Unfair masyado!

Image

Mga unfair na bagay. Ewan ko pero para sa akin unfair talaga eh. Yung tipong antay ka ng antay ng text niya kasi sabi niya magtetext siya tapos tinulugan ka lang ng walang pasabi. Yung tipong pag-aantayin ka niya sa isang lugar kasi sabi niya magkikita kayo tapos inabot ka na ng dis oras ng gabi hindi ka sinipot. Yung tipong pinapatawag ka niya kasi wala daw siyang load at gusto ka niyang makausap kasi miss ka na niya pero nung nakapagpaload ka na at tatawag na biglang walang sumasagot. Inabot ka na ng hatinggabi sa kaka dial pero wala pa din. Tapos magtetext sayo kinabukasan na,”sorry inaantok na kasi ako hindi ko na nahintay.” Yung tipong nagpaluto siya sayo ng pagkain niya tapos nung andun ka na para ibigay sa kanya hindi rin niya nakain kasi busy daw siya at pinakain na lang sa iba. Yung tipong pinapunta ka niya sa isang lugar dahil dun daw kayo magkikita,nanakwan ka na lahat lahat di ka pa din sinipot. At ang masaklap pa, ikaw na nga tong ma effort na tao,alam niya sa sarili niya na may pagkukulang siya sayo pero still siya pa ang magagalit sayo at palalabasin na hindi mo daw siya iniintindi.

Alam ko naman na dapat kitang intindihin kaya nga patuloy pa din ako sa pag eefort kasi naiintindihan ko kung gaano ka ka busy pero hindi naman bente kwatro oras ang trabaho mo para malimutan mo ako. Di ko gusto na ipako mo ang atensyon mo sa akin kasi kapirasong bahagi lang ako ng buhay mo pero sana naman kahit maliit na parte lang ako ng mundo mo,pahalagahan mo din naman ako.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s