Ilagay ang email address sa ibaba Join 4,871 other followers ____________________ Sundan ang Blog * Recent Posts + Ano nga ba ang Silbi ng mga Ipis sa Mundo? + Mga Dahilan Kung Bakit Hindi Ka Natanggap sa Inapplyang Trabaho + TOP 100 Pinoy Pick-up Lines + Para Sa Homeless Romantic + Ang Mga Klase ng Taong Dapat Mong Iwasan… Dapat Nga Ba? + Ang Susunod Na Pinoy Reality Show + Metamorposis + Transkrip + X o Zzz? + All-Original Mashup Compilation + Ang Iba’t ibang Klaseng Comment sa mga Post sa Social Media + Pulis Patola sa Social Media? + Spider-Man Pinoy Version Storyline + Mga Paalala sa Pag-akyat sa Mount Pulag + Ang mga Patok na Negosyo sa Baguio + Ang mga Gasgas na Pinoy Telenobela Plotline + Ready, Set, Tweet! + Mga Senyales ng Pagka-adik sa Social Media + Mga Senyales na InLove Ka + NYR * Reader’s Favorite Posts + Mga Kakaibang Salitang Pinoy: Barnakol, Bultokachi, Kukurikapu atbp. + TOP 100 Pinoy Pick-up Lines + Mga Senyales na InLove Ka + Ang Mga Klase ng Taong Dapat Mong Iwasan… Dapat Nga Ba? + Ano nga ba ang Silbi ng mga Ipis sa Mundo? + Kapag Kinantahan Ka Nila ng HAPPY BIRTHDAY... Awkward + A-B-C-D-E-leksyon + Mga Dahilan Kung Bakit Hindi Ka Natanggap sa Inapplyang Trabaho + Ang Paboritong Kong Animé Noon (part 2) + Orasan * Archives Archives [Select Month__] * HUMOR BLOG Humor - Top Blogs Philippines Advertisements JUAN MALAYA Create a free website or blog at WordPress.com. ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ Post to Cancel Reblog Post Close and accept Privacy & Cookies: This site uses cookies. By continuing to use this website, you agree to their use. To find out more, including how to control cookies, see here: Cookie Policy IFRAME: likes-master %d bloggers like this: