#Mga Kwentong Upos - Atom Mga Kwentong Upos - RSS Mga Kwentong Upos - Atom Mga Kwentong Upos Feb 23, 2011 Tagpi-tagping daldal May pinapanood akong palabas sa tv kanina. Palabas sa cable ng probinsya namin yun. Episode nila yung pag-celebrate ng nagdaang Valentine’s Day sa isang lugar na madalas pagtambayan ng mga tao dito sa probinsya namin. Ayos naman yung palabas, interview sa mga tao andoon kung ano ang ibig sabihin ng Valentine’s Day sa kanila. Sagot ng iba, yun daw ang araw na dapat kasama mo ang mahal mo na kung hindi ka-relasyon e magulang, pwede din kaibigan. Yung iba, araw daw yun para mag-relax, mag-muni muni kasama ng minamahal. At syempre, yung iba – araw daw ng mga puso. Naisip ko nalang na bakit ang puso, may araw na pinagdidiwang ito. Bakit ang atay, baga, balun-balunan, leeg, braso, kili-kili, at utak., wala? Sa mga nabanggit, utak ang gusto kong ipaglaban ng karapatan na dapat pati sya ay may birthday. Isipin mo na lang, hindi naman natin ipagdidiwang ang araw ng mga puso kung hindi sasabihin ng utak natin na ipagdiwang natin ito. Isipin mo na lang, kung sino man ang nagpasimuno na dapat ipagdiwang ang araw ng mga puso. Hindi nya sasabihin yun kung hindi nya inisip na dapat ipagdiwang ito. Isipin mo na lang, bagamat nagkakasundo ang utak at puso sa ibang bagay e madalas padin silang mag-away sa maraming bagay. Lugi pag nagkataon si utak. Kasi si puso, may mapagmamalaking birthday. Sya wala. Isipin mo na lang, hindi ko masasabi ang ‘isipin mo na lang’ kung hindi ko ito inisip. Pangit naman kung sasabihin kong ‘pusuin mo na lang’ diba? -+-+- May ginagawa akong kwento ngayon. Kwentong barbero lang sya. Nagdadalawang isip ako kung ilalagay ko dito sa blog ko, sa notes sa facebook, o itatago ko nalang ang gawa ko. Mahaba kasi. Pwede na ngang ilibro e. Kaso alam ko namang walang papatol sa kwento ko, kaya tago lang ang gawa ko. Pero ayaw ko namang magpa-alipin sa takot na walang papatol sa kwento ko kaya tuloy padin ang kwento ko. Ayos lang kung walang papatol, hindi naman sa lahat ng pagkakataon e nagsusulat ako para may bumasa. Madalas nagsusulat ako kasi gusto ko magsulat. Gusto kong itae ang mga salitang kinain ng utak ko. Ikaw, isipin mo kapag kumain ka nang madami at natatae ka. Pero hindi ka marunong maghugas. Pipigilan mo ba ang tae mo? Hirap diba? Kaya sulat lang ng sulat kahit walang magbabasa. Kwento lang ng kwento kahit walang kwenta. Kwenta lang ng kwenta kahit walang pera. -+-+- May mga libro na akong masasabi kong akin, dalawa sila. Nitong linggo ko lang binili. Katas ng backpay ko sa pinanggalingang trabaho. Sa wakas may natupad sa wishlist ko. Pero kulang pa yan. Madagdagan pa sila. Sigurado. Pero dapat muna akong humanap ng bagong trabaho para may pambili. Ayaw ko magnakaw ng libro. Baka kamasutra pa manenok ko. -+-+- Kagabi naman, may dalang mga babasahin yung kapatid ko. Galing daw sa seminar na in-organize nila. Pito yun. Yung dalawa, magkapareho kaya lima bale. Ina-arbor ko sa kanya. Sabi nya, “Aanhin mo yan? Kakainin mo?” Sagot ko oo. Nakikipag-biruan sya sa tanong nya. Seryoso ako sa sagot ko. Masarap kainin ang mga salita. Lalo na pag bagong luto. -+-+- Tinatamad na ako sa “Itanong mo sa taga-pluto” episodes ko. Ewan ko kung sa mga tanong o dun sa isasagot ko. Gusto nang ihinto na ayaw ko. Gusto ko ihinto kasi blog ko naman to, pwede kong gawin ang gusto ko. Ayaw ko ihinto kasi blog ko naman to, may mambabasa na kahit paano na nag-aabang na sa isusulat ko. May bayag ako para hamunin ang sarili ko sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong ng iba. Kaya dapat may bayag din ako para harapin ang hamon. May mga suki na din akong naghihintay ng putahe ko. Ayaw kong magtinda ng paksiw kung alam kong naghihintay sila ng adobo. nagustuhan mo? i-share mo na! Share| Binuga ni Leo Noong 10:48 PM Email ThisBlogThis!Share to TwitterShare to FacebookShare to Pinterest No comments: Post a Comment Newer Post Older Post Home Subscribe to: Post Comments (Atom) Chit-Chat IFRAME: cboxmain IFRAME: cboxform Kasabihan Bumili ng libro hindi para kolektahin. Bumili ng libro para basahin. Hithitin ang bawat nababasa sa libro read the printed word! Nakalista Ka Na Ba? MAGPALISTA NA! Ang Gumaya Pangit Protected by Copyscape Originality Checker Hoy! Pinoy Ako! Proudly Pinoy! May Follower Pala Ako Birthday Get your own free Blogoversary button! Ang Taga-Pluto at Ang Upos (Me About) * Ang Upos * Ang Taga-Pluto Palitan Kalakalan http://www.mgakwentongupos.blogspot.com/2011/01/exchange-link-tayo.html Dahil wala pa akong kaibigan bukod kina Phillip, Marlboro at Winston. Gusto ko sana na magkaroon pa ng mga kaibigan na mahilig din humithit. I-click mo lang ang link sa taas, i-comment mo yung pangalan ng blog mo at ang url ng blog mo. Hintayin mo lang ng ilang araw at makikita mo na ang blog mo sa blogroll ko. Pero syempre dapat palitan tayo. Dapat isama mo din ako sa blogroll mo. Mga Kwentong Upos ang pangalan ng blog ko, at ang url nya ay http://www.mgakwentongupos.blogspot.com. Quits lang diba? :) Kapalitan * choknat's Wakanda 1 month ago * (,") BLOGS NG PINOY (",) Death by Grammar 3 months ago * halojin Include These Points in The Contract While Hiring A Janitorial Service 3 months ago * gillboard grows up ASSASSIN'S CREED ORIGINS REVIEW 1 year ago * BatangGala The One About Friendships and Stuff. 2 years ago * tuyong tinta ng bolpen Ayos Idol? 2 years ago * goyo's adventure Mendapatkan euro paypal dari aklamio 2 years ago * Life Trip ;-) trabaho journey part 2 3 years ago * KA-BLOGS-TUGAN PINAKULUANG TUBIG 3 years ago * One Acre of Diamond professional Painter in UAE 3 years ago * Bohemian diary Healthy Eating To Boost (CD4) The Immune System 3 years ago * Absurd Republic 3. Short Film 3 years ago * TotoyBino: Blog ng isang Adik! Ninja Apocalypse (2014) 3 years ago * Payatot on the Go... Blog Blog Blog 4 years ago * kwentong barbero .com Episode 5. How to Start a Business (Guerilla Mode) Part I 4 years ago * ang blog ni Mang Poldo... init 5 years ago * I S T A M B A Y Lipat na me. Palo na u 6 years ago * sa mata ni uno left behind... 7 years ago * Tambay 3 years 7 years ago * Ang Tropang Skwalog ZESTO AIR 7 years ago * chroneicon Binigyan Ako Ng Kalahating Basong Tubig 10 years ago * Ka-Swak * Pluma Ni Jepoy * Oi! Greenpinoy! * //adik sa problema * Abdul Hakeem * A B N K K blog N P L A Ko?! v2.0 * Saranggola Blog Awards Show 25 Show All Ang Nakaraan * ▼ 2011 (20) + ▼ February (15) o Kwentong Upos o Otso-otso o Tagpi-tagping daldal o Itanong mo sa taga-pluto: Episode 3 o Kwento sa tanghalian o 5★ (bakit madalas huminto ang jeep sa harap mo kah... o 10-Bee o Manika ni Lorna o Si Paula o Bangon o Itanong mo sa taga-pluto: Episode 2 o Waley o Itanong mo sa taga-pluto: Episode 1 o Itanong mo sa taga-pluto: Prologue o mrowkooB + ► January (5) Mga Kwentong Upos. Awesome Inc. theme. Powered by Blogger.