Showing posts sorted by relevance for query trabaho. Sort by date Show all posts
Showing posts sorted by relevance for query trabaho. Sort by date Show all posts

Monday, November 16, 2009

Invisible Man

Monday, November 16, 2009
Napanood ko last weekend ang 2012, at anak ng tokwa, isa na ito sa mga naging paborito ko. Nakakapigil hininga, napapa "eeeeee" nga ako eh. Nakakaiyak daw, pero di naman ako tinamaan. Manhid na ata ako (bitter). Pero pramis, panoorin nyo sa sinehan, wag sa pirated dvd. walang thrill. Ang mga binibili lang na pirated e mga bold at tagalog movies.

Anyways, ndi tungkol sa pagkagunaw ng mundo ang topic ko ngayon. Actually, related pala. Naranasan nyo na bang maging invisible man? Bakit kamo related? E para ka na rin kasi nilamon ng ga-building na baha dahil ndi ka nag eexist. Kumbaga, parang patay ka na rin.

Mahirap ang pakiramdam pag invisible man ka. Sana nga e talagang wala ka jan para kahit pano magagawa mo ang lahat; manilip, magnakaw at kung ano ano pang kasamaan pero hindi. Nakikita ka pa rin ng tao, pero para ka lang tae na parang ayaw ni tingnan man lang.

Sino nga ba ang may gusto maging invisible man? Sino ba ang may gusto na para ka lang utot na dadaan at makakalimutan na maya maya. Sino ba ang may gusto na wala kang makausap kasi pakiramdam mo e wala rin namang makakarinig sa yo. Yung tipo ba kahit ba magbigti ka jan eh maaagnas ka na lang eh di ka pa rin pinapansin. Wala. Siguro kung naging aso tayo o isda na simple lang mag isip, pwede pa. Pero hindi e. Tao tayo. Masakit sa kasin kasin na balewalain ka ng mga tao.

Kung iisipin naman, maraming dahilan kung bakit nagiging invisible man ang tao. Minsan sa katigasan ng ulo, pinipili na lang ng mga tao sa paligid na dedmahin na lang. Minsan makapal ang mukha mo na wala ka naman trabaho eh umaaasa ka pa rin sa magulang mo. Syempre mag gagalit galitan portion sila at di ka na lang papansinin. Meron naman talagang tinamaan ng malas at walang nagmamahal sa kanila. Yun yung mga lehitimong invisible man.

Kahit ano pa man ang mga dahilan, di pa rin masaya maging invisible man. Oo nga, nakakakain ka, nakakatulog ka, nakakagala ka ng walang nakikialam sa yo pero the hell naman. Kahit pano naman makakaramdam ka ng hiya diba? Minsan mag eeffort ka, pero babaliwalain ka lang, ano pa gagawin mo kundi magpatuloy na lang sa pagiging invisible? Kung maghihintay ka naman na pansinin, mas malabo kang makawala sa sumpang iyon.

May mga tao naman na mas pipiliin na lang maging inbisibol...

Minsan kasi ang mga magulang, hindi nila napapansin na nasasaktan na nila ang mga anak nila. Yung iba nga, hindi naman kilala ang anak nila pero kung mapagsabihan nila ang mga anak nila e kala mo close sila. Hindi naman maaalis yung utang na loob eh. Alam naman natin na kung wala sila, wala rin tayo. Sa puntong ito, mas gusto mong maging inbisibol. Minsan nga magtatanong ka ng gagawin, dededmahin ka lang at kala mo eh isang utot lang ang narinig nila.

Ang nakakatawa minsan e pag akala mo eh nalampasan mo na ang invisible man stage. Ayan ok na ang lahat, maayus na ulit. Hindi ka na samang loob na nagkatawang tao. Pero ilang araw lang e babalik na naman sila sa dati na di ka tatantanan hanggang sa maging inbisibol man ka ulit. Sayang lang ang effort.

Ano nga ba ang nararamdaman ng isang true blue invisible man? Huwag mo itanong yan sa mga magulang at baka ikaw e madamay sa listahan ng mga taong ginawa nilang inbisibol men. Hindi nila maiintindihan ang generasyon ito. Ni hindi nga nila nalalaman kung ano nga ba interes ng kanilang mga anak. Kasi nga, singaw ka lang. Wala kang silbi sa mundo.

Naalala ko tuloy nung ako eh inbisibol din sa amin. Pinagalitan ang mga kapatid ko. Mejo natuwa nga ako nun kasi feeling ko kasama ako dun, hindi na ko inbisibol. Nung nagsalita ako na "may ginagawa lang po akong trabaho" ang sagot ba naman eh "Hindi naman ikaw ang kinakausap ko at wala akong pakialam kung may trabaho ka!" Oh yes diba? Pero in fairness naman e kinausap ako, pero wala daw siya pakialam. Ironic.

Ganun lang siguro talaga, magulang sila. Anak ka lang. Wala kang karapatang magalit. Kahit may oras na tama ka, mali ka pa rin. Kung ako nasa kalagayan nila, mas pipiliin kong maging inbisibol na lang. Kesa naman araw araw magtalo dahil hindi nila maintindihan ang kanilang mga anak.

Siguro ulit ulitin mo na lang ito sa utak mo:

Isa akong utot
Isa akong sama ng loob
Nabubuhay ako para hindi pansinin
Nabubuhay ako dahil invisible ako

Congratulations! Welcome sa Malungkutin(aka Invisible) Family

0 comments

Sunday, October 7, 2007

Masama bang maging prangka?

Sunday, October 7, 2007
"You will only know one's worth when its already gone"
Bakit nga ba kelangan pa mawala ang isang bagay bago natin maisip kung gano kaimportante ang nawala sa tin? Bakit kelangan natin saktan ang ating mga sarili bago natin maisip kung gano katanga ang ginawa natin?

Ngaun dapat nga maging masaya na ko eh. Kasi halos wala na talaga kaming communication ni Cza. Dapat ngaun nag papapizza na ko at nagpapainom dahil sa wakas, naisuka na ng sistema ko si Czarina. Dapat nagtatatalon ako ngaun kasi tapos na ko sa kadramahan sa buhay. Pero meron pa rin syang bakas sa katawan ko. Parang marijuana na nde masyado natanggal sa katawan.

Isang araw kinausap nya ko sa msn. Sinabi nya sa kin na nagresign na sya totally dun sa huli nyang work. What's new diba? Magpapadasal ako kung magkaroon sya ng trabaho na lalagpas ng 6 months.

Czarina: I just want to try something new. Something not related with my work

Masama pakiramdam ko sa sasabhin nya...

Czarina: Gus2 ko itry ung iba, like sa anime industry

Ako: ha? ano naman gagawin mo dun?

Czarina: Kahit ano basta maiba lang. Kahit magsimula lang ako sa janitress pataas.

Ako: Amf... sino ka si cinderella?

Natawa ako. Pero no offence sa mga janitress, ito ung job na maiistuck ka lang sa pagiging janitor. Nde pede maging manager or president.

Czarina: Know what, you have this thing that always bring me down

What can I do? e natawa ako

Czarina: Maybe I can try photography. I want to go places. I want to take photos of life.

Sounds interesting.

Czarina: Samahan mo ko? Hanap tau ng work na may need ng photographer
huh? what the f...?

Ako: Alam mo namang may trabaho ako d2 eh. Gus2 ko pa tong trabaho ko.

Czarina: What about your promise to me? That you will do everything for me?

Lol... ano to blackmaiL?

Ako: Alam mo ang problema sa yo....

Saglit naputol usapan namin kasi tinawag ako nung boss namin. Tumakbo ako papunta sa boss ko un pala papakita lang ung sexy pic na nakita nya sa site. Leche. Anong klaseng tao ba tong mga to?

Pagbalik ko andami nyang reply...

Czarina: Tell me what's the problem with me? Am i inconsistent? Am I really worthless? Am I not good enough? Am I...

Dang... puro "Am I" di ko sya magets haha. sinagot ko na lng...
Ako: all of the above. Masyado kang inconsistent and selfish

Hinihintay ko sagot nya. Pero mukhang ayaw na sumagot

Ako: Lagi mong hinihila pababa ang mga taong nagmamahal sa yo. Ano ba tingin mo sa min laruan? OO gagawin ko lahat para sa yo pero to the point na pababayaan ko na sarili ko, wag na oi!

Nde pa rin sya nagrereply...

Ako: Nde ko na kayang tuparin ung pangako ko sa yo....

Sa mga oras na un nag sign out na sya. Ang saya saya. Di sya marunong tumanggap ng criticism. Ako na naman ang lalabas na masama d2...

Pero diba dapat akong mag "horray!" at "yahuuu!" dahil eto na un eh. eto na ung point na talagang di na kami mag uusap. Eto na ung point na kanya kanya na kami. Eto na ung time na wala nang promise promise ka ek ekan.

Pero this past few days, namimiss ko sya. Mukha na naman akong tanga. Nde lang tanga, gago pa. Nde lang gago, Pu...na pa! Ilang buwan ko rin inisip na mawalan kami ng communication totally, pero ngaung and2 na, lagi ko naman syang hinahanap. Why o why delilah?

Ang taong si masayahin bumalik na naman sa pagiging Malungkutin. Sinusubukan ko syang contactin pero di sya sumasagot. Dunno whats with her, pero naging prangka lang ako sa kanya. Kung sabagay, kung happy ending tong kwento na to, mawawalan ang saysay ng pagiging malungkutin ko T_T

0 comments

Sunday, September 9, 2007

Ang muling pagkikita ni Malungkutin at Czarina

Sunday, September 9, 2007
After almost a month, natutuwa ako sa sarili ko kasi nagmamature na utak ko. nde na ko yung tulad dati na puro emo lang ang alam hehe. Finally, pede ko na sabhin na naka "move on" na ko.

Isang araw biglang nagtext si Czarina sa kin. "Hey" lang ang laman. Rereplyan ko ba or nde? Nagdesisyon na lng ako na wag na lng replyan. What for diba? Natututunan ko nang lumimot bakit ko pa kelangang buhayin. So ayun tinuloy ko na ung alang wentang buhay ko wuhuu.

After 5 days naisipan kong magbrowse ng msgs ko sa phone. scroll down... down. Basa basa ng mga korning quotes at jokes. Bigla akong napatigil sa isa sa mga msgs dun. Czarina.... Naalala ko tuloy ung text nya na "Hey". Di ko alam pumask sa utak at bigla rin akong nagreply ng "Hey". After 5 mins nagreply si Cza.

Czarina: Punta ako jan. wait mo ko ha?

E nagulat ako. Di ko na nagawang magreply. Weh.... ano ba naman tong papasukin ko na naman.... T_T

So after 5 more minutes dumating na sya. Mejo maaliwalas na tingnan mukhan nya, though bakas pa rin naman sa mukha nya ung mga "sakit" na naranasan nya....

Czarina: Wassup??? Kamusta ka na? kamusta na trabaho mo?

Ilang segundo rin akong di nakapagsalita. Gulat siguro? baka. Takot? pede rin. Tuwa? pede rin.

Ako: ayus lang naman! nakaka survive pa naman company namin

Czarina: thats good to hear!

Nagkaroon ng mahaba habang "silencio" sa pagitan naming dalawa. Siguro pareho kaming naghihintay. pareho kami nag iisip ng sasabhin....

Czarina: So galit ka pa ba sa kin?

Ako: Ha? Weh! bat naman ako magagalit sa yo?

Czarina: E di ba nung nag uusap tau sa msn nagagalit ka sa kin...

Ako: ah...

Tungkol dun pala sa msn stat nya na "I love you Leo". Mejo nabadtrip ako at sinabihan syang inconsistent.

Ako: Nde naman ako nagalit mejo nainis lang pero lipas na yun.

Nakatingin lang sa kin si Cza. Nakangiti sya. Wag mo ko dadaanin sa pangiti ngiti mo jan ha! HMP!

Czarina: Alam mo, ok na ko ngaun. Mejo nakukuha ko na mag smile ngaun di tulad dati. although I admit ung pain nde pa rin sya nwawala.

Nakatingin lang ako sa kanya.... pinapakinggan ang bawat sinasabi nya...

Czarina: Ngaun ko lang narerealize how stupid i became. Masyado akong maraming nasaktan na tao. Marami akong pinaiyak...

Wow! talagang wow... it took her almost a month bago na narealize un. Grabe....

Czarina: Si Mark na laging umiiyak para sa ken... Si Leo na hiniwalayan ko.... At si Benny na nasaktan ko ng sobra... ang mga kaibigan kong lagi kong binabalewala.... at ikaw... na nagtyatyagang makinig sa kin despite our past...

Naiyak naman ako dun. Pero wala akong tear ducts eh, so di rin tumulo ung pawis sa mata.

Czarina: Ngaun ko lang narerealize lahat to... that everyone is trying to reach out for me, but i kept my distance...

True... very true...

Czarina: I've been at my limits and really dont know what to do... know what, I've realized how good our God is. He never let me go and destroy my life completely...

Hmmm.... interesting napapalapit na sya kay God? wow talaga...

Czarina: Siguro pumutok lang talaga lahat ng nasa dibdib ko. Ever since Im a child, ung mga frustrations, pains at lahat ng sama ng loob ko naipon lang. Alam mo, few days ago, I met my former professor. Sya lang ang kaisa isang prof na talagang napalapit sa kin. She even told me that "all I can see is a lost girl behind a strong facade". Papakilala kita minsan dun! She's also the one that can make me calm everytime I go berserk. Sya rin ang nagpapakilala sa kin ngaun kay God...

Wala akong masabe... Sobrang natutuwa ako para sa kanya... sobra...

Czarina: Im just not ready to face Him right now. Pero little by little makukuha ko rin siguro kausapin Sya.

Ako: gus2 mo samahan kita sa pagbabalik loob sa kanya?

Ano tong mga sinasabi ko.. nde pa rin ako ready humarap... pero for her sake, and also mine, gagawin ko un...

Czarina: ^_^ (smile ulit). UU nga pala, mag iinquire sa isang spanish school dito. Balak ko kasi umalis papuntang Spain para mag trabaho

There she goes again... pabigla bigla ng desisyon.

Ako: Ha? ano na naman yan at pabigla bigla ka na naman?

Czarina: Nde napagisipan ko na to. Gus2 ko na umalis d2....

Ako: .....

Czarina: Not that I don't want to see you guys. Kaya lang pano ko maheheal all these pain kung titigil lang ako d2? babalik at babalik ang lahat ng sakit if im going to stay here...

Well may punto sya...

Ako: Kung un naman ang sa tingin mo makakaheal sa yo, then go! Alam mo, un lang naman ang gus2 namin. Gus2 naming sumaya ka naman sa buhay mo. Kahit tanungin mo mga lalake mo (sabay tawa)

Czarina: gaga! >.<

Pero nagulat ako ah! nde nya ko sinabunutan, sinampal, sinuntok o sinipa. Napaka calm nya ngaun...

Czarina: Di ko nga alam bat madami nagkakagus2 sa kin. Nde naman ako GF material. Sabi ni mark sa kin, meron daw 'sumthing" sa kin. Ikaw ano ba nagustuhan mo sa kin?

Damn... ano na naman to?

Ako: dunno. Yun din ang gus2 ko sabhin eh. may "weird" aura ka na nang aakit ng mga kalalakihan hehe.

Czarina: ganun? hayzz.... Newayzz meron pa kong request sa yo

OMG! Waaaaa.....

Ako: a-ano un?

nautal ako talaga. pwera biro hehe

Czarina: Enroll tau sa isang spanish school! mura lang naman tuition! sabay tau mag aral.

Ako: Ngak! ano naman gagawin ko dun?

Czarina: e di empre para mag trabaho sa spain! sige naaa... promise?

Ako: Ayoko nga magpromise. Di ba sabi ko sa yo, mga desisyon sa buhay, pinagiisipan yan ng 100x! nde basta basta yan

Czarina: I know. Please think about it soon! please...

Ako: Bigyan mo ko ng mgandang rason bakit kelangan kita samahan?

Czarina: (Nagpause saglit) Wala na ko makakasama dun...

Grabe pang iipit neto waaaa...

Ako: Ok payn sige na...

Czarina: Yey!!! hahaha sabi na eh makukuha kita dun eh haha

Deym ur logic deym ur twisted mind.. hehe

Czarina: Tara na uwi na ko. hatid mo ku

So ayun naglakad kami. Pinipilit pa rin nya ko sumama dun sa spain habang naglalakad kami pauwi. Nakarating kami sa kanto ng street nila... So i guess this is goodbye ulit...

Czarina: hatid mo na kaya ako dun sa min?

Nagulat ako dun. Kasi nde nya ko pinapasama pauwi sa kanila. Karaniwang hanggang kanto lang paghahatid ko sa kanya. Ayoko bigyan ng kulay to. Pero masaya ako ngaun...

Nung paalis sya, ako ang huling lalakeng pinuntahan nya. Nung nandito na sya, ako rin ang unang lalakeng pinuntahan nya (Well, nde daw counted ung mga tropa nyang lalake pati si mark kasi sila ung pumunta dun sa bahay nila ^_^). Coincidence? siguro. Mahal na nya ko? nah.... Kung meron man akong natutunang leksyon sa relasyon namin, un ang wag lagyan ng malisya ang bawat kilos nya. Atleast ngaun alam ko na ok na sya. Time na lng kelangan nya para gumaling. Hindi ko man kaya gamutin lahat ng sakit na naranasan nya, basta I'm just gonna be here during her healing period...

1 comments

Friday, November 30, 2007

Ang pagtatapat sa library

Friday, November 30, 2007
Mahigit isang linggo na ng huli kong nakita si Jamie. Siguro nga ganun na lang talaga un. Kiningailangan nya ng comfort, so binigay ko naman un sa kanya. Nde na rin ako nagagawi sa park... sa swing. Simula nung matapos ung bakasyon ko, tambak ang mga trabaho. Balik alila na naman ako sa mga koreano. Malapit ko na talaga iboycott ang jamppong.

Walang araw na nde ko sya inisip. Kainis naman. Mejo apektado ako pero di ko alam kung bakit. Acquintance lang kami. Siguro pareho lang kami natuwa sa paglalaro ng larong yon kaya nagkasundo kami. Mejo tumigil na ko sa pagbili ng crossword. Wala na yatang silbi pa. Araw araw akong dumadaan sa park na yon at umuupo sa swing. Nagbabakasakali ako na makita ko sya at magtapat na rin. Pero sa loob ng isang lingo, ni bakas nya di ko makita. Yung school ni May nde ko na naaabutang bukas kasi nga nasa trabaho ako. Kainis talaga...

Isang araw nagpasya akong maglakad na lang pauwi. Mejo nawala na sa isip ko si Jamie dahil mejo natanggap ko na. Sakto napadaan ako sa isang library malapit sa min. Kahit ganito hitsura ko, mahilig din naman ako magbasa. Nagtataka lang ako, bigla kong nagustuhan magpunta sa library. E ang binabasa ko lang naman eh FHM at Maxim. Habang naghhanap ako ng magandang fiction books, parang may napansin akong babae na nagbabasa sa isa sa mga tables dun. Napa "shit" ako. Si Jamie! Tumayo ako sa likod nya.

Ako: Bakit bigla kang nawala? bakit ni nde mo man sinabi sa kin na wala ka nang balak makipagkita?

Mejo nagulat si Jamie. Napahagis ung crossword na sinasagutan nya. Grabe naglalaro pa rin pala sya nun?

Jamie: Pasensya na... kasi meron akong mga problema ngaun. Nahihirapan ako ngaun. Ayaw ko naman mag alala ka at ayaw ko na rin na pati ikaw e mamoblema sa problema ko.

Ako: E handa naman ako makinig sus. Alam mo namang and2 lang ako para sa yo eh. E ano ba problema mo?

Jamie: Alam ko alam mo na yung tungkol kay William. Kasi nakita ko ung reaksyon mo nung nasulat ko ung name na yun. Nabanggit din sa kin ni Mylene nung pagkatapos nyo mag usap. Andun ako... kaya lang nde na ko lumapit. Balak ko na rin sabhin sa yo.

Sumisikip dibdib ko lol. Nde pa nga ko nagtatapat basted na hehehe T_T

Jamie: Si William kasi... siya ang nagpasaya ulit sa kin dati nung nalulungkot ako. Naging masaya ung mga time na kasama ko sya. Alam mo kung ano rin ang libangan namin nun? Ang paglalaro nitong... crossword puzzle...

Unti unti ko nang naiintindihan... kung bakit naging malapit s ya sa kin...

Jamie: Dati bibili pa kami ng dyaryo ni Will tapos sasagutan namin pareho. Sa mga simpleng bagay, napapasaya nya ko. Basta kumpleto araw ko pag nakakasama ko sya. Pero isang araw, bigla sya nagpaalam sa kin na pupunta sya ng ibang bansa. Kelangan nya daw muna ayusin ang buhay nya... kung sakali daw magkakatuluyan kami, wala daw mangyayari.

Nde ako makapgsalita. Yung mga words parang naipon lahat sa lalamunan ko.

Jamie: Sinubukan kong pigilan sya pero nung nagsimula na sya magsalita, nde ko na nagawa pang kumontra. Ayaw ko kasi ng diskusyon. Basta naisip ko na lang na makuntento na lang kung anong patutunguhan ng relasyon namin. Alam mo sabi nya sa kin "Mag ingat ka d2. Ingat ka sa mga manloloko d2 ha? Basta ikaw lang ang nandito *turo sa dibdib*".

Nde ko alam kung matatawa ako o maiiyak ako. Ang gandang coincidence neto....

Jamie: Nung nakilala kita, kala ko magiging ayos na ang lahat. Kasi nagagawa mo kong pasayahin. Mejo nakakalimutan ko na nga sya eh. Pero isang araw bigla syang tumawag sa kin. Biglang bumalik ang lahat ng nararamdaman ko sa kanya. Dun ko naisip na umiwas sa yo. Kasi nagiging malapit ka na sa kin, ayaw ko namang lokohin ka at paasahin... don't get me wrong pero i really like you a lot. Siguro nga may feelings ako sa yo, pero nde ko talaga alam. Mahal ko pa rin talaga si Will

Tsuk! Tsuk! tsuk! alam ko na kung bakit. Nabanggit siguro ni Mylene na balak ko sya ligawan. wow. Sarap pakinggan ng mga bagay na to. hahaha. nababaliw na ata ako

Jamie: Ngaun kuntento na kami sa ganitong setup. Long Distance love affair nga daw tawag nila. Naalala mo nung sinabi ko sa yo na lalapitan kita dati pero kausap mo si Mylene?

Ako: yep

Jamie: Kasi balak ko sabhin ito agad lahat sa yo. Ayaw ko rin kasi mawala ka. Parte ka na ng buhay ko. Sabhin na nating napakaselfish ko, pero ganun talaga... sorry talaga

Bumuntung hininga ako. Kainis. Buti na lang, manhid na ako ng kaunti kaya konting kirot na lang. Mga 200 saksak ng icepick lang ung katumbas na sakit.

Ako: Basted na pala agad talaga ako hahaha. Oh well...

Jamie: Nabanggit kasi sa kin ni Mylene na... un nga...

Ako: Bweno sanay naman ako maging shock absorber eh. Alam mo naman ung kwento ko kay Czarina diba? Siguro magiging shock absorber mo na lang ako.

Jamie: Naman eh. Wag ka namang ganyan

Ako: Sus ayus lang ako. Nde naman ako mawawala and2 lang naman ako naghihintay sa yo eh. Oh pano, kelangan ko na umalis maaga pa ung pasok ko bukas eh. Usap na lang tayo bukas

Jamie: Ok. Ingats pauwi

Lumabas na ko mula sa library. At nagsimula maglakad pauwi. Napadaan ako sa may park. Nagpasya akong umupo muna sa swing. Nde ko mapaliwanag ang nararamdaman ko. Parang pinipiga ang puso ko. Kasabay ng kalugmukan ko ang paglakas ng hangin. Ung mga basura nagliliparan sa mukha ko kaya nagpasya na ko tumayo at umuwi na lang. Nag napadaan ako sa mga puno ng mangga, sunod sunod na pagbagsak ng mga dahon nito. Ang drama ng setting no? Bigla kong natanong sa sarili ko, bakit nga ba kung sino pa ung nagmamahal, sya pa ang nde makuhang mahalin? Bakit kung sino pa ung handang tumayo sa tabi mo, sya pang binabale wala? Nde ko talaga makuha ung logic ng ganun. Kibit balikat na lang akong naglakad pauwi. Nadaanan ko rin ung shop na nilalaruan ko pero wala na kong gana maglaro. Gus2 ko na lang umuwi. Sigurado namang bukas, ok na ulit ako. Sigurado naman akong mabubuhay pa rin ako bukas...

0 comments

Sunday, October 14, 2007

May pag ibig sa chat?

Sunday, October 14, 2007
Ang mundo ng internet... Ang mundo kung saan ang lahat ng bagay ay pedeng maging posible. Pede kang maging babae, pede kang maging lalake, pede kang maging macho, pede kang maging payat, pede kang maging superhero. Ika nga sa globe, lahat posible.

Nde ako naniniwala na ang isang bagay na galing sa internet ay magkakatotoo sa totoong buhay. Nde pde magkaroon ng TL sa internet. Bah, sino ba naman ang maiinlove sa isang taong nakikita mo lang magchat, nagsesend ng mga ninakaw na pix sa internet at nag iimbento ng kung ano anong drama sa buhay may maikwento lang? Sus, kung ako ang tatanungin, mga walang buhay ang mga taong nagchachaga magchat para lang may masabing may lablayp. Pero syempre ako, kelangan ko magchat. Pisting trabaho kasi nakakatamad hahaha.

Isang araw may nakilala akong babae thru chat. Ok naman sya. Maboka. Maingay. Mapilit hehehe. Empre nde nawala dun ang walang kamatayang "asl?" at ang walang kamatayang reply na "Oic". Nagsimula kaming mag usap ng kung ano anong bagay. Usap kami ng usap. Minsan sa sobrang wala na kaming mapag usapan puro emoticons na lng sinasabi namin.

Isang araw nakapag usap kami ng seryoso. Di ko alam pumasok sa isip ko, pero nagsimula ako mag open sa kanya. Kahit ang totoong katauhan ni malungkutin nasabi ko sa kanya. First time ko nagtiwala sa isang tao na di ko kilala. Nagulat ako ng nagsimula na rin syang mag open sa kin. Kahit ung kasingit singitang sikreto nya, sinabi nya sa kin. Napa "wow" ako. First time ko rin maramdaman ang sinseridad just by reading her texts. Ganito ba ung feeling nung mga nahuhumaling sa chat?

Ilang araw pa ang nagdaan, nagsimula na rin kami magtext. simpleng hello! at quotes lang. Mejo natuwa ako kasi binigay nya number nya sa kin kasi sa iba ayaw nya ibigay. So ayun, tuloy ang chat. Nag chat kami almost everday. Kahit may trabaho ako, nagchacchat pa rin ako. Minsan nga di ko napansin nasa likod ko na pala ang boss ko, sabi lang nya "your girlfriend?" sabi ko "No sir, she's just my friend". Ngumiti lang ung kumag sabay sabing "hmm.. beautiful". Atleast di nagalit hehe.

Isang araw bigla ko na lng akong may naramdamang kakaiba. Dahil sa kanya nakakalimutan ko ung drama ko sa buhay. Dahil sa kanya, nararamdaman kong may totoong tao akong kausap. Mas totoo pa nga sya kesa d2 sa opisina namin, puro plastik ang tao. Dahil din sa kanya naiba ang pananaw ko sa buhay. Sa tingin ko nahuhulog na ko sa kanya.

Pero madami syang problema, alam ko un, pero ayaw lang nya sabhin pa lahat. Alam kong may gus2 syang iba at wala naman akong magagawa dun. Sinubukan kong iopen sa kanya ang aking nararamdaman. Sinabi ko sa kanya na nagsisimula ko na syang magustuhan. Sinabi nya sa kin "Bakit lahat ng taong nakakaalam ng mga sikreto ko, nahuhulog sa kin?". Bah sa kin ba itanong un? Ewan ko nahulog ako sa kanya eh. Siguro dahil na nga sa sincerity kaya ngaun tumitibok ulit puso ko.

Siguro pede nyo na rin ako isama sa mga taong walang buhay. Ngaun naniniwala na ko na pedeng mainlove just thru chat. Nde ako naghihintay ng kung ano pa man sa kanya. Di ko hinihingi na mahalin nya rin ako. Basta ang alam ko mahal ko sya, un ang mahalaga.

Sanay naman ako sa "unconditional love" so siguro pede ko rin gamitin ang ganitong salita para sa kanya...

0 comments

Tuesday, August 14, 2007

Nang unang Mabasted si Malungkutin

Tuesday, August 14, 2007
Grabe Madaling araw na gising pa ko… Malapit na mag umaga gising pa rin ako… Maaga pa naman pasok ko... SIguro isa sa dahilan ay labis kong pag gamit sa aking maliit na utak (hehe). Haggang ngaun gumagana pa rin sya. Bigla nga ko natawa nung bigla kong naisip nung una akong binasted ni Czarina.

(Flashback…. Puro flashback ang istorya ko no? ^_^)

Czarina: Oi tapusin ma na tong trabaho mo!

*sigh* Di pa rin sya kuntento sa pagtapak sa aking pride. Sobrang wasak na kaya? Pero di ko na magawang magalit sa kanya. Halos 3 months na ko nagtatrabaho kasama sya, at sa tingin ko nagus2han ko na sya. Isa itong patunay na may exception sa bawat rule. Ang rule na “First impression lasts” ay nde applicable sa kanya. Sa totoo lang, parang exempted sya sa lahat ng bagay. Bigla na lng ako napangiti.

Czarina: What’s funny eh???

Ako: Wala. Tapos na po ako ma’am.

Czarina: Ew.. don’t call me ma’am (sabay smile)

Di ko gus2 ngiti nya pero la ko magagawa. Nakasanayan ko na sabihin eh. Kahit ayaw nya la na sya paki.

Umupo sya sa unit nya. Tapos maya maya bigla na lng tumatawa ng mag isa. Mukhang di sya exempted after all hehe. Nilapitan ko sya tapos tiningnan ko ung ginagawa nya. Nagbabrowse pala ng mga pet sites. Bah! Mahilig nga pala sya sa mga pets, lalo na sa aso (bigla kong naalala ung aso nyang basahan ROFL!). Nakakatuwa sya mag giggle habang tinitingnan ung mga pictures ng mga aso. Siguro isa rin to sa mga rason bakit ko sya minamahal ngaun….

Napagpasyahan kong sabhin lahat ng nararamdaman ko sa kanya bukas. Wala namang mawawala kung gagawin ko yun. Desidido na ko…

Kinabukasan…

Ako: Usap tau mamayang uwian ah?

Czarina: What for?

Ako: Basta….

Pagkatapos ng trabaho namin, naglakad na kami pauwi. Sinabi ko ang lahat lahat ng nararamdaman ko sa kanya. Nde ko maipinta ang mukha nya. Alam ko nashock sya sa mga sinabi ko.

Cza: Well.. you know…

Well…. Di ko na maalala ang mga sinabi nya dahil karamihan dun ang English. Dahil ako ay isang lalakeng Pilipino, mas mahal ko ang ating salita kaya ayun, nakalimutan ko. Pero ang nilalaman ng mga sinabi nya ay…

BASTED AKO

Sinabi nya na prens lang tingin nya sa kin. Sinabi nya na naguluhan lang ako sa naramdaman ko dahil naging sobrang bait nya sa kin. Sabi rin nya na nde lahat ay pede makuha. Ung linyang un ang di ko magets. Nde ko naman hinihingi ang lahat sa kanya, gusto ko lang na mahalin nya rin ako. Pero nde. Nde nya ko kayang mahalin…

Pagkatpos ng lahat ng nangyari, bigla ako nanlambot. Siguro nga masyado ko lang nilagyan ng malisya ang closeness namin. Siguro kelangan ko na lng lumayo para wala na ko maramdamang kahit ano sa kanya. Alam ko isa sa mga reason kasi mahal pa rin nya ung ex nya (di ko alam kung ex pa rin nga, pero dati kasi nung nagkita sila magkahawak sila ng kamay tapos nag kiss. Pero sa ibang kwento ko na lng un babanggitin hehe).

Kinabukasan, di na sya pumasok sa office namin. Meron din kasi syang sama ng loob sa mga boss namin kaya siguro umalis. Tapos dumagdag pa siguro ako. Wrong timing siguro ung mga sinabi ko… Pero ganun talaga… parang pakiramdam ko kelangan ko talaga sabhin. At nung sinabi ko na wala namang mawawala sa kin kung sasabhin ko un, kabaliktaran ang nangyari. Nawala pa nga ang lahat sa kin…

Nde na kami nag usap simula nun. Nag uusap pala at nagkikita paminsan minsan pero di na gaya ng dati.

Czarina: uyy… wag ka na magalit sa kin please?
Ako: Haha (Tawang bitter) di naman ako galit ah? Sino may sabi?

Czarina: Nde naman ako manhid para di ko maramdamang umiiwas ka eh

Right. So sensitive na sya ngaun… olrayt!

Ako: E alam ko madami ka problema kaya ayaw ko lang dumagdag.

Czarina: So umiiwas ka nga?

Ako: (Duh?!!?) Nde nga poooo (Sabay pasok sa shop)

Dito kami unofficially naghiwalay. Matagal tagal din kaming di nakapag usap…

(end of flashback)

Mag 5 am na. Ayoko na mag isip. 4 hrs na lng papasok na naman ako. Magkikita nga pala kami ni Cza mamayang gabi. Kelangan kong magpahinga muna.

To be continued….

0 comments

Monday, September 11, 2017

Kapit

Monday, September 11, 2017

"Oo mahal din kita"

Yan na yata ang pinakamasarap na salita na narinig ko sa buong buhay ko. Tila umikot ng doble.. hindi.. triple ang mundo ko nung narinig ko ito. Sabi ko pa sa sarili ko, ako na nga yata ang pinakamasayang tao (o hayop) sa buong mundo.

Akalain mo sa milyong katao sa bansang to, ako pa yung napili mo. Isang napaka ordinaryong tao. Isang invisible man. Yung tipong kahit ako na lang ang pagpipilian, mukang maiitchapuwera pa rin ako. Hindi ako mahihiyang umakyat sa overpass at ipagsigawan ang saya na nararamadaman ko. Mahal kita. Mahal mo ko. Kilig mats.

Mahal. Mahal. Mahal. Anong nangyari?

Lumipas ang mga araw.. mga buwan.. mga taon. Bakit tila ang salitang mahal ay kayhirap nang bigkasin. Bakit ang mga tingin mo ay makakabuo ng yelo sa sobrang lamig? Bakit ang pag aaway ay tumatagal ng dalawa... tatlong araw bago maayos? Bakit ang salitang mahal ay napalitan ng galit?

Ano nga ba ang nangyari?

Sa paglipas ng taon, unti unti tayong naging kampante. Nasanay tayong andito ako.. andyan ka. Nasanay tayong sa huli, tayo pa rin naman.

Sa sobrang nasanay tayo, nagkasawaan tayo.

Naalala ko pa nung unang naging tayo. Hindi natin mabitawan ang kamay ng isat isa. Inaabot tayo ng umaga sa kaka skype kahit na isang bahay lang naman ang pagitan natin. Naalala ko yung saya mo tuwing susunduin kita sa trabaho mo. Naalala ko yung umiyak ka sa tuwa ng sinupresa kita nung birthday mo. Pero parang haggang alaala na lang yata ito..

Naalala ko nung una tayo nag away. Muntik na gumuho ang mundo ko pero kumapit tayo. Kumapit tayo kasi nangibabaw yung pagmamahalan natin. Hanggang sa naulit ng naulit ng naulit ng naulit ang di natin pagkakaunawaan.

Mahal, kumapit ako na may pag asang maaayos natin ulit ang lahat. Anim taon na tayo ngayon pa ba tayo susuko? Kumapit ako sa pangako natin na walang aayaw.. na tayo pa rin hanggang sa huli. Pero mahal, ang sakit sakit na.

Ang sakit sakit na na makita kang gabi na lagi umuwi pero hindi ako ang kasama. Ang sakit na masaya ka kasama ang mga kaibigan mo kesa sa akin. Ang sakit nung nagpaalam ka na pupunta ka lang sa pinsan mo, pero iba ang iyong pinuntahan. Ang sakit nung nalaman ko na lihim ka na palang nagkakagusto sa iba. Ang sakit sakit.

Pero kumapit pa rin ako. Kumapit parin ako nung humhingi ka ng tawad. Kumapit kaai ako sa pangakong tayo pa rin sa huli. Na kahit marami nang nangyari.. mahal pa rin kita. Pero ang tanong ko sa yo.. bakit kelangan mo ulit ulitin??? Bakit kailangan mo kong iputan ng paulit ulit?? At bakit kita pinapatawad kahit paulit ulit din??

Hanggang kelan ba ako kakapit?  Hanggang kelan ako maniniwala sa ating pangako? Mahal kita. Mahal mo ko. Yun lang naman importante diba?

Pero siguro kailangan ko na rin bumitaw. Kailangan ko na rin siguro palayain ka sa pangako natin na tayo pa rin hanggang huli. Hindi ka na masaya, ramdam ko yan matagal na. Kailangan ko na siguro bitawan ang kadena na nagbibigkis sa ting dalawa. Kailangan ko nang tanggapin na hindi na tyo para sa isat isa.

Mahal kita, mahal mo ko pero kelangan na natin putulin ang lubid na kinakapitan natin.

Mahal kita.. mahal mo ko.. paalam sa yo.


0 comments

Monday, April 29, 2013

Ang Bagong Simula

Monday, April 29, 2013
Ang init. Sa sobrang init, di pa ko nakakapasok sa trabaho ng tuyo ang buhok ko. Pwede na nga ako i-cast sa isang bomba film; lagi kasi ako wet look. Kung anong init ng sikat ng araw e sya namang lamig ng aking puso.

Kelangan ko isingit e. Kelangan ko maging emo XD.

Pero diba? wala naman kasing pinipiling araw ang pagiging emo mo e. Ako ba ilang taon na kong di nakakapagsulat dito kasi akala ko masaya na ko? Akala ko kasi hindi ko na kelangan sumulat dito kasi akala ko kumpleto na yung buhay ko. Kalokohan na ang saya saya ko pero malungkot pa rin isusulat ko.  Pero isang araw e bigla ko na lang naisip bisitahin ulit to. Ang galing nga, kasi naaalala ko pa yung account na to samantalang nasobrahan ako sa pork, sa beans... Ang laki ng memory gap ko. Natuwa pa nga ako at meron pa ring nag cocoment sa mga luma kong post.  Pero nung pag check ko e puro ads lang pala na kesyo ang cool daw ng sinulat ko. Na kesyo ang saya daw basahin nung sinusulat ko.  Puro nga ka emohan to ano masaya dun? Ayan nalungkot na naman ako

Anyways, minsan kasi talaga dumadating nga yung time na nagiging sobrang happy ka.  Akala ko nga pinagsakluban ako ng langit at lupa. Malay ko bang nabuhusan pa rin ako ng swerte.  E nagsimula lang naman sa isang inuman. Isang inuman na hindi ko sukat akalain na magiging simula ng mahaba habang happiness..

*Ring* *Ring*

Malungkutin: Hello? Pare o kamusta? abot pa ba ako sa birthday mo?

Ronnie: Oo pare abot na abot ka pa. Kasisimula pa lang namin. Asan ka na ba?

Malungkutin:  Malapit na ko. Ilang tumbling na lang andyan na ko.

Ronnie: Sige bilisan mo. Mahirap makipag inuman sa mga lasing na haha

Totoo. Ang hirap nga. Pagdating ko dun, ayun kala mo mga baboy na nakawala sa kural. Ang gagaslaw. Ako ang nalalasing sa kanila.  Pero natuwa naman ako makita sila ulit. Ilang taon din akong di umuuwi sa probinsya namin.  Namiss ko lang ang tropa kaya naisipan kong umuwi.

Ronnie: Pareh!!! Pakiss nga hahahaha. Maupo ka jan. Maraming alak

Tropa:  Aba akalain mo buti di ka naligaw hahahaha.

Yun ang pinaka nakakainis na naririnig ko sa tao.  Bukod kasi akala mo mga miyembre ng Glee dahil sabay sabay magsalita e akala mo naman ang tagal ko nawala.

Malungkutin:  Hahaha (tawang naiirita). Nasa maynila lang naman ako e. Para naman kayong mga tanga.

Nagtuloyan ang inuman. Tawa dito. Tawa doon. Kwentuhan ng mga nakaraan. Si Ronnie sumusuka sa may paso. Nakakatuwa sila panoorin malasing haha.  Akala ko masaya na ko nun, nang biglang may narinig akong kumakatok sa pinto nina Ronnie.

Babae: Ronnie! Abot pa ba kami? Lasingan na ba kayo?

Kahit sumuka na e tumayo pa rin sya at binuksan ang pinto. Pagbukas nya, bigla nagslowmo ang paligid ko at napatingin lang ako dun sa babae.  Parang may narinig pa nga akong tugtog na "tut tut tut tutuut... I know this much is true..." Yung kantang True ng Spandau Ballet. Akala ko sa pelikula lang nangyayari yun... Well, oo di nga totoo yun kasi ringtone pala un nung isa kong tropa na tulog na.  Parang sinakto talaga sa moment

Masayahin yung babae. May kasama itong bakla at pareho silang tawa ng tawa.  Parang napa "Oh no, tumibok na naman ang puso ko." Pinapasok ni Ronnie yung dalawa at umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko. Agad ako kinilala nung bakla pagkaupo pa lang. Kaya lang wala akong pakialam sa kanya kasi sa iba nakatuon ang pansin ko, sa kasama nya.

Nang kakausapin ko na sya e biglang bumalik lahat ng sakit at takot  pag nakakakilala ako ng babae. Naisip ko na hindi ko na siguro kelangang i push to kasi baka maulit na naman yung dati. Nang walang ano ano ay bigla syang lumapit.

Babae: Hi ako si Cristina. Pede mo ko tawaging Tina. Magsalita ka naman dyan kanina ka pa walang imik. Hahaha

Parang napanood ko na to ng ilang ulit ha. Tatapakan din ata nito pagkatao ko.

Malungkutin: Haha pasensha na Tina. Kasi mejo kinakapa ko pa ulit tong mga to. Matagal ko nang di nakikita tong mga to.

Tina:  Oo nga daw e. Ikaw kilala na kita dati pa, pero tahimik ka lang kasi. Tara inuman pa haha

Dahil nga bata pa lang e ulyanin na ko, di ko sya matandaan. Pero siguro makikilala ko rin ito pagdating ng araw. Dumami pa ng dumami ininom namin hanggang sa ilan sa kanila e gumagapang na pauwi.  Pinagtatawan ko sila habang umupo ako sa labas ng bahay nila. Agad akong nilapitan nung kasama ni Tina at hinihingi ang number ko. Pero dahil walang fone etong kasama ni Tina, Yung phone nya ang ginamit para isave ang number ko. Nagkuwentuhan kami ng kaunti hanggang sa nagpasya na ko umuwi. Nag insist sila na ihatid ako sa min.  Natatawa ako kasi para akong babae na kelangan ihatid pa.

Tina: Wag ka na magreklamo basta ihahatid ka namin.

Nang nasa malapit na ko ng bahay ay pinauwi ko na sila.  Nag group hug pa nga kami dahil daw new friend nila ako. Nagpaalam na kami sa isa't isa. Tinitingnan ko sila pauwi ng lumingon si Tina. Para akong binaril ng mga mata nya kasi napakaganda ng mga mata nya. Napabulong na lang ako sa sarili ko at nasabing "Patay tayo dyan"

---------------- ITUTULOY-----------------------

2 comments

Saturday, July 21, 2012

Rejection ba kamo?

Saturday, July 21, 2012

Oh eto mabalik tayo sa ka emohan at makabagbag damdaming usapan. Masyado ata ako natuwa sa buhay ko nakalimutan ko na bawal nga pala ako sumaya. Chos.

Alam mo ba ang feeling na parang ginagawa mo na ang lahat pero kulang pa rin? Yung tipong kulang na lang e sungkitin mo ng literal ang mga bituin sa langit? Di ba parang sampal sa mukha na para bang napaka useless ng effort mo?

Ganun siguro talaga pag wala kang boses sa puso nya. Kahit anong sigaw at tawag ay hindi nya maririnig ang mga sinasabi mo. Kahit ilang beses mo nang nag rereach out, ilang beses kang kumakayod para sa isang tao, hindi nya marerealize yun. Kasi nga sarado ang utak nya sa yo. Wala syang ibang maririnig at makikita kundi ang sarili nya ang mga hinaing nya sa buhay. Kaya ayun. Mananatili kang invisible man.

Sabi nila ang mga babae daw e gusto lang na pinakikinggan sila. E bakit ba minsan itry ko lang nq pakinggan sya e minasama pa at bakit daw ako walang imik. Para daw akong walang pakialam sa kanya. Duh??!!?! Napakamot ulo na lang ako. Mga babae talaga. Sala sa init sala sa lamig.

Nakakalungkot lang kasi isipin na gusto mo lang naman sya pasiyahin. Gusto mo lang na maalis yung sakit na nararadaman nya. Ggawin ang lahat-magadvice, tumulong at makinig lang. Pero isa lang ang resulta; isang masamang tao ang tingin nya sa yo. Ang pangit pa dito may mga linya pang "pare pareho kayo. Hindi nyo ko maintidihan!" kung makahambing naman e wagas. Hindi nya malalaman na nakakasakit na pala sya kasi nga, again, sarado ang puso nya sa yo. Ang mahalaga sa kanya ang problema nya lang. Period.

Pero in fairness naman naiintindihan ko mga ganitong tao. Mga may saltik sa utak na konting problema lang e akala mo ay pinagsakluban na ng langit at lupa. Mahirap din naman sila tlaga kalamayin ang loob kasi, again and again, sarado ang puso nila. Sabihin mo nga lang na "ok lng yan" e magagalit na sila sa yo at ssbhing insensitive ka.  pag nabadtrip naman sila sa dun sa nag emo, magagalit na naman at sasabhing walang nakakaintindi sa kanila. Diba?

Para sabihin ko sa mga emo jan na tao, hindi lang kayo ang may problema. Hindi lang kayo ang hindi natatanggap sa trabaho. Hindi lang kayo ang nauubusan o nawawalan ng pera. Hindi lang kayo qng namatayan. Hindi lang kayo ang sinumpang magpapasan ng lahat ng problema. Mas ok nga sana kung ganun pero hindi. Hindi rason na hindi mo mabago ang pagiging negative mo. Yung iba nga e kaya bakit ikaw hindi? E parepareho lang naman ang kinakain natin. Ok lang naman kasi ang malungkot pag narereject pero hanggang kelan mo ba dadamdamin ang problema? Till the end of time? Everlasting? Habang may buhay? Forevermore? Magpakailanman?

Pero syempre dahil hindi importante ang mga iniisip at sinasabi ko, wala na namang makikinig sa kin. Sabi nga nila it's easier said than done kaya alam ko namang mahirap maging positive sa buhay. Pero ang mag emo sa isang bagay ng mas matagal pa sa 3 araw? Hindi pa ba naubos ang luha mo sa isang araw? Kaya sana kayong mga may mga problema basahin nyo na lang mga sinulat ko dito.

Kasi kung rejection lang din naman ang pag uusapan, hindi ako bago jan. Kaya nga eto ang pen name ko diba?

Hahaha. *sob* :(

Published with Blogger-droid v2.0.6

5 comments

Bagyo na naman

Tag ulan. Baha. Traffic. Basang medyas. Basang damit... Pantalon... Brief....

Nakakainis ang tag ulan pag nasa maynila ka. Nagmimistulang waterworld ang kamaynilaan tuwing uulan ng malakas. Pero kung sa dagat e mga isda makikita mo, dito kakaiba. Mga patay na daga, ipis, basura at minsan may makikita ka pang diaper na bagong tapon. Nice diba?

Ang pinaka masaya kapag bumabagyo e yung pauwi ka na galing trabaho, school o kung saan man kayo pumunta. Isang malaking adventure ang dadaanan mo sigurado. Para ka lang si dora na may mapa ng mga obstacle na dadaanan. Kelangan magaling ka sa mga detour kasi siguradong wala kang diretsong madadaanan. Bakit kasi nagbabaha pa e. Buti sana kung nakapaa lang tyo kaso pano mga nakasapatos? Bawat tapak mo e may tubig na mapipiga. Hassle di ba?

Nakakainis din ang mga sasakyan pag tag ulan. Hindi ka na makasakay dahil sa dami ng tao, dadaan pa ng walang modong driver ang baha at syempre, paliliguan ka ng tubig kanal. Ayos diba?

Ang pinaka nakikinabang lqng naman sa bagyo e yung mga gumagawa ng tulay o kahit anong sasakyan para makatawid ang mga tao. Kung araw araw bumabagyo sigurado mga milyonaryo tong mga to.

At amp. Ang trapik. Jusko haha. Nakakadalawang pelikula nq ang bus e di pa ko nakakauwi. Nkakapanibago tuloy at hindi ka emohan ang nakasulat dito. Parang hindi tuloy ako. Eto epekto ng trapik. Nakakapagsulat ng kaunting reklamo habang stuck sa trapik gamit ang cellphone ko.

Bigtime na ang papa mo. Haha.

Published with Blogger-droid v2.0.6

0 comments

Friday, October 28, 2011

Forbidden Love?

Friday, October 28, 2011
"E ano nga ba ang pakialam ko kung magalit sila? E sa mahal ko e, paki ba nila!"

Yan. Eksakli. Yan ang mga madalas na linya ng mga taong pumapasok sa bawal na pag ibig. E bakit nga ba? E ano nga ba ang alam ng mga impokritong tao tungkol sa pag ibig? Naranasan na ba nilang may kahati sa atensyon? Naranasan na ba nilang umagaw ng mga nakaw na sandali? Naranasan na ba nilang mag date habang katext nung isa ung jowa nya? Wala. Wala silang alam. Ang hirap kaya nun diba? Kung tutuusin, mas bilib pa ko sa kabit, kasi nagagawa nyang isakripsyo lahat para dun sa isang taong yun. Hindi lahat kaya isuko ang pride ang makuntento sa hating pag-ibig. Pede na nga syang barilin sa Luneta. Isa syang bayani.

Ang hindi ko lang maintindihan, sa dinami dami ng tao naman kasi na magugustuhan mo, e yun pang may kadena na sa leeg. Ilang bilyon ba ang mga tao? Anong probability na sa ilang bilyong tao na meron ang planetang ito, sya pa ang napili mo? Ang weird. Destiny? No way. Kahit kelan hindi ko matatanggap na dahil sinabi ng kalangitan, dahil nagtugma ang mga zodiac sign nyo, dahil nagpantay pantay ang mga planeta, dahil may falling star, ibig sabihin ay meant to be kayo. Ano kayo mga hayop? Na kahit sino na lang pwede?

Sabi ng iba, gusto nila ng challenge... ng thrill kaya nila nagagawa yun. Pwde ka namang tumalon sa hinulugang taktak o kaya mag slide mula Tagaytay papuntang Taal. Yun, napakachallenging nun. Anong thrill ang mapapala mo sa pagiging isang kabet? Yung thrill na baka mahuli? Yung challenge na kaya mong agawin ang isang taong taken na?

Ganyan daw kasi tayong mga tao - marupok. Mas inuuna ng tao ang puso kesa sa utak. Bakit nga ba ganun e ang silbi lang naman nga ng puso ay magbomba ng dugo para mabuhay tayo. Bakit pilit nating binibigyan ng ibang trabaho ang puso natin? Huwag na natin antayin na mastress ang puso natin at magpasa ng resignation letter.

Karaniwan, inililink ng mga tao (a.k.a. mga babae ang bawal na pag ibig sa mga lalake. Mga lalake raw ang madalas gumawa ng ganito. Mga lalake raw ang dapat sisihin kung bakit nauso ang salitang "Kabet". Oo normal sa lalake ang magkagusto sa iba. Narinig ko nga dati na ang mga lalake raw ay likas na polygamous. Pero wala namang magiging manyak, ma-EL na lalake kung walang malanding babae, diba? Wala namang mangyayari kung hindi mo titingnan o ieentertain yung thought na "Ui, pwede to ah?". Dito magsisimula ang walang katapusang turuan na wala naman talagang makakapagsabi kung sino ang nauna. Hindi kayo (mga babae) papayag sa sinabi ko diba?

Sa huli wala rin naman ako magagawa. Ano nga naman ba ang karapatan kong magsermon e wala naman akong alam sa mga ganyang bagay. Makukuha ko pa bang mangaliwa, e kahit nga kanan wala ako.....






.... Oo pinilit ko lang ipasok ang bitterness ko.

7 comments

Sunday, January 30, 2011

Stress

Sunday, January 30, 2011
Natry nyo na bang mastress ng sobra sobra sa buhay? Yung tipong mitsa na lang ang kulang e pede ka nang gamitin bilang paputok sa bagong taon? Yung tipong pinagsakluban ka ng langit at lupa.

I did. Naks.

Hindi ko nga maintindihan kung bakit ako naiistress. Happy-go-lucky naman ako. Wala akong pakialam sa ibang tao basta wag lang din akong pakikialaman. Minsan nga, tinawag akong kabayo kasi nga naman daw, pag naglalakad ako e diretso lang ang tingin na parang may takip ang mga gilid ng mga mata. Op kors nasisira lang ang concentration pag may bebot nang nakasalubong. Para akong sa exorcist na umiikot ang ulo kakahabol ng tingin.

Eniweys, nakakainis mastress. Papasok ka sa umaga, di ka pa man nakakaupo e katakot takot nang sakit ng ulo ang makukuha mo. May mga katrabahong maiingay... may mga katrabahong kalikot ng kalikot.. meron ding ikot ng ikot. Ang nakakainis pa e yung mga tipong napakakukulit na kala mo e mga grade 1 lang at tuwang tuwa sa paglalaro. Nak ng teteng, alas 7 pa lang ng umaga, nasisira na agad ang araw mo. Minsan nga e gusto ko hagisin ng mug sa bunganga. Naisip ko lang e sa hirap ng buhay ngayon, dadagdag pa sa gastusin ang pagpapabunot sa mga nasirang ngipin dahil sa binato kong mug.

Isang araw naisipan kong magdala ng ipod. Sosyal. Pag upo ko pa lang ay nakasalpak na sa mga tenga ko ang mamahaling headset ko. Olrayt, may padrums drums pa ko sa hangin habang pinapakinggan ang Awit ng Kabataan with matching papikit pikit pa. Pagmulat ng mata ko napansin ko na parang lahat sila e tahimik at nakatingin lahat sa kin. Bakit wala na kayong maburyong na tao kaya lahat kayo natahimik? Naisip ko na tagumpay ito para laban sa mga kampon ni shalala. Napatingin ako sa isa kong katrabaho. Ngumunguso sya sa likod ko. Pagtingin ko sa likod e bigla akong napatalon sa upuan ko. Ampota may dragoooooonnnn!!!!! Mga 10 segundo ko narealize na boss ko pala ang nakita ko at galit na galit na dahil kanina pa pala nya ko tinatawag. Katakot takot na mura ang inabot ko. Akala ko pa naman e makakatanggal stress ang pakikinig ng music habang nagtatrabaho. Yun pala, mas madodoble lang ang stress na mararanasan ko. Simula nun, pinagbawal na ang pagsusuot ng headset sa trabaho.

Sa hapon, jan mo mararanasan ang tugatog ng stress. Sa mga ganitong oras kasi papasok ang mga deadlines, last minute meetings, revisions... lahat ng pedeng gumulo sa magulo mo nang utak, anjan lahat. Ang sakit sa ulo na nagkukumahog kang matapos ang isang bagay e itatapon lang sa mukha mo at sisigaw na "DO IT AGAIN!!!!". Dito lumakas pa lalo ang paninigarilyo ko. Maya't maya ako nagyoyosi. Nakakatanggal daw kasi ng stress yun pero bakit parang masakit na ata ang baga ko e lalo pa ata ako nasstress???

Sa wakas tapos na ang araw mo. Sa wakas, makakapagpahinga ka na at matatanggal ang stress sa araw na ito. Pero pag akyat ko ng MRT... lintik na iyan. Daig pa ang Ligo sardines sa dami ng tao. Grabe. Yung ugat ko noo e naglalabasan dahil sa pagkayamot. Ok lang sana na siksikan e. Ang di kasi maganda sa ganyan e ang halo halong amoy na malalanghap mo pag nakipagsiksikan ka. Minsan matatyambahan ka pa ng mga ulupong na mandurukot at yung payslip na pambigay sana ke misis e matatangay pa. Masisigawan ka pa at iisiping may kulasisi ka dahil wala kang maiabot na pera. Lintik na buhay to. Stresssssss.....

Pagktpos ng mga halos 3 oras na pagbabyahe, makakarating na ko sa bahay. Diretso kama ako at excited na nagtanggal ng mga sapatos. Hayy.... ang sarap mahiga ng kama. Hindi pa ko nakakalimang minutong nakahiga e biglang magdadatingan ang barkada. Dahil pinanganak ata ako na may sumpang hindi pedeng tumanggi, ayun napainom na nga. Inabot na ng madaling araw bago natapos ang inuman. Ok na rin kasi kahit kaunti e natuwa naman ako kakapanood ng mga katropa kong mayayabang sa inuman e puro naman sukahan. Tawa ako ng tawa ng tumingin ako sa relo. Omaygas, alas 5 na ng madaling araw!!!!

Para akong nahulasan bigla at dali dali akong tumakbo ng CR. Parang limang minuto lang ako naligo dahil malalate na ko. Hindi na ko pede malate kasi at magkakamemo na dahil sa dami na ng late. Takbo ako. Nagulat ako ng di gaano madaming tao ang MRT. Akala ko pa nung una e meron na namang bomb scare kaya takot ang mga tao sumakay. Natuwa naman ako kahit pano e di ko na kelangang makipagsikiskan.

Ang aga ko dumating. 6:30 pa lang. Dali dali akong pumasok ng opisina. Kahit may hang over e pinagdasal ko na lang na sana e di ako gano mastress. Pagpasok ko e parang gulat na gulat ang gwardiya. "Ser bat andito kayo?" ang gulat na tanong nya. Ngumiti lang ako at nagdirediretso. Nang nakakasampung tapak pa lang ako mula sa gwardiya, biglang umakyat ang dugo sa ulo ko. Para akong hihimatayin.....

..... Sabado na pala. Walang pasok.

Muntik na kong mag breakdown sa sobrang stress.

22 comments

Friday, June 25, 2010

Average Joe

Friday, June 25, 2010
normal adj. 1 ang mga regular na, average, dati,
run-of-the-mill, ordinaryo, unibersal, pangkalahatan, karaniwan,
tipikal, ayos lang

Average.... ordinaryo.... karaniwan....

Marami sa tin na ganito ang description sa halos lahat na bagay. Kapag tinanong mo kung maganda ang pelikula, ang karaniwang sagot ay " ayos lang.." Kapag tinanong kung madali ba ang exam, ang sagot ay "ayus lang". Pag tinanong ka kung pogi ang boylet ni babae ang sagot e "Mabait" (Although malayo sa normal ung sagot, pero yun kasi lagi ang ordinaryong sagot ng mga tao).

Ganyan tayo. Ganyan ako. Isang normal na tao na may normal na buhay na may normal na pamilya na may normal na pangarap. Wala ka itulak kabigin sa kin. Isa akong napaaaaaaka normal na tao...

Na sa sobrang normal e nakakainis na....

Hindi kasi ako katulad nina John Lloyd na gwapo. Hindi kasing macho ni Derek Ramsay (Lamang lang sya ng mga.... 30 paligo). Di rin ako kasing galing kumanta tulad ni Jovit ng Pilipinas Got Talent. Hindi rin ako kasing galing ni Caguioa sa basketball. In short... wala akong talent. Kumbaga, isa akong jack of all trades... pero master of none. Pero diba atleast nagagawa mo ang maraming bagay. Yun nga lang, wala kang fans kasi NORMAL ka lang. Hindi nag eexcel, hindi nag sstand out.

Bata pa lang ako alam kong nakasulat na sa gulong ng palad na magiging isang saling pusa ako sa buhay. Nung elementary ako, out of 30, pang 20 ako. Nung highschool, out of 42 pang 31 ako. Nung college ako, hindi ko na nabilang kasi marami kami, pero nasa bandang gitna ako. Aba... nung nagkatrabaho ako, nung nakita ko ang ranking ng performance namin, out of 52, pang 27 ako. Oh diba? San ka pa? Nung nagtapon ng katalinuhan, kagandahan at lahat ng kung ano ano pang maganda e parang half sleep ata ako.

Di ko nga alam bat ganito ang naging buhay ko. Dati lagi ko sinasabi na magiging presidente ako ng Pilipinas. Eh pano ako magiging presidente e kahit man lang escort sa class officer e hindi ako makuha? Napakaplain, napakasimple. Wala akong katangian na mapapa WOW ang mga tao. Kahit nga sa pagsusulat, masasabi ko pa ring average lang din ako. Hindi ako makapagsulat ng english kasi inaabot ako ng isang oras para lang maisulat ang gusto ko sabihin. Pag tagalog naman, puro ka jejehan ang nasusulat ko sa katamaran ko magtype. Pano ba aaasenso ang mga taong average lang? Wala. Mag uubos ka ng 12 oras sa trabaho mo e kulang pa rin ang sasahurin mo.

Yan naman ang realidad ng buhay e. Mga matatalent, winner. Mga average, Loser. Kahit sa larangan ng pag ibig e. Ano pipiliin mo? Yung gwapo o yung normal lang (like, mabait?). Wag impokrito syempre mas mapapa first look ka sa may itsura at hindi sa hitsura pa.

Naalala ko tuloy nung high school student pa ko. Gusto ko maging js king. E kaso wala e. Kahit anong plastic surgery ata ang gawin ko sa mukha e wala talaga. In the end, ni isang babae e wala ako naisayaw. It hurts diba? /Wrist.

Pero in fairness naman, may mga advantages din naman ang pagiging plain or normal e. Hindi ka mahoholdap kasi iisipin nila wala ka namang pera. Hindi ka makukuyog ng mga tao, kasi hindi ka naman pansinin. Bago ka pag isipan ng masama ng mga tao, yun munang mga mukang halang ang bituka ang iinvestigahan. Hindi ka mapapagod pag may liga kayo kasi hindi ka na mapapansin ng coach mo para paglaruin ka. Pwede ka rin magkasyota, yun e kung totoong merong taong naghahanap ng "simpleng" magiging kapartner (Kung meron man, takte, jackpot yun pre). Oh diba napakarami?

Ikaw? Gusto mo bang maging average joe lang? Gusto mo bang matulad sa kin na parang hatsing lang na pagkatapos kang i hatsing e pupunasan ka lang ng tissue? Ayaw mo? Pwes simulan mo nang magka ADHD at magpakabibo. Sumisip sa Boss at gawin ang lahat para mag stand out.

At habang ginagawa mo yan, nawa e hindi ka patulan ng mga tao sa paligid sa pagiging pampam. Ayt~

0 comments

Thursday, January 14, 2010

Ang Barkada

Thursday, January 14, 2010
Ang bilis lumipas ng panahon. 2010 na, kalain mo dumighay ka lang ng kaunti, tapos na pala ang taon. Ni indi ko nga naramdaman na nagpalit na pala ang taon. Kakahintay ko kasi ng bagong taon eh ayun, nakatulog. Kaya pala madalas ako antukin nitong mga nakaraang mga araw. Isang taon pala akong laging tulog.

Sa bilis ng panahon ay marami na ring nagbago. Yung pantalon mo na skinny jeans ay nagiging balabal na lang sa leeg mo kasi yung hita mo e pang dalawang butas na ng pantalon. Yung mga damit mo e pinapamana mo na lang sa mga kapatid o anak mo, at ang lagi mong katwiran eh papasko mo na ito sa kanila. Sapul ba? Bang!

Naalala mo ba yung mga panahon na naglalaro tayo ng piko, tumbang preso at kung ano ano pang mga larong kalye? Yung mga panahong ang mga kuko natin eh pede nang taniman ng kamote sa kaitiiman? Yun bang panahon na kulay green na ang mga uhog natin dahil tamad tayong punasan o suminga? Nakakamiss talaga ang nakaraan.

Naalala ko tuloy nung high school pa ko. Unang beses ko humithit ng usok. Buti sana kung yosi nga ito pero yung tangkay ng bayabas ang una kong natikman. Totoo, dyan ako natuto. Leche nga eh, dahil dun ayan, puro butas na ang baga ko.

Nakakamiss din yung kulitan at asaran ng barkada. Para kasing ang saya saya lagi ng buhay pag sila lagi mong kasama. Parang nakakalimutan mo lahat - yung pagpapaluhod sa yo ng nanay mo sa munggo, sa pagsasako sa yo dahil sa kakulitan mo... ganun kasaya. Minsan nga nasasabi natin na mas mahal pa natin sila kesa sa mga magulang natin. Kasi nga, sila yung nakakaintindi sa kalokohan natin, sila yung tipo na nasasakyan ang trip natin. Ang barkada ang parang bumubuo sa kalahati ng buhay natin (Sabay patugtog ng San na nga Ba ang Barkada ng APO, parang mali pa ata title)

Kaya lang dumadating talaga ang time na nagbabago ang lahat. Syempre, hindi naman tayo pede maging bata na lang habambuhay. Anjan na yung time na tatanda tayo... makakakilala ng ibang tao... matututo na ang buhay pala e hindi lang puro laro ang kasiyahan. Malalaman natin na meron din palang ibang tao na pede natin makasama. Malalaman natin na kelangan mo ring magbanat ng buto para may makain na pansarili.

Lilipas ang panahon, maghihiwalay hiwalay rin ang landas ng barkada. Merong makakahanap ng magandang trabaho sa ibang lugar at doon na mabubuo ang buhay. Meron naman makakakita ng bagong environment na feel nya eh masaya sya dun. Meron naman magkakagalit at hindi na magkakausap. Dun mo marerealize at matatanong sa sarili na "ano nga ba ang nangyari?"

Kasi nga pag bata, wala tayo alam gawin kundi magsaya. Wala tayo pakialam kung ito bang taong ito eh sensitive o kaya e tsismosa. Kasi nagiging "comfort zone" natin ang barkada. Hindi man natin ito napapansin pero kahit gano kayaman man o kahirap, katalino o kabobo, lahat nagkakaroon ng pantay na wavelength.

Ngayong tumatanda tayo, dyan natin narerealize ang mali ng bawat isa. Habang natututo tayo sa buhay, nalalaman natin na may mali sa mga nangyayari. Natututo tayong umiwas, o ang mas masaklap, magsawalangkibo. Dahil sa mga rason na ito e unti unti nagkakalamat ang akala natin na solid na tropahan.

Kapag dumating ka na sa stage na unti unti na nawawala ang barkada, dito mo maramramdaman ang panghihinayang. Mararamdaman mo na ang samahan na binuo mo ng matagal na panahon e mawawala lang dahil sa lintik na kasabihang "walang permanente sa mundo, kahit ang barkada nyo". Kahit ano pang effort ang gawin mo upang subukan i mighty bond ang basag na tropahan, wala na. Para ka na lang kumakain ng hotdog na walang ketchup. Masaklap diba?

Ang sarap sana dumating yung panahon na bigla na lang natin makakalimutan ang mga naging pagbabago at magsama sama ulit tulad nung mga bata pa tayo. Yun tipo bang matatanggap natin ang pagkakaiba ng isa't isa. Yun bang mapagtatawanan natin ulit ang pinakamaliit na bagay. Yun bang mawawala ang paghuhusga sa isat isa at matutunan natin mahalin sila ng walang tanong tanong. Sana isang araw, bigla na lang magsulputan ang bawat isa sa barkada na nag hi high five sa isat isa.

Hindi pa naman siguro huli ang lahat diba? Kampay pa!

0 comments

Tuesday, October 6, 2009

Bakit Nga Ba Ako Nagsusulat?

Tuesday, October 6, 2009
Sa wakas meron na ring pumapasok sa utak ko. Palagi na lang kasi ako ganito. May maiisip, pag kaharap na ang monitor at keyboard, nabablanko. Bibili ako sa kanto, may papasok na idea pero pag uwi ko, tinangay na lahat ng hangin. Ganito nga siguro ang mga writers, mental block ang number 1 kalaban.

Pero kahit minsan, di ko inisip na isa akong writer. Kung susuma tutal mo nga lahat ng naisulat ko na, lahat un e base sa katangahan ko sa buhay. Badtrip nga at kelan ko lang narealize na gusto ko pala magsulat, na meron din natutuwa sa mga sinusulat ko kahit pano. E 3rd yr college na ko nun, alangan namang magshift pa ko, syang ang pera.

Pagsusulat.

Eto ang malayang pagpapahayag ng mga saloobin, opinyon o kung ano mang kuro kuro na nais mo sabhin, gamit ang tinta at papel. Pero panahon pa ni kopong kopong yang tinta at papel. Meron na ngayong mga computer. Meron ding mga blog sites na tulad nito na pedeng magsilbing papel mo. Di ka pa manghihinayang sa tinta o magagalit dahil sa pagtatae ng bolpen mo. Malas mo lang kung brownout o di kaya e nasa kaduluduluhan ka ng Pinas na walang kuryente.

Kung iisipin mo, hindi lahat pede maging writer. Merong iba na kala mo laki sa star rice sa galing sa pagsasalita pero subukan mong pasulatin, lusaw na ang monitor kakatitig e wala pang nasusulat. Pagsusulat kasi kelangan gumamit ng utak. Ewan ko ba kung bakit ako nahilig sa pagsusulat e wala naman ako nun. Lagi sinasabi ng mga magulang ko na matalino raw ako. Pero wag sanaying sabhin ito sa mga anak nyo kasi siguradong lalaki silang tamad mag aral.

May kanya kanyang style sa pagsusulat. Merong bibo at kawili wili ang mga sinusulat. Merong nobela at kung ano ano pa. Dito mo makikita kung anong klase ng tao ang nagsusulat. Sa totoo lang ginagamit ko rin minsan na batayan sa paghusga ng tao ang galing o sama nila magsulat. Kasi sabi nga nila, dito mo malalabas ang lahat, kaya nga merong mga diary ang mga girls e.

Minsan lang nakakainis pag nakapasok ka sa isang kumpanya na nangangailangan ng pagsusulat. Dapat e magkakapareho kayo ng style. Ilang beses na ko nakipagtalo noon sa manager at sa boss ko na ganun ang style ko. Pero syempre sila ang nasa posisyon, wala naman ako magagawa. Naaalala ko minsan sinabi pa sa kin nung boss ko na napakahusay raw nung sinulat ko. Lahat sila e puro "thumbs up" ang ginagawa. Pero nung binasa ko ung sinulat ko, wala akong makitang ni isang salita na ginamit ko. lahat binago, kahit ung sense nung sinulat ko binago. Ok lang sana ung mga edited, kasi normal un, pero ang baguhin ang lahat bukod sa title, ibang usapan na yon. Yung katrabaho ko e natuwa para sa kin pero sinabi ko na rin na hindi naman ako nagsulat non, sila na.

Madami akong hinahangaang mga author. Stephen King, Dan Brown at marami pang iba. Sa local lagi ko binabasa pa rin ang mga libro ni Bob Ong. Para ngang sya ata ang inspirasyon ko sa pagsusulat. Sa totoo lang kasi, ang style ay ndi automatic na nakukuha ng tao. Nanggagaling ito sa ibat ibang libro o sa panahong ito, mga blogs na nababasa ng isang tao. Ndi ka naman magkakagustong gawin ang isang bagay ng wala kang nakikitang may gumagawa nito ng maganda. Kahit ang mga bading, bakit karamihan sa kanila e pagpaparlor ang trabaho? Kasi nakikita ng mga pasibol pa lang na bading na magagaling sila sa ganung "field" kaya ayun ang kanilang nagiging pangarap.

Kung may maipapayo man ako sa mga gustong magsulat, iyon ay ilagay mo sa puso ang pagsusulat. Wag tumulad na pag nagustuhan lang magsusulat. magpractice, at magsulat lamang ng mga bagay na kumportable ka. Kung di ka magaling sa english, wag pilitin at baka yung love story nobela mo e maging comedy. Sa pagboblog naman, di na kelangan ng major editing pero syempre, kelangan mo pa ring basahin ulit ang mga pinopost mo. Higit sa lahat, mahalin mo ang pagsusulat. Kung kelangang katabi mo ang iyong bolpen at papel, gawin mo. Make love to your hobby/profession. hehe.

0 comments

Wednesday, August 5, 2009

Ang buod

Wednesday, August 5, 2009
Pagkalakas lakas ng ulan naman. Yung mamahalin kong payong ayun nilipad at nabaliktad. Grabe naman kasi. Parang hanggang ngayon eh nakikiramay pa ke Pres Cory ang panahon. Ayaw ko talaga ng ulan. Pramis. Naaalala ko lang ang kilikili kong namamasa pag umuulan

Eniweys, eto na ako. May panibagong trabaho. Panibagong pakikisama. Halos maluko ako dun sa mga koreanong bano. Mabuti naman dito e natututo ako mag ingles ng maayos. Kano eh. Ngayon ko nga lang nalalaman na.. Pota ansama pala ng accent ko. Talagang hanggang ngaun eh sinusumpa ko pa rin ang mga koreano. Kung pede nga lang ako magtayo ng org na mala - "Ako Mismo" gagawin ko. Ako mismo... Ako mismo magtatapon sa mga koreano sa Ilog Pasig.

Ano na nga ba ang nangyari sa kin sa nakalipas ng ilang buwan o taon? Si Czarina ayun loka loka pa rin. Ndi pa rin makamub on dun sa pinagpalit sa ken. Bah, yan ang napapala ng mga manhid at walang pakiramdam. Nakakausap ko pa sha paminsan minsan, pero ndi na tulad ng dati. Nawalan na ko ng amor sa kanya. Parang, ewan ko, siguro eh lumipas na lang talaga ang kung ano man naramdaman ko sa kanya. Last ko narinig eh ibebenta na raw bahay nila.

Si Jamie, ayun matagal ko nang di nakkausap. Nagkaroon kami ng di pagkakaunawaan nung huli kaming mag usap. Di ko na nga maaalala kung ano napag awayan namin eh. Basta ayun mapride ako, mapride sya. Nawala na lang bigla. Pinipm ko sya minsan kaso mukang binlock na nya ako. Sabi ba naman dati, pinagsisishan daw nya na nakilala nya ako. Ksakit sa kasin kasin nun diba? hehe. Pero kasalanan ko naman eh. Gus2 ko lang siguro madrama, ayun nasobrahan ata.

Si Jane, yun from time to time nakakausap ko pa. Oo sila pa rin nung boylet nyang taga Saudi. Tanggap ko nang ang magkaapelyido e kelanman ndi pedeng magkatuluyan. Ang huli kong balita eh nag exam ulet sya pero nung tiningnan ko ung result wala ulet pangalan nya. Kakalungkot. Nakikita ko sya online, pero di ko magawang kausapin kasi di ko alam kung pano ko sisimulan.

Suma tutal, nakamove on na ko. Ndi pala pedeng habambuhay kang magiging malungkutin. Akala ko dati, sa tuwing magiging shock absorber, bulak, aso, alila e makakahanap ako ng pag ibig. Malaking pagkakamali. Akala ko kelangan ko lang magpursige. Minsan pala kelangan mo lang maghintay, kelangan mo lang pakiramdaman na eto na, eto na yung tinadhana sa yo. Nasobrahan kasi ako sa panonood ng komersial nina Mar at Villar. Akala ko kasi e kelangan "Lalalaban tayo" at kelangan lang ng "Sipag at Tiyaga". Ndi na pala kailangan ng mundo ng mga martir, at mga martir e binabaril lang sa Luneta.

Ndi ko masisisi ang mga katulad kong malungkutin. Alam ko ang pakiramdam ng gagawin mo ang lahat para lang sa isang tao eh wala pa rin. Yung tipong kung kaya lang abutin ang buwan at araw eh ibibigay nya sa taong yun. Yung tipong kung kaya mo lang maging si Superman at gawin ang lahat lahat eh. Pero hindi. Hindi ito panaginip. Isa itong realidad na kailangan nating tanggapin. Masyado na rin akong maraming luha (oh ha), pagod, pawis, baby fats na sinayang sa loob ng maraming taon.

Alam nyo, minsan dumadating ang mga taon iyon sa mga di mo inaasahang panahon. Yung mga tipong tatalon ka na lang sa tulay eh bigla mo makikita sya. Ako nga eh handa na sanang lumaklak ng baygon nung bigla syang dumating sa buhay ko eh. Kung sino sya, sa susunod na lang na kabanata.

0 comments

Saturday, August 9, 2008

Exam day

Saturday, August 9, 2008
Magandang alon!

Dapat last week pa ko magsusulat, pero akalain mo tinatablan pala ako ulit ng sakit. Kasi naman hiling pa ko ng hiling na magkasakit ako, ayun tinrankaso ako. Di bale, ang sexy ko ngaun, pumayat ako dahil sa sakit haha.

2 days bago mag exam si Jane, nagtext sya sa kin

Jane: Jan na nga lang ako makikitulog. Ang layo ng bahay ko sa pag eexaman ko. hehehe. Joke lang.

Sus, If I know gus2 mo lng talaga na ialok ko na sa min sya matulog. Style nya mejo bulok na

Ako: Sige ok lang dito ka na lang matulog. Mahihirapan ka pa gumising

Jane: Ok lang ba? Ok lang ba kay Alvin? Baka naman makaabala ako dun sa boarding house nyo?

Si Alvin nga pala ung kasama ko sa kwarto. Di ko pa nakakausap si Alvin, pero oo agad ako. E syempre makikitulog daw sa min eh hehehe.

Ako: Ok na un. Basta bukas, sunduin na kita jan senyo. D2 ka na matulog.

Jane: Yehey! sige salamat! salamat ng marami!

Kung di ba ako sang kalahati... si Alvin kasi mejo masungit. Pag nasa bahay un, gus2 nya sya lang kasi matutulog daw sya. Ayaw nya ng maingay o may ibang tao. Katakot takot na panunulsol ang ginawa ko mapapayag ko lang sya. Grabe daig pa namin ang mmda at motorista sa kotongan at suhulan...

Kinabukasan, sinundo ko na sya. Mga 7 na kami nakarating sa min. Nagreview sya ng mga isang oras habang ako nakahiga lang sa kama ko at nakikinig ng music. Maya maya bigla nya ko pinitik sa tenga

Jane: Tara kwentuhan muna tayo. Ngaun lang ulit tayo nagkasolo eh.

Ngumiti ako. Pero ung tenga ko... ung tenga ko... UNG TENGA KO ANG SAKIT WAAAAAA

Naupo kami sa lamesa habang nagkukuwentuhan kami. Tawa kami dito tawa dun. Ang saya saya ko nung araw na yun. Tinutulungan ko rin sya magreview review. Maya maya..

Ako: CR lang muna ako ha, wait lang ha?

Nagwiwi lang ako at nagyosi ng mga 5 mins bago pumasok. Pagpasok ko ng kwarto, ang damuha, tulog na agad. halos 5 mins lang ako nawala, tulog na agad. Grabe pala to hehe.

Habang natutulog sya, pinagmasdan ko ang mukha nya. Ang tgal kong nakatingin lang sa mukha nya. Parang anghel lang sya pag natutulog. Di mo akalaing may sungay at buntot din. Maya maya, nagpasya na rin ako matulog. Sana ngaung gabi, mapanaginipan ko sya (hahaha sumosobra na ata emo mga sinusulat ko lolz).

Kinabukasan, exam day. Hinatid ko si Jane sa sakayan ng taxi. Ayaw nya magpahatid dun sa pag eexaman nya, ayaw daw nya ng may iniisip pang ibang tao. Bweno sige. Bahala sya. Pagkaalis nya ay naligo na ko, at natulog na lang ulit. Pagkarating nya ng gabi, ayun todo kwento na naman. Kala mo di nag exam. Ok lang naman daw ung exam, di pa gano kahirap. Biniro ko pa nga na kakasabi nya ng madali, babagsak sya. Tinaasan nya ko ng kilay. Omaygulay, daig pa nya acido sa pagtunaw. Niyaya ko na lang sya kumain sa jolibee para di magalit. Ngaun ko lang sya nakasama ng mahaba haba simula ng nakilala ko sya. Ang iniisip ko lang e para sa kinabukasan. May pasok na ko bukas....

Kinabukasn part two, last day ng exam nya. Nag good bye kami at ginoodluck ko sya. Ako naman dumiretso na ko ng trabaho. Sabi ko sa kanya na hintayin nya ko makauwi para ako na maghatid sa kanya pabalik sa kanila. Pagdating ng tanghali, nagtext sya sa kin..

Jane: Uy... salamat sa pag ampon mo sa kin ha? Nagkita nga pala kami ni Tommy dito sa robinsons. Sa kanya na lang ako papahatid. Salamat ng marami!

Bigla kumulo ung giniginaw sa aircon kong dugo. Matapos ng lahat ng sakripisyong ginawa ko sa kanya, ung isang request ko lang hintayin ako para ihatid sya, binalewala lang nya. Ang sakit kaya sa bunbunan isipin non? Di ko sya nireplayan sa inis... pero sya na rin ang nagtext ulit.

Jane: bat di ka na nagreply? Galit ka ba?

Bat kaya mga babae di nag iisip? Dapat ba ako matuwa sa sinabi nya?

Ako: Kasi naman feeling ko binabalewala mo ako eh... ung mga ginagawa ko ngaun para sa yo. Sabi ko namang hintayin mo na ko at ako na maghahatid. Isang text lang sa yo nyang ex mo..

Ex nya nga pala ung Tommy. How sweet.

Mejo matagal sya sumagot, malamang nag iisip pa ng dahilan.

Jane: E kasi ang sama na rin ng pakiramdam ko, kaya nung nag alok sya umok na ko. Wag mo namang isipin na wala kang halaga sa kin... mali ung iniisip mo. Saka papahatid lang ako... Sa lahat ng dapat ko pahalagahan.. ikaw po un. Sorry kung un ung iniisip mo..

Ok. Apologies accepted. Ganun lang un. Nabola na agad ako.. Di lang ako isat kalahati..... samput kalahating one fourth.... ganun ako katanga hehe. Pero atlis naman nakauwi sya ng maayus, di nga lang sa paraan na gusto ko. Napatingin na lang ako sa langit at nagwikang "Not again" hehe

0 comments

Saturday, September 29, 2007

"Emo" moments sa MOA

Saturday, September 29, 2007
Ilang araw nang umuulan. Bat ba parang sinasadya ng langit na umulan ngaun? Nung humihingi kami ng ulan para sa "sign" na un nde umulan. Tapos ngaun parang walang tigil naman. Tsk. Naisip ko na lng siguro nakikiramay sa kin ang langit. Pwede rin na naiiyak ang langit sa kakatawa sa pagka "emo" ko. ^_^

Pero ang sarap naman kasi magpaka emo. Sa banyo pag nagbabawas or naliligo ako, emo songs ang kinakanta ko. Bago ako matulog, emo songs pinapakinggan ko. Pag sa office, emo songs pinapakinggan ko. Move on! move on! lolss.... ginagago ko lang sarili ko.

Mag 1 month na ulet kami di nagkikita ni Czarina. Nde ko na sya macontact kasi nawala daw fone nya. Di ko naman alam kung totoo un at ayaw ko rin namang puntahan sila sa bahay. Pag kinukwentuhan ko si Jay tungkol sa drama ng buhay ko, nagkwekwento rin sya. AMF... dapat ako pakinggan nya kasi ako problemado. Kelangan ko pa rin ba makinig sa drama ng iba??? hayy

Nakakapag usap naman kami ni Cza sa msn. Lately, nakwento nya na bumabalik na naman pagkaadik nya sa online games. Sinasabi ko na lng sa kanya lagi na "TC", ingats! pero marami akong gus2 sabhin.... marami akong gus2ng ipakita

Lately nagkaroon ako ng maraming problema. Problema sa pamilya... problema trabaho... at kung ano ano pang problema. Halos 3 days akong walang makwentuhan... halos 3 days ko kinikimkim lahat. Bigla kong naisip si Czarina. Gus2 ko syang makausap...

Ako: *Nagdidial ng fone* amf sana nasa bahay sya..

Isang babae ang nagsalita. ang sabi "The phone you're dialing is currently busy". Nak ng tinapa. Bakit bc? Tinext ko sya pero bigla kong naisip na wala na nga daw pala sa kanya ung phone nya. So nagsayang pa ko ng piso grr... Sinubukan ko syang contactin kahit sa msn pero nde ko sya nakikita...

Bigla na lng akong umupo sa upuan. Bat parang pakiramdam ko wala akong mahingahan ngaun? OO anjan ung mga sinumpa kong mga katropa. Pero nde ko feel mag open sa kanila. Mas gugus2hin kong magsolo na lang kesa kausapin ang mga autistic kong mga kaibigan.

Bigla kong naisip, bakit pag sya ang problemado sa buhay, I made sure na anjan ako sa tabi nya. Kahit na gus2 nyang magsolo, andun ako. E ako ayaw ko magsolo ngaun bakit nde ko sya makita? Bakit nde nya ko damayan? Nakakainis isipin na ginawa ko ang lahat para sa kanya pero pag ako wala na...

Nde ako nanunumbat sa kanya, pero diba? it harts.. it harts u know?

Isang araw biglang nag pm si Czarina sa kin

Czarina: Bakit anong problema? Sorry ngaun ko lang nabasa

Siguro nabasa nya ung iniwan kong msg sa kanya...

Ako: Ah wala... problemado lang ako at gus2 kita sana makausap pero dont worry, I managed to deal with my problems alone

Czarina: Waaaa! I didn't know talaga ngaun ko lang nabasa. Besides you didn't contact me.

What the.... hin...di... kita... kinontact?????

Ako: Ilang araw na ko tumatawag sa inyo pero laging bc fone nyo. Ung cell mo naman sabi mo nawala. Di ka rin nag ool sa msn. Nde pa ba contact tawag dun?

Natahimik sya. Well it's better na tumahimik na sya.

Ako: Alam mo kasi naisip ko lang bakit pag ikaw may problema anjan ako. Pro bat pag ako na.. naiiwan na ko sa ere. Ikaw lang ba anak ng Diyos?

Nagsorry na lang sya ng nagsorry. Tapos niyaya nya ko makipagkita later that night.

Ako: Don't worry. Diba sabi ko i dealt with it na. Ok na un no need to comfort me.

Pero sa loob loob ko sana magpumilit sya waaaaaaa...

Czarina: well, ok then. just take good care of yourself...

Naloko na. Nak ng.... Gus2 kita sakalin at i uppercut T___T.

Later that night., nagpasya akong magpunta sa MOA (Mall of Asia astig no?) Nagpunta ako magisa para ba mag unwind. Naghahanap ako ng malapit na parke d2 sa makati pero wala akong makita. Puro building, basura at taong grasa ang nakikita ko kaya sa MOA na lng ako nagpunta. Naglakad lakad, nagsight seeing (ng mga chix lolx) at kumain ako... ng mag isa dun. Nung gabi...

Babae sa mic: Good evening shoppers. There will be a fireworks display at 7 pm. Good evening and enjoy shopping!"

6 pm na pala... Siguro panoorin ko na lng tong fireworks display na to. Minsan naisip ko kung pede sumabit dun sa paputok. Para dalhin na ko sa langit.

Nagpasya akong umupo. umaambon ambon at mejo malakas ang hangin. tamang tama sa emo moments ko! hehehe. Nagpasya akong pumunta dun banda sa likod ng moa. Magyoyosi muna ako para makapag isip isip naman ako. Habang nagyoyosi ako napatingin ako sa parang overpass. bawat poste, may mga magshota o mag asawa na nakatambay. Lintik na buhay to. Pinaglalaruan ba talaga ako ng tadhana? da pak....

Puwesto ako sa lugar na wala ganong tao. Un nga lang nakakatakot baka machambahan ako ng holdaper. Pero naisip ko, kung hoholdapin man ako, isasama ko na ung puso ko para wala na kong maramdaman (hahaha pinakacorning sinabi ko hahaha)

Pagkatapos ng ilang minuto, bigla na lng may pumutok sa langit. Fireworks display na. Pinanood ko ung makukulay na paputok sa langit. Ung ale na malapit sa kin napatalon sa gulat. Pinagalitan pa ko nung ale kasi pinagtawanan ko daw T_T. Dumami ung nakita kong mga walang kasama na nanonood ng fireworks. Siguro parepareho kaming mga problemado. May nakita pa akong babae na parang lumuluha habang pinapanood ung paputok...

Muli akong tumingin sa mga makukulay na paputok sa langit. Kelan kaya magiging makulay din ang buhay ni malungkutin? Maya maya tumigil na ang putukan...

WTF! wala pang 5 minutes un ah! deym... kala ko panaman mahaba hehehe. sabagay mahal ang mga ganyang paputok. Can't afford na siguro lalo na kung every week sila nagpapaputok.

So ayun nagpasya na kong umuwi. kahit pano nakatulong ung "emo" moments ko sa MOA. Ayoko na ring magpakamartir para sa babaeng yun. Move on! Move on! sabi nga sa kin ni Jay. Siguro un na nga lang gagawin ko. Tama na talaga ang pagiging emo ni malungkutin. Siguro papalitan ko na ang pangalan ko... Masayahin na hehe

0 comments

Tuesday, August 14, 2007

Malungkutin vs. BFs ni Czarina part III

Tuesday, August 14, 2007
Trilogy talaga no? hehe. Eto nga pala ung last installment ng pakikipagsagupa ni Malungkutin sa mga BFs kuno ni Czarina. Sa unang part, nakilala natin si Mark. Sya daw ang first love ni Cza at hanggang ngaun di nya magawang kalimutan. First love never dies daw, pero i hope he dies. Sa second part, nakilala natin si Benny. Sya ang bespren kuno ni Cza na nakilala lang nya online. Napakafeeling netong taong to at kala nya makukuha nya si Cza. Pero ang sweet ni Cza sa kanya kaya nakakainis sya. Ang pangatlo ay si....

(Flashback....)

Ako: Joseph? sino un?

Takte may papakilala na namang lalake si Czarina. Nakakainis. Mukha ba akong bakla para ipakilala sa ken yang mga lalakeng yan

Czarina: Manliligaw ko kasi un. Tinataguan ko nga pero talagang mapilit. Naaawa naman ako sa kanya pag di ko kinausap. Mag papari na raw un at nag aral sa La Salle. Nakilala ko na rin ung mga magulang nya at sobrang bait naman...

Olrayt. Nde ako lasalista. Nde ako mapilit. Nde mo pa nakikilala mga magulang ko. Thanks sa pagkukumpara sa min >.<

Ako: So ibig sabhin kayo nung lalakeng un?

Czarina: umm... la ako magawa eh.

Fine. Pero bat nung ako nanligaw, nde ka man lang naawa sa ken. E kung biglang maglaslas ako? maaawa ka kaya???

Ako: Nde naman yata tamang paasahin mo ung tao. E kung ayaw mo sa kanya, hiwalayan mo na (nagdadasal na sana maniwala sya sa pagbra-brainwash ko har har!)

Czarina: E kasi sobrang kulit talaga. kahit nga sina ate galit na galit jan. Khit ayaw na nila makita sa bahay, laging pumupunta pa rin dun.

Ako: Pero minahal mo naman ba?

Di sya nakasagot. SO meaning... kahit pano, may naramdaman sya dun.

Czarina: Tara samahan mo na nga lang ako sa jollibee. Libre kita ng sundae

E ako tanga, pumayag ako. Narinig ko nagring yung fone nya, pero dinedma ko na lng kasi dinedma nya. Habang nakapila kami, kwento sya ng kwento. Naiinis daw sya achuchuchu dun sa Joseph na un. Imaginin nyo na 5 ung nasa harap namin sa pila, hanggang makaorder kami, yun pa rin bukang bibig nya. So sige, naniniwala na ko. Ayaw nya dun sa lalake. Awa na lng nararamdaman nya. Fine. The end

Paglabas namin, nagulat sya ng makita nya ung Joseph. Pinuntahan sya sa bahay kasi di nya sinasagot ung fone nya.

Czarina: Umm... si ano nga pala.. Si Joseph... Boyfriend ko.

Biglang nag initiate si Joseph at hinalikan si Czarina. SA LIPS mothapakah.....

OMFGWTF.... Gumuho na naman ang lahat lahat. Ung dating 26 storey na puso ko, ngaun first floor na lng. Para akong sinampal ng isang malaking patola sa mukha. Demn, pang ilang beses na ba ako nalagay sa ganitong sitwasyon??? Sinasadya ba nya na ipamukha sa kin ang lahat lahat na ito? E kung lahat ng pekeng relationship e ganito kasweet, wala na magkakagustong magkaroon ng tunay na relasyon. Yung mga kamao ko mo nadudurog na sa sobrang pag ipit ko d2 kaya nagpasya na lng ako umalis

Ako: Sige Cza.

Di ko na hinintay na sumagot sya. Tumawid na ko. Busina ng busina ung ibang sasakyan. Pake ko ba. Sagasaan nyo ko kung gusto nyo. Bumili ako ng yosi sa tindahan. Napansin ko na dumaan sila sa likod ko. Nang silipin ko sila, sumulyap si Czarina sa kin. Mejo malungkot ang mga mata. Nde ko alam kung ano iniisip nya pero ayoko na umasa. Sobra sobra na kya ung mga pinag gagawa nya sa ken

(End of Flashback....)

Nagtext na si Czarina. Parang iniiexpect ko na to. Ilang araw na rin kasi to di nagpaparamdam

"San ka na po? Tagal mo na di nagpaparamdam. Kamusta ka na po?" ang text nya sa ken. Gus2 ko na lng maging kaibigan nya. Kung di ko man sya matuturuan na gus2hin ako, atleast kahit kaibigan lang masaya na ko.

"Ayaw ko lang kasi makaabala sa trabaho mo. Lam ko hectic masyado sched mo" Text ko sa kanya.

"Nde naman na ko gano busy eh. Tara kita tau ngaun." Text nya sa kin

La naman ako magagawa na eh. Hintayin ko na lng sya dumating dito sa shop.

To be continued...

0 comments

Malungkutin vs. BFs ni Czarina Part II

Wow! tagal kong nde nakapagsulat. Takteng tag ulan yan tinrangkaso pa ko, tapos sobrang daming trabaho... Pero in fairness ang sarap magbakasyon. Sarap humigop ng kumukulong sabaw.

Anyways, tuloy natin ang makulay na buhay sa sinabawang gulay.. este buhay ni Malungkutin.

Sinuntok ko sa pader nung naaalala ko ung kwento tungkol kay Mark. Litsi. Napasigaw ako! Nde sa galit kundi sa sakit. Taena, bat pag sa mga pelikula mukhang nde naman sila nasasaktan? Ang saket talaga. Bigla ko namang naalala ung malisyosong bestfren daw ni Czarina na balak manligaw na mukhang ulaga na mukhang mongoloid na mukhang tanga na habol ng habol kay Czarina. Halata ba na badtrip ako sa taong un?

(Flashback...)

Nagulat ako ng biglang may tumawag galing sa likod. Si Czarina. Mas nagulat ako ng may kasama syang lalake. Nde sya si Mark, ibang tao. Besfren daw nya sa isang laro na nilaro nya dati. Itago na lng natin sya sa pangalang Bentot... hehe. Benny pala

Cza: Hey! I want you to meet my best, Benny!

Tumingin lang sa lalake sabay sabi ng "Oi tol!" sabay balik sa paglalaro. Improving na ko nag doDOTA na ko. Nagsawa na ko mag online games.

Napansin ko na medyo sweet sila tingnan. "Not again" sabi ko sa sarili ko... Napunta na naman ako sa sitwasyon na ganito. Bakit ba laging kelangan ko makita mga ganitong eksena. Mejo naiba lang. Kung ang lahat ng mag bestfriend e ganito kasweet, wala nang maghahanap ng mga boypren.

Naiinis ako dun kay Benny. Lalo na dun kay Czarina. Nde nya ba nakikita na trip na trip na sya nung lalake? Magbestfriend daw. Shet. You can't have an instant bestfriend. Nax english un.

Benny: Tol tara sama ka sa min nood tau sine.

Hmm. Plastikin ko ba?

Ako: Wag na lng makakaabala lang ako sa yo... sa inyo pala
Sarcasm.

Bigla ako binatukan ni Czarina. Letson de letse... Ano b? Ano ba makukuha nya sa pagtapak sa pagkatao ko ha?

Czarina: Sumama ka naaaa! Please!!!!

Kaasar tong babaeng to. Babatukan ka ng malakas pero magmamakaawang sumama ako. Amp ano ako yaya? Pero sa di sinasadyang pagkakataon bigla nalang na nasa bus na ako at sumama ako sa kanila... >.<

Eto ulit ang setting, Sumakay kami ng aircon bus papuntang Ayala ave. Silang dalawa magkatabi samantalang ako nasa likod nilang dalawa. Salubong ang kilay kong nakatingin sa batok nilang dalawa. Bigla akong napa *sigh* at tumingin na lng sa billboard ni Angel Locsin. Tawa sila ng tawa habang nagkwekwentuhan samantalang ako giniginaw sa sobrang lungkot. May tumabi pang mama na doble ng katawan ko. Kung mamalasin ka nga naman tsk.

So ayun nakarating kami sa Glorietta ng 10:30 pm na. Kahit sino alam na malamang walang nang sine ng ganung time. Pero tuloy pa rin kami dun. Wet na wet na kili kili ko sa layo ng nilakad namin. Pagdating namin dun, wala na nga. dapak. Masama pa neto, ako pa sinisi ni Czarina. Nag inarte pa raw ako, di daw kami tuloy umabot. Bah! sino ba nagsabi na isama ako? ayaw ko nga eh! read my lips! A-Y-A-W K-O N-G-A sanang sumama! Natakot lang ako sa hitsura ng bespren nya na mukhang manyakis. Tumahimik lang ako at sinalo ko lahat ng RANTS nya. Nkahalata sya na nabadtrip kaya ayun, panay ang sori. eh ano pa nga ba magagawa ko kundi sabhing..

Ako: Ok lang! kasalanan ko naman eh. Kasi nde agad ako nagpapilit sumama.

Benny: Tara libre ko na lng kau.

Kahit ayaw ko sa kanya, napa sige ako! bah libre eh

Napa O-M-G ako sa loob loob ko. Mini Stop? taena....

Kumuha ng pera si Czarina sa wallet ni Benny. Tapos bumili sya ng iced coffee (tama ba un?) 2 pieces. Kala ko sa kanilang dalawa pero binigay nya ung isa sa kin. Natawa ako bigla. Bah naaalala pa pala ako neto.

Czarina: nde kasi umiinom ng coffee si Benny eh. Kaya para sa ting dalawa lang.
Shet. sinira nya ang moment. Ok na sana eh pero bat sinabi pa nya un ? watdapak.
Nagpagsya kaming umuwi. tatluhan na ung upuan ng bus pero di ako tumabi sa kanila. Naiinis ako.

Bumaba ako malapit sa shop namin. Nakita ko pa sila nasa kanto nag uusap. Nagyosi muna ako sa labas habang tinitingnan sila. Nagulat ako nung nakatingin sila sa kin. Takte kayo. Wag nyo ko pag usapan.

Maya maya biglang lumapit si Czarina. Tinatanong nya ko kung gus2 ko daw sumama sa kanila. Maglalakad lakad daw sila. This time, todo tanggi na ko. Ayaw ko na.

Napansin ko na medyo nag-iba ung tingin nya sa kin. Mejo malungkot ung mata nya. Gus2 ko sana bawiin pero naisip kong wag na lng. Wag na lng. Wag na lang. Habang naglalakad sila palayo, unti unting nadudurog ang puso ko. Bakit mo pa kasi kelangan ako pahirapan ng ganito? Kelangan mo bang ipakilala ang lahat lahat ng lalake na dumadaan sa buhay mo? Pati yang nagfefeeling na nagtatake advantage sa kabaitan nya pinakilala pa sa ken. Napansin kong lumingon pa sya sa ken bago umalis. Shet. Wag mo nang durugin ang puso ko sa patingin tingin mo jan.

(End of Flashback)

Taena, nasigawan pa tuloy ako nung kasama ko sa bahay. Bat ko daw sinira ung kahoy naming pader. Sabi ko aayusin ko na lng. Matagal tagal na ring nde nagtetext or nagpaparamdam si Czarina ah... ano kaya nangyari dun?

To be continued...

0 comments