Ready, Set, Tweet!

1_MNle-Hv8krKkrXKsHcO5AA

Noon: Sa mga radyo at TV lang uso ang mga pa-contest o promo na may nakalaang pampremyo na kung saan kailangan mong subaybayan ang kanilang mga programa. Kailangan mong isulat sa isang papel ang iyong pangalan, edad, address, telephone number at pirma na may kalakip ang proof of purchase ng produktong sponsor ng pacontest. Huwag kalimutang isulat sa isang envelope ang title ng sinalihang promo.

Ngayon: Mismong ang mga produkto o brand na ang nagpapacontest sa kani-kanilang mga social media accounts tulad ng Facebook. Madali lang naman ang manalo sa pancontest nila, kailangan mo lang naman munang i-LIKE ang Facebook Page nila, i-Like, mag-Comment at i-Share ang ang pinost nila tungkol sa pa-contest, kailangan mo din silang i-Follow sa Twitter, mag-Tweet tungkol sa pacontest, at i-Follow sa Instagram. Kailangan mong magpasalamat dahil wala silang Tumblr at Pinterest account.

Ang social media ay hindi lamang tahanan ng mga sariwang balita, hindi lang lugar para labasan ng sama ng loob, kaligayahan at mga iba’t ibang mga pangyayaring nagaganap sa buhay natin. Hindi lang ito lugar para sa mga selfies, memes, at mga pruduktong pinopost ng mga miyembro ng Royale at Usana. Ang social media ay isa ding medium para sa mga pa-contest.

Rafflecopter

Ang Rafflecopter ay ang pinakamadaling paraan para sa mga brands at bloggers na magpatakbo ng isang contest/promo o giveaway.

Minsan ay nagkakaroon din ng paramihan ng LIKEs sa pinost na entry. –Ang may pinakamaraming friends na nainis sa pagpapa-LIKE ang siyang mananalo.-

Noon (Hanggang Ngayon?): Nauso ang pagpapadala ng mga entries via SMS. Dito kailangan walang labis at walang kulang ang mga ilalagay mong impormasyon at kung may mali sa format ng text mo maaring maging invalid ang entry mo. Ang mananalo ay manggagaling sa mabubunot ng electronic raffle draw, kaya the more load you consume, the more chances of winning.

Ngayon: Sa ngayon hindi na masyadong importante ang format sa kung paano o ise-Send ang mga entries mo. Ang mahalagang bagay lang na hindi mo dapat kalimutan ay ang “hashtag”.

Sa lahat ng social networking sites, sa Twitter maraming pakulo ang mga brands.  Twitter ang kanilang ginagamit na platform upang mas madali ang interaksyon at mas magagamay nila ang mga entries gamit ang kani-kanilang third-party Twitter app tulad ng Tweetdeck at Hootsuite. Madali lang naman manalo kapag Twitter contest ang sinalihan mo, kailangan mo lang sundin ang instruction at mag-tweet ng 986,574,632 times per hour para madali nila makita at mabunot ang Twitter handle mo.

contest

Ang Resorts World Manila (@rwmanila) ang isa sa mga pinaka-popular sa Twitter na madalas magpa-contest at magpamigay ng mga movie passes. Kapag nagtrending ang mga hastag ng RWM, syempre hindi papatalo dyan ang Solaire Resort (@solaireresort) – #SolaireGiveaway. Kapag malapit na ang SALE sa SM supermalls (@thesmstore) wag mong kalilimutang i-follow sila sa TWitter dahil madalas silang magpamigay ng GCs, i-unfollow mo na lang ulet sila kapag hindi ka nanalo.. Ang isa naman sa kakaibang pa-contest sa Twitter ay nagawa ng Globe Tattoo (@ChooseTattoo) na kung saan kailangan mo ng i-tweet kung saan ang eksaktong lugar naka-parking ang kanilang kotse (Di ba sabi ko naman madali lang manalo). Hindi naman papahuli ang Smart Communication (@smartpromos) sa mga kakaibang pakulo, tulad na lamang ng interactive #SmartMusicRihanna Twitter contest noong nakaraang taon na kung saan kailangan mong magtweet ng 500 times para malaman kung saan lugar nakatago si Rihanna para bigyan ka ng ticket sa concert niya. Kapag nagtrend ang Smart, syempre hindi magpapatalo ang Globe Telecom (@enjoyGlobe) na nagpapamudmod din ng mga cellphone load at gadgets tulad ng Smart na may madaming alagad sa Twitter upang magpakalap ng magandang balita. 🙂

Maraming pinamimigay na prize tulad ng cellphone load, concert tickets, movie passes, freebies, gadgets at syempre gift certificates. Teka, nasabi ko ba ang cash? Walang cash. Pero kung mukha ka talagang pera cash lang din naman ang hanap mo, sa “Premyo sa Resibo” ka sumali. Mula sa pagpapadala ng entries via sms, ngayon naging aktibo na rin sila sa paggamit ng social media sa pamamagitan ng Twitter, kung saan ay picture lang ng resibo ang ipapadala mo sa kanila.

Ang ilan pa sa kinaganda ng mga pa-contest  sa social media kumpara sa mga naunang paraan: walang gagastusing cellphone load, hindi ka na sapilitang bibili ng mga proof of purchase at less effort kumpara sa pagpapadala ng snail mail entry.

May ilan ding mga brands na kapag pangmatagalan ang pa-contest ay naglalaan talaga ng sariling website na nakakonekta pa rin sa iba pang social networking sites. Sa ganitong paraan makukumbinse nila ang mga netizens na sumali dahil mas exciting, mas madaming chances para manalo at higit sa lahat may angas, may dating, may malaking pasabog sa Grand Draw . Ang 0917wonderful ng Globe at ang tab3metime ng Samsung ang ilang mga halimbawa na ganitong bigtime na social media game.

Para naman sa mga bloggers na nagpapatakbo ng iba’t ibang mga promo o giveaways, hindi man kailangan ng permit pero kailangan masunod nila ang mga guidelines o rules and regulation na inilabas ng DTI.

Kasabay na pagkahilig ng ilan sa mga patok na makabagong pamamaraan nga mga pa-contest o promotion sa social media ay hindi maiaalis ang mga  scam.  Minsan ay nakakainis na rin ang mga biglaang nagpa-pop up na window na nagsasabing nanalo ka sa isang pacontest as if namang sumali ka. Madami pa rin ang mga mapagsamantala  at manloloko. Kailangan nating maging mapanuri at mag-ingat sa ating mga sinasalihan higit na sa mga pa-contest na humihingi sayo ng mga personal na impormasyon.

Habang patuloy na pumapatok sa mga netizens ang makabagong uri ng mga promo o palarong may nakalaan na papremyo ay patuloy din tayong makakita ng iba’t ibang klase at pakulo ng mga pa-contest sa social media.

 You Win! You’re the 100,000th visitor of this site. Click here to claim your prize.

Advertisements
This entry was posted in Lipunan and tagged . Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s