Kaligayahan sa Trabaho

Hindi ang materyal na bagay na nakukuha sa pagiging guro, sa kadahilanang , wala eh. Ilang taon ba akong naging guro sa Pinas? Eh di ba sabi nga, ang pagiging guro ay isa sa mga propesyong may mga mababang sahod? Pero sa anong kadahilanan at ako ay tumagal dito? ah, sasang-ayon ako sa sinabi ni Asel na tao, tao ang isang mahalagang sangkap upang maging masaya at maligaya ka sa iyong trabaho. Mga tao na iyong kasama at laging nakakasalamuha.

Iba nga siguro ang mga tao sa atin. (ibang-iba).Dito, akala ko okay naman. wala namang pinag-iba sa mga pinag-gagawa ko sa Pinas. Pero may malaking pinag-iba: yun nga, mga taong nakakasalamuha mo. Iba dito: kanya- kanya, may mga kaisipang talangka, pataasan ng ere, mga nagmamagaling, mga pawang naggagamitan, at ibpa. Na kung minsan, at nanaisin mo na lamang na mag-isa. Kaya naman pagkatapos lamang ng tatlong taon, makikitaan na ako ng pagka-inip, ng pagka-bagot, naghahanap ng pag-babago, na kailanman ay di ko naramdaman sa Pinas.Kaya naman masaya ako dahil ginagawa ko ang isang bagay na gusto ko, pero sa kabilang banda…hmmmm, ano sa palagay nyo? Na di magtatagal ay, natural, apektado ang iyong gawain. Na kung minsan, pati ang gawaing mahal at gusto mo, ay tila baga pagsasawaan mo. Hindi mo mararamdaman ang iyong halaga.

 

Ngayon, kung minsan, naiisip ko na ginagawa ko na lamang ang mga bagay na ito, hindi dahil gusto ko, kundi dahil kailangan. Iba ang mga taong naging kasama ko sa Pinas, mga kapwa ko guro, ang mga dati kong estudyante. Iba sila dito. Dito, ang tingin sa iyo ng lahat ay gamit, gamit, at gamit pa.

 

Kaya, kayong mga naging kasama ko sa UE, mga dati kong estudyante, kilala nyo kung sinu-sino kayo, Napakarami nyo para banggitin ko ng isa-isa, Maraming Salamat sa inyong lahat!

 

Kaya, oo, masaya ako dahil nagagawa ko ang isang bagay na gustong-gusto ko, pero, sa kabilang banda, hmmmm……………….

 

Hahahaha. Masyado bang emo, hahaha. Sa pagsusulat kasi, para bang napakadaling ilahad ang nasa isipan, na sa totoo lang ay napakahirap, sabihin o bigkasin.

 

Muli, maraming salamat

Advertisements

Leave a comment

Filed under Samut-saring kaisipan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s