Paano maging masaya sa buhay?

i-choose-to-be-happy-7

Paulit-ulit na lang ang takbo ng buhay. Gigising ka para mag-aral, mag-trabaho at marami pang iba. Minsan nakakalimutan na nating maging masaya sa buhay. Masyado na tayong nagiging abala sa buhay. Kailangan din nating maging masaya paminsan-minsan para guminhawa ang ating buhay. Narito ang mga paraan upang maging masaya sa buhay.

Paraan upang maging masaya sa buhay:

  1. Gawin ang mga bagay na makakapagpapasaya sa iyo.
  • Ang sarap sa pakiramdam kung ang gagawin mong bagay ay yung makapagpapasaya sa iyo. Mas mae-enjoy mo ito dahil mahal mo ang iyong ginagawa. Dapat passion mo na ang iyong gagawin para hindi ka na mahihirapan at dapat laging maging enthusiast ka sa lahat ng bagay.
  1. Iwasan ang mga negatibong bagay.
  • Mas makakabuti sa iyo kung iiwas ka sa mga negatibong bagay. Wala naman itong maitutulong sa iyo bagkus papahirapan niya lang ikaw. Huwag mag-isip ng negatibo dahil masama sa kalusugan at pag-iisip ng isang tao.
  1. Mahalin mo ang iyong sarili ng lubusan.
  • Wala namang mawawala kung mamahalin natin ang ating sariili. Kung mamahalin mo ang iyong sarili, araw-araw kang magiging masaya. Tandaan mo “Be the best version of yourself”.
  1. Maging mabuti sa kapwa.
  • Kung ano ang ugali na ipinapakita mo sa kapwa mo, iyon ang ibabalik nila sa iyo. Laging bigyang halaga ang bawat isa. Ituring mo ang bawat tao na pinaka-importanteng tao sa buhay mo tiyak na magugustuhan nila ang ugali mo at magiging mabuti rin sila sa iyo.
  1. Kalimutan ang mga di magagandang nakaraan.
  • Huwag taong mabuhay sa nakaraan. Ang buhay ay umiikot, panibagong araw, panibagong buhay. Huwag tayong mag-stay sa nakaraan. Mag-focus tayo sa kasalukuyan. Hindi na natin maibabalik at mababago ang mga nakaraan.
  1. Maging masaya sa simpleng bagay.
  • Ito man ay ang pagkanta sa banyo, pag sayaw sa iyong kwarto, panonood ng t.v. at etc. Kung magiging masaya tayo sa simpleng bagay, parang ang saya ng bawat araw sa iyong buhay. Hindi ka mai-istress dahil nagiging masaya ka sa simpleng bagay eh.
  1. Magpasalamat sa lahat ng bagay.
  • Kahit ito man ay bagong damit, bagong cellphone, o kaya naman ay natapos mo ang isang gawain ng maayos. Magpasalamat tayo lagi sa ating Diyos dahil binibigayan niya tayo ng bawat araw at tayo ay nabubuhay sa mundong ibabaw.
  1. Huwag mag expect ng sobra-sobra.
  • Isa ito sa mga dahilan kung bakit hindi tayo nagiging masaya. Masyado tayong nageexpect. Masasaktan lang tayo bandang huli dahil hindi natin nakamit o nakuha yung expectation natin.
  1. Lumabas ka ng bahay.
  • Karamihan ng masasayang pangyayari ay nasa labas n gating bahay. Marami tayong madidiskubre sa labas ng bahay. Marami tayong makikilalang tao. Pero huwag din namang sobra baka mamaya eh ma tokhang ka joke. Kialanin mo ang iyong mga kapit-bahay, pumunta sa mall at marami pang iba.
  1. Mag-ehersisyo.
  • Nakakawala ng stress at depression itong pag-eehersisyo. Nakakalimutan mo ang mga di magagandang bagay. Nagiging physically fit and healthy ka pa.
  1. Matulog ng 8 oras o higit pa sa nais mo.
  • Pagtulog tayo ay parang wala na tayong iniintindi. Malaki ang matutulong ng pagtulog para tayo ay maging masaya. Kung gigising tayo ng kumpleto ang ating tulog ay magiging productive ang araw at masaya tayo.
  1. Mag-meditate.
  • Paminsan-minsan kailangan nating mag-meditate. Nakakawala ito ng anxiety, depression, kalungkutan, at etc. Ang pag memeditate ay ang pag-focus mo sa iyong paghinga at nasa isang tahimik na lugar ka lang. Aalisin mo ang mga bagay-bagay sa iyong utak at sa paghinga ka lang magpopokus.
  1. Patugtogin mo ang paborito o masayang kanta.
  • The best ang feeling kapag nakikinig ka sa music lalo na kung ito ay iyong paborito. Parang umi-escape ka sa mundo. Ikaw at ang music lang ang magkasama ay sapat na.
  1. Gumawa o maglaan ng oras sa panibagong hobby o gawain.
  • Ito man ay pag-aral kung paano mag-gitara, pag-painting, pagluluto ng bagong recipe at etc. Kailangan nating magdiskubre ng bagong gawain para malaman natin kung ano pa ang mga bagay na kaya nating gawin sa ating buhay. Malay mo may iba ka pang talent na di mo nadidiskubre.
  1. Isulat o gumawa ng journal.
  • Isulat mo lahat sa iyong journal ang mga thoughts mo na hindi mo masabi sa ibang tao. Parang sa journal mo ilalagay ang lahat ng nararamdaman mo. Nakakabawas ito ng bigat sa loob ng iyong puso at pag tumagal pwede mong basahin ito at maaalala mo ang mga nakaraang nangyari sa iyong buhay.
  1. Ipakalat ang kasayahan sa lahat.
  • Simpleng pag-smile sa bawat taong makasalamuha mo ay malaking ambag na iyon para sa kasiyahan ng bawat isa. Ikaw ang magsimula ng kasayahan para ang lahat ay mahawa at ang lahat ay magiging masaya na.
  1. Maging friendly.
  • Huwag maging masungit o masama sa iba. Maging friendly tayo. Mag-hi sa bawat taong nakakasalamuha mo. Ang sarap sa s feeling kapag marami kang kaibigan, maraming nagmamahal sa iyo. Malungkot kasi pag tayo ay mag-isa.
  1. I-practice ang pag-aalaga sa iyong sarili.
  • Maging malinis at presentable tayo sa ating sarili. Iba ang sayang maibibigay nti sa iyo. Magkakaroon ka pa ng confidence dahil alam mo sa sarili mo na kaaya-aya kang tignan pero huwag kang magbabago para sa ibang tao. Huwag mong intindihin kung ano ang gusto nilang mangyari sa iyo. Just be yourself and don’t mind them.
  1. Mag-yoga.
  • Tulad ng pag-memeditate ang pagyoyoga ay mahalaga rin. Ito ay isang uri rin ng page-exercise kung saan ini-istretch mo ang iyong sarili.
  1. Kumain ng healthy na pagkain.
  • Ayon sa research, ang pagkain ng healthy na mga pagkain ay makapagdudulot ng kasiyahan.
  1. Bawasan ang stress.
  • Kung maaari ay umiwas sa mga stressful na mga bagay. Walang magandang maidudulot ito sa iyo. Nakakapanget at nakakatanda ang stress. Alam kong ayaw mong mangyari yun kaya iwasan ang stress.
  1. Mag walwal ng pera pero gamitin sa tama.
  • Iba ring saya ang mabibigay ng paggastos ng pera kung marami ka nga lang pera. Pero huwag waldas ng waldas gamitin lang ito sa mga bagay ng kailangan lang, kung kakaluwag naman ay ikaw na bahala.

Iyan ang ilan sa mga alam kong paraan upang tayo ay maging masaya. Huwag masyadong seryosohin an gating buhay. Take it easy lang at ienjoy ang bawat araw na tayo ay nabubuhay. Magmahalan at bigyang halaga ang bawat isa. Sana ay maging masaya ka at Godbless!

Let's be friends:
Add/Follow me on facebook: Mark Anthony Legaspi
Follow me on instagram : @legaspimark01
Follow me on twitter: @immarklegaspi
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s