Ganun naman talaga minsan eh. Sa isang buong taon nandyan ang mga ups and downs ng buhay. Hindi ka laging nasa taas. Darating din ang panahon na aangat ang buhay mo. Tulad ko. Ang taong 2012 ang masasabi kong maraming ups and downs. Nandyan yung dumating sa punto na kelangan ko talagang mag part time job para makabayad ng pang exam ko. Nangungutang pa ako sa mga tita at tito ko para makabayad. Dumating din sa point na binenta ko ang iba kong gamit para kumita. Pero lahat ng yon eh para sa pag-aaral ko. Meron din yung nagkasakit papa ko at wala siyang trabaho. Nga-nga kaming lahat. Kaya nagawang tumanggap ng trabaho si mama bilang labandera at plantsadora sa mga kapit-bahay namin. Naging kusinera na rin ako ng isa sa mga kapit-bahay namin. Oo nga’t swerte kami sa bahay dahil malaki siya at komportable kaming lahat. Kinalimutan ko ang lovelife ko nun kasi sa sobrang daming problema at iisipin nakakalimutan ko na rin atang magka crush nun. At kung meron man di ko na din binibigyang pansin. Ultimong pambayad ng tubig,kuryente,bill ng telepono at cable eh prinoproblema ko pa. Buti na lang mababait yung mga kamag-anak namin. Ilang bwan na ganun ang sitwasyon namin. Pero sabi nga hindi habang buhay eh nasa ibaba ka. Kung magsisipag ka makakarating ka sa taas. Nagkaroon ng trabaho si papa. Umasenso kami. Pag-aaralin ako sa busan,korea. Sagana kami sa pagkain. Afford ang kahit anong bagay. Pag natamasa mo ang ganitong kaginhawaan na minsang naging mailap sa pamilya mo,syempre kahit papaano mag e-enjoy ka at eenjoyin mo ang mga to. Pero sabi ko nga nagdaan na kami sa hirap kaya alam din namin kong paano iingatan at lalagyan ng limitasyon lahat ng meron kami ngayon. Kapit lang kay god. Yun lang ang swerte namin.
-
Recent Posts
Archives
- April 2013 (1)
- March 2013 (7)
- February 2013 (106)
- about me airsupply anak as a gf at last ayieee balik tanaw best friends bwahaha churchmates clan classmate convo diyos dreams entry experience family friend of mine gala kamo gf type god god's commandments GOSPEL LUKE 3:10-18 guitar high school days iamlittlemermaid iam who iam ina inggit kaibigan lent season lonely is the night long post love luma lumalablayp nabasa ko nabasa ko lang naks nene ngiti opinyon opinyon ko pag-ibig pagpapahalaga parents personal piano pilosopogyno pissed off probinsya quotes saan ka na ba? sabi ni lola sacrifice santa klaus senti stress stupid love 1 stupid love 2 stupid love 3 tama diba? tanga textmates thoughts traffic true story try ko lang typhoon weheartit.com
Blogs I Follow
- Pinoy Pedestrian
- mrbeancentdblogger
- thelargeworld
- RinalynFayeVillanueva
- Turbotodd
- Road less travelled
- Rants.
- BABANGON AKO.. AT TUTULOG MULI.
- 25pesocupnoodles
- Ang Palda Ni Inay
- Ang Letter Kk
- style sprite
- akoaysalbahe
- doon po sa amin
- Bagotilyo
- Anakngpiso's Bahay-Palasyo
- What The F!
- Strange Fruit
- "voluntourism"
- BunnyandPorkBelly
Advertisements