Katy Perry, ibinahagi kung ano ang naaalala sa Pinoy fans

Yong Chavez, ABS- CBN North America News Bureau

Posted at Feb 20 2018 05:43 PM | Updated as of Sep 29 2018 08:53 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Nagbubunyi ang mga Pinoy "Katycats," ang tawag sa mga tagahanga ni Katy Perry, dahil magbabalik ang international singer para sa isa na namang malaking concert sa Pilipinas ngayong Abril. 

Parte ito ng kaniyang "Witness" tour, na siya ring titulo ng kaniyang pinakahuling album. 

Pag-alala ni Perry, "electric" lagi ang kaniyang audience sa Pilipinas at tila sabik na sabik tuwing siya ay bumabalik para magtanghal.

"I've been to the Philippines several times for shows, and I guess I would describe it as really enthusiastic. The kids and the fans and the people, they're really excited, maybe the most excited group of people," ani Perry. 

Sa kaniyang show sa Portland, Oregon, ipinasilip ni Perry sa ilang Pinoy journalists ang kaniyang "Witness" tour.


Tampok sa show ang kaniyang bago at naunang hit songs, at mga nakamamanghang costumes at set.

Bukod sa kaniyang tour, abala ngayon si Perry sa kaniyang bagong trabaho bilang judge sa "American Idol" na magbabalik ngayong Marso sa bago nitong istasyon.

Ayon kay Perry, nakaka-relate siya sa fans na nakakahanap ng kaligayahan sa kaniyang musika.

"[M]usic has made me really connected because I'll hear a song that speaks for me, you know, and it basically translates my feeling and/or helps me get joy. It comforts me in my sadness so I guess I wanna do that with my songs," aniya.

Mapapanood si Perry sa Pilipinas sa Abril 2.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.