#Mga Kwentong Upos - Atom Mga Kwentong Upos - RSS Mga Kwentong Upos - Atom Mga Kwentong Upos Feb 4, 2011 Itanong mo sa taga-pluto: Episode 1 BAKIT HINDI KA TUMATABA? Ilan na din ang nagtanong sa’kin nito. Kadalasan ay ‘ewan ko’ o ‘hindi ko alam’ ang matipid na sagot ko dahil talagang hindi ko alam ang dahilan ng hindi ko pagtaba. Ang mga taong nakakakilala sa’kin na nakakasabay kong kumain ang madalas magtanong sa’kin nito. Natatanong nila ang nasabing tanong dahil sa isang dahilan, malakas naman daw ako kumain. Kung kumain ay parang construction worker, pero ang katawan ay parang adik. Ganyan ang kadalasang sinasabi sa’kin ni Ermat at Erpat. Mababa na ang 3 cups ng kanin kung kumain ako. Kahit konti lang ang ulam, kahit sabaw lang, basta madaming kanin, ok na’ko. Maswerte ako kahit paano dahil hindi naman kami yung tipo ng pamilya na limitado lang ang kinakain. Maganda naman ang trabaho ni Erpat kaya nakakakain naman kami ng tatlong beses sa isang araw, minsan ay apat o lima pa nga. Kadalasan nga lang talaga ay sa banyo ang destinasyon ko pagkatapos kumain para mag-deposito. Malakas/mabilis daw ang metabolism ko sabi ng tropa kong nursing student. Kahit kumain daw ako ng kumain ay magigiling din agad ang kinain ko sa tiyan ko, kaya hindi ako tumataba. Sabi din nya na ang kinakain ko ay itatae ko din, kaya wala din matitira sa mga kinain ko, walang magiging dahilan para tumaba ako. Hindi ko alam kung maniniwala ako sa kanya, pero napapadalas nga naman ang pagpunta ko sa banyo para dumeposito pagkatapos kumain. Parang kasama na sa meal routin ko ang pagpunta sa banyo. Hindi ko alam kung konektado sa ‘metabolism theory’ ng tropa ko ang pagkain ko ng almusal sa tanghali, tanghalian sa hapon, at hapunan sa madaling araw. Sa pananaw naman Erpat ko, ang madalas kong pagpupuyat naman daw ang dahilan kung bakit hindi ako tumataba. Hindi ko alam kung ano ang koneksyon ng pagpupuyat ko sa hindi ko pagtaba, pero sinegundahan naman ni Ermat ang teorya ni Erpat. Mabilis daw nakakatunaw ng taba o laman ang pagpupuyat. Kaya kahit gaano kalakas daw ako kumain e natutunaw o nabu-burn din ang taba o laman na nakukuha ko sa kinain ko. Ewan ko ba, pero hindi talaga ako sanay matulog ng maaga. Maaga na ang alas dos ng madaling araw kung matulog ako. Sa madaling araw lang kasi ako madalas ulanin ng ideya sa mga isusulat ko, sa madaling araw ko lang din nasosolo ang tv, at sa madaling araw ko ginagawa ang madalas gawin ng mga lalakeng nakakaramdam ng ‘kiliti’. Mga tropa kong tambay naman ang nagsabi na ang ‘pagsa-sarili’ ko daw ang rason kaya hindi ako tumataba. Hindi naman ako madalas ‘mag-sarili’, ginagawa ko lang ang gawaing iyon kapag nakakaramdam ako ng kiliti. Kiliti na automatic kong nararamdaman lalo na kapag nakikita o napapanuod ko si Madison Riley (grrrrr!) Minsan ay napipigilan ko naman ang sarili ko, pero may mga pagkakataon talaga na parang tinatawag ako ni Madison Riley at sinasabi nyang “Halika Leo. Lapitan mo’ko. Yakapin mo’ko. Halikan mo’ko. Iyong-iyo ako Leo.. iyong-iyo ako.” O diba. E kung ganyan ng ganyan si Madison, talagang hindi ko mapipigilan ang sarili ko. Kinukulit nya ako e. Ayaw ko namang balewalain ang effort nyang mag-tagalog para lang magpa-angkin sa akin. Manigarilyo bago matulog, sarap! Yosi naman daw ang dahilan ng hindi ko pagtaba ayon sa ilang katrabaho ko. Gaya ng pagpupuyat, mabilis din daw makabawas ng taba ang sigarilyo. Nababalewala lang daw ang kinakain ko dahil sa sigarilyo. Hindi naman ako malakas manigarilyo, hindi ko naman kayang ubusin ang isang kaha sa loob ng isang araw. Pero pagkatapos kumain ay hindi pwedeng hindi ako maninigarilyo. Manigarilyo pagkatapos kumain, sarap nun! Pampababa daw ng kinain ang sigarilyo ayon sa ilang chain smoker sa lugar namin. Hindi ko alam kung epektibo pero madalas ako madighay pagkatapos ko manigarilyo na ginagawa ko pagkatapos kong kumain. Parang hindi buo ang routine ng pagkain ko kung hindi ako maninigarilyo pagkatapos kumain. Minsan nakaka-dalawang sunod na sigarilyo ako para masiguradong bumaba ang 3 cups ng kanin na kinain ko. Hindi ko alam kung maniniwala ako sa mga katrabaho ko na sigarilyo ang dahilan ng hindi ko pagtaba, pero naisip ko na sa isang punto ay tama sila. Pero naiisip ko naman na sa isang punto ay hindi ko basta basta mahihinto ang paninigarilyo. Ewan ko pero madalas ko karamay ang sigarilyo kapag nag-iisa ako o nag-iisip. Parang sa bawat sigarilyong hihithitin ko ay may nakatagong ideya o alaala na magpapagana ng utak ko para magsulat. Sa apat na teoryang nasa itaas, halos lahat naman ay pinaniniwalaan ko. At halos lahat ay may punto. Lahat naman ay konektado sa bawat isa. Pero sinubukan kong itanong sa sarili ko kung ano nga ba ang dahilan ng hindi ko pagtaba, may nabuo akong teorya. Hindi ko alam kung may sasang-ayon o wala, pero naisip ko lang na kung bakit hindi ako tumataba ay dahil malamang napupunta ang mga kinakain ko sa utak ko. Pakiramdam ko e tumataba ang utak ko sa dami ng kinakain ko. Dati e wala naman akong pakielam sa mga bagay na nakapaligid sa’kin, pero habang tumatagal ay parang nagkakaroon na’ko ng pakielam at ideya sa lahat ng nakikita ko. Parang lahat ng bagay e pwede kong gawan ng kwento. Naisip ko na hindi naman ako magugutom kung hindi sasabihin ng utak ko na gutom na’ko, kaya pwedeng si utak talaga ang tumataba at hindi ako dahil sya ang madalas magsabi na gutom na’ko. Ilang tao din ang nagsabi na mataba daw ang utak ko matapos ako magbigay ng opinyon sa mga bagay bagay. Ewan ko kung paniniwalaan ko ang teoryang ito. Wala talaga akong ideya sa kung ano ang dahilan ng hindi ko pagtaba. Sa limang teoryang ito. Malamang isa na dyan ang tamang dahilan ng hindi ko pagtaba. Pwedeng wala dyan, pwedeng lahat yan. Pagkatapos kong isulat ang mga teoryang nabanggit. Pakiramdam ko isa na din ako sa mga nagtatanong kung bakit hindi ako tumataba. nagustuhan mo? i-share mo na! Share| Binuga ni Leo Noong 9:26 PM Email ThisBlogThis!Share to TwitterShare to FacebookShare to Pinterest 6 comments: 1. Diamond RFebruary 4, 2011 at 10:58 PM Ok lang ang di tumataba wag lang magkakasakit. malakas kumain pero di lumalaki ang tiyan at regular ang vowel movements.Madaming namomobrolema kung papaano pumayat at spending thousands of dollars sa kung ano ano para pumayat. ReplyDelete Replies Reply 2. Mang Poldo BoleroFebruary 5, 2011 at 12:05 PM at sa madaling araw ko ginagawa ang madalas gawin ng mga lalakeng nakakaramdam ng ‘kiliti’. --- very true! hahaha applicable sa akin ReplyDelete Replies Reply 3. taga-plutoFebruary 5, 2011 at 9:55 PM @Diamond R: Yes Sir. Awa ni Bro, di naman ako sakitin kahit mukha akong pamangkin nina Palito at Bangkay. Pero sa timbang ko kasi (mas mabigat pa ata ang dalawang sako ng bigas, pero nabubuhat ko ang isang sako), wish ko din madagdagan kahit paano. @Mang Poldo: Haha! Apir tayo dyan! Sa madaling araw madaming palabas na 'nakakakiliti'. ReplyDelete Replies Reply 4. KristiaMalditaFebruary 8, 2011 at 5:24 PM Hi! pa follow lang :) sana ko din hindi tumataba hehe ;;p ReplyDelete Replies Reply 5. _nhel06_May 26, 2011 at 3:19 PM ay naku..problema ko nga kung pano pumayat eh..kw naman kung pano tumaba..ayos lang maging payat..hehe ReplyDelete Replies Reply 6. AnonymousMarch 10, 2012 at 6:03 PM hi kristiaMaldita cute mu nman anu fb mu?..ahehe inom ka ng hilaw na itlog gabi gabi panigurado tataba ka na. ReplyDelete Replies Reply Add comment Load more... Newer Post Older Post Home Subscribe to: Post Comments (Atom) Chit-Chat IFRAME: cboxmain IFRAME: cboxform Kasabihan Bumili ng libro hindi para kolektahin. Bumili ng libro para basahin. Hithitin ang bawat nababasa sa libro read the printed word! Nakalista Ka Na Ba? MAGPALISTA NA! Ang Gumaya Pangit Protected by Copyscape Originality Checker Hoy! Pinoy Ako! Proudly Pinoy! May Follower Pala Ako Birthday Get your own free Blogoversary button! Ang Taga-Pluto at Ang Upos (Me About) * Ang Upos * Ang Taga-Pluto Palitan Kalakalan http://www.mgakwentongupos.blogspot.com/2011/01/exchange-link-tayo.html Dahil wala pa akong kaibigan bukod kina Phillip, Marlboro at Winston. Gusto ko sana na magkaroon pa ng mga kaibigan na mahilig din humithit. I-click mo lang ang link sa taas, i-comment mo yung pangalan ng blog mo at ang url ng blog mo. Hintayin mo lang ng ilang araw at makikita mo na ang blog mo sa blogroll ko. Pero syempre dapat palitan tayo. Dapat isama mo din ako sa blogroll mo. Mga Kwentong Upos ang pangalan ng blog ko, at ang url nya ay http://www.mgakwentongupos.blogspot.com. Quits lang diba? :) Kapalitan * choknat's Wakanda 1 month ago * (,") BLOGS NG PINOY (",) Death by Grammar 3 months ago * halojin Include These Points in The Contract While Hiring A Janitorial Service 3 months ago * gillboard grows up ASSASSIN'S CREED ORIGINS REVIEW 1 year ago * BatangGala The One About Friendships and Stuff. 2 years ago * tuyong tinta ng bolpen Ayos Idol? 2 years ago * goyo's adventure Mendapatkan euro paypal dari aklamio 2 years ago * Life Trip ;-) trabaho journey part 2 3 years ago * KA-BLOGS-TUGAN PINAKULUANG TUBIG 3 years ago * One Acre of Diamond professional Painter in UAE 3 years ago * Bohemian diary Healthy Eating To Boost (CD4) The Immune System 3 years ago * Absurd Republic 3. Short Film 3 years ago * TotoyBino: Blog ng isang Adik! Ninja Apocalypse (2014) 3 years ago * Payatot on the Go... Blog Blog Blog 4 years ago * kwentong barbero .com Episode 5. How to Start a Business (Guerilla Mode) Part I 4 years ago * ang blog ni Mang Poldo... init 5 years ago * I S T A M B A Y Lipat na me. Palo na u 6 years ago * sa mata ni uno left behind... 7 years ago * Tambay 3 years 7 years ago * Ang Tropang Skwalog ZESTO AIR 7 years ago * chroneicon Binigyan Ako Ng Kalahating Basong Tubig 10 years ago * Ka-Swak * Pluma Ni Jepoy * Oi! Greenpinoy! * //adik sa problema * Abdul Hakeem * A B N K K blog N P L A Ko?! v2.0 * Saranggola Blog Awards Show 25 Show All Ang Nakaraan * ▼ 2011 (20) + ▼ February (15) o Kwentong Upos o Otso-otso o Tagpi-tagping daldal o Itanong mo sa taga-pluto: Episode 3 o Kwento sa tanghalian o 5★ (bakit madalas huminto ang jeep sa harap mo kah... o 10-Bee o Manika ni Lorna o Si Paula o Bangon o Itanong mo sa taga-pluto: Episode 2 o Waley o Itanong mo sa taga-pluto: Episode 1 o Itanong mo sa taga-pluto: Prologue o mrowkooB + ► January (5) Mga Kwentong Upos. Awesome Inc. theme. Powered by Blogger.