#Mga Kwentong Upos - Atom Mga Kwentong Upos - RSS Mga Kwentong Upos - Atom Mga Kwentong Upos Jan 29, 2011 Ang hindi lumingon... Iba na ang iskwater na pinanggalingan nya. Labing-limang taon pagkatapos masunugan ang lugar, nag-iba na ang kabuuan nito. Iba na ang mga bahay, iba na din ang mga tao. Wala na ang mga dating mukha na kasa-kasama nya maglaro. Naisip nya na malamang ay pamilyado na ang mga iyon. Sakay ng kanyang ‘bumble bee’, nag-ikot-ikot sya sa lugar kung saan bihira lang makakita ng kotse ang mga tao. Nakita nya ang bagong batch ng mga batang yagit na naglalaro sa kalye. Mga batang mas malaki ang tiyan kesa sa ulo. Dati mga kalaro nya ang nakikita nyang ganon, ngayon mukhang mga anak na nila ang nakikita nya. Nag-isip sya, paano nga ba lumalaki ang tiyan ng mga bata samantalang kulang naman sa kinakain? Sa kabilang banda naman ay nakita nya ang court na pinaglalaruan nila ng mga kalaro nya dati. Court kung saan ilang beses syang nabutasan ng bola dahil sa kakabato ng mga adik na madalas syang pagtripan. Mga adik din ‘daw’ ang naging dahilan ng sunog noon, pero mga adik din ang nagsisigaw sa buong lugar na may sunog. Sa tapat ng court ay ang isa sa mga bahay na masasabi nyang may kaya. Sa bahay na ‘yon nakatira ang crush nya dati. Mukhang wala nang tao sa bahay ngayon. Malamang nasa ibang bansa na. Madami pa sya nakita na halos nakikita din nya dati noong nakatira pa sila doon. Mga batang kalye, mga dalagang maagang lumalandi, mga binatilyong busy sa pagsinghot ng rugby. Walang pinagkaiba sa lugar na kinagisnan nya. Ang pinagkaiba lang ay mga bagong mukha na ang gumagawa ng mga nakita na nya dati. Nag-iikot sya ng may biglang kumaway sa harap ng kotse nya. Namukhaan nya ang lalaki. Kalaro nya dati. Buti namumukhaan pa sya. Bumaba sya ng kotse at nilapitan ang lalaki. Kamustahan at konting kwentuhan sa daan. Tinanong nya sa lalaki ang mga nangyari sa loob ng labing-limang taon na wala na sya sa lugar. May mga pinagbago naman daw. Sementado na ang mga paupahang apartment na dati ay mga pinagtagpi-tagping plywood lang. May mga asawa na din daw yung mga kalaro nila dati, kahit ang lalaking kausap nya’y may asawa na din. Tinanong nya ang trabaho ng kausap. Electrician daw. Taga-wire tap ng kuryente ang pinagkakakitaan nya. Sandaang piso kada buwan ang bayad sa kanya ng mga subscribers nya, tipid nga naman kumpara sa meralco. Ok naman daw ang income dahil may trabaho naman din daw ang asawa nya. Nagbebenta ng laman sa gabi. Wala namang magawa ang lalaki dahil yun na ang trabaho ng asawa nya ng magkakilala sila. Niyaya sya sa eskinita ng lalaki. Sa eskinitang papasok sa dating tinitirhan nila. Party place na ang eskinita ngayon. Mga nag-iinumang lalaki sa kaliwang bahagi, mga nagsusugal na mga babae naman sa kabila. Yun daw ang pinagkakaabalahan ng mga tao doon dahil wala ng makitang trabaho dahil hindi naman nakapagtapos. Nakapagtapos man ay wala namang pera para makapag-apply. Madiskarte naman daw ang mga tao sa kanila. Kanya-kanyang raket para magkapera. Ang mga babae, kundi puta ay mga labandera o nagbebenta sa palengke. Ang mga lalaki, kargador naman sa palengke, yung iba e runner ng mga pusher sa droga, callboy naman ang mga itsura, at taga-benta naman ng parte ng kotse ang iba na ninakaw o binaklas lang. Ang mga bata naman ay madalas sa simbahan para mamalimos. Alam nyang wala syang matutulong para sa mga taong kinagisnan nyang makasama. Hindi din nya alam kung ano ang dahilan at bakit pa nya binalikan ang lugar na iyon. Maganda na ang buhay nya ngaon. May sarili na syang negosyo. May sariling bahay at kotse. Pero naniniwala sya na ‘ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan’. Alam nya, hindi sya aasenso kundi dahil sa lugar na pinanggalingan nya tulad ng iskwater. Lugar na nagmulat sa kanya para magsumikap. Nagpaalam na sya sa lalaking nakakwentuhan nya ng panandaliang oras. Hindi na sya nagpahatid palabas, alam naman nyang walang gagalaw sa kanya. Nakangiti syang lumabas ng eskinita dahil kahit paano ay napasyalan nya ang lugar na tinirhan nila dati. Kita sa mukha nya ang kasiyahan.. hanggang sa makita nya si ‘bumble bee’, wala nang side mirror at dalawang gulong. Tinira ng mga binatilyo doon nang makitang hindi na sya nakalingon. nagustuhan mo? i-share mo na! Share| Binuga ni Leo Noong 9:12 PM Email ThisBlogThis!Share to TwitterShare to FacebookShare to Pinterest 4 comments: 1. BNPJanuary 31, 2011 at 5:19 PM Thanks for joining BNP! ur blog has been posted! u can also vote for ur fave blogs! d top 5 highest rated will be displayed n d Hall of Fame ;) For site news and updates, check facebook.com/blogsngpinoy ReplyDelete Replies Reply 2. Diamond RFebruary 1, 2011 at 7:56 PM natawa ako doon sa trabaho noong lalaki as in electrician pero taga tap ng kuryente.I like the story. ganon ba talaga ang nanyari sa sasakyan niya as in nawala ang 2 gulong. ReplyDelete Replies Reply 3. Event LoverFebruary 2, 2011 at 9:53 AM nice may "bumble bee" sya haha :D ReplyDelete Replies Reply 4. taga-plutoFebruary 2, 2011 at 8:19 PM @Diamond R: Opo Sir. Nawala, nadiskarte ng mga tambay sa iskwater na pinuntahan nya. :) Kaya hindi na sya sinamahan palabas ng eskinita nung lalaki nag-'world tour' sa kanya e dahil alam ng lalaki na nadiskarte na yung gulong ng 'bumble bee' nya. @Event Lover: Hehe. Salamat po sa pag-comment. ReplyDelete Replies Reply Add comment Load more... Newer Post Older Post Home Subscribe to: Post Comments (Atom) Chit-Chat IFRAME: cboxmain IFRAME: cboxform Kasabihan Bumili ng libro hindi para kolektahin. Bumili ng libro para basahin. Hithitin ang bawat nababasa sa libro read the printed word! Nakalista Ka Na Ba? MAGPALISTA NA! Ang Gumaya Pangit Protected by Copyscape Originality Checker Hoy! Pinoy Ako! Proudly Pinoy! May Follower Pala Ako Birthday Get your own free Blogoversary button! Ang Taga-Pluto at Ang Upos (Me About) * Ang Upos * Ang Taga-Pluto Palitan Kalakalan http://www.mgakwentongupos.blogspot.com/2011/01/exchange-link-tayo.html Dahil wala pa akong kaibigan bukod kina Phillip, Marlboro at Winston. Gusto ko sana na magkaroon pa ng mga kaibigan na mahilig din humithit. I-click mo lang ang link sa taas, i-comment mo yung pangalan ng blog mo at ang url ng blog mo. Hintayin mo lang ng ilang araw at makikita mo na ang blog mo sa blogroll ko. Pero syempre dapat palitan tayo. Dapat isama mo din ako sa blogroll mo. Mga Kwentong Upos ang pangalan ng blog ko, at ang url nya ay http://www.mgakwentongupos.blogspot.com. Quits lang diba? :) Kapalitan * choknat's Wakanda 1 month ago * (,") BLOGS NG PINOY (",) Death by Grammar 3 months ago * halojin Include These Points in The Contract While Hiring A Janitorial Service 3 months ago * gillboard grows up ASSASSIN'S CREED ORIGINS REVIEW 1 year ago * BatangGala The One About Friendships and Stuff. 2 years ago * tuyong tinta ng bolpen Ayos Idol? 2 years ago * goyo's adventure Mendapatkan euro paypal dari aklamio 2 years ago * Life Trip ;-) trabaho journey part 2 3 years ago * KA-BLOGS-TUGAN PINAKULUANG TUBIG 3 years ago * One Acre of Diamond professional Painter in UAE 3 years ago * Bohemian diary Healthy Eating To Boost (CD4) The Immune System 3 years ago * Absurd Republic 3. Short Film 3 years ago * TotoyBino: Blog ng isang Adik! Ninja Apocalypse (2014) 3 years ago * Payatot on the Go... Blog Blog Blog 4 years ago * kwentong barbero .com Episode 5. How to Start a Business (Guerilla Mode) Part I 4 years ago * ang blog ni Mang Poldo... init 5 years ago * I S T A M B A Y Lipat na me. Palo na u 6 years ago * sa mata ni uno left behind... 7 years ago * Tambay 3 years 7 years ago * Ang Tropang Skwalog ZESTO AIR 7 years ago * chroneicon Binigyan Ako Ng Kalahating Basong Tubig 10 years ago * Ka-Swak * Pluma Ni Jepoy * Oi! Greenpinoy! * //adik sa problema * Abdul Hakeem * A B N K K blog N P L A Ko?! v2.0 * Saranggola Blog Awards Show 25 Show All Ang Nakaraan * ▼ 2011 (20) + ► February (15) + ▼ January (5) o Ang hindi lumingon... o Twalya o Gudnyt! Switdrims! Muah! o Ginagawa pa o Exchange Link Tayo? Mga Kwentong Upos. Awesome Inc. theme. Powered by Blogger.