[lifesytle-background_2017-02-28_12-18-56.svg] Para Malibang Paano Kung Ayaw sa iyo ng Biyenan mo? (Pang-masa) - September 4, 2016 - 12:00am -- Ganu’n? Eh wala na akong magagawa sa kanila kung ayaw nila sa akin, hindi naman sila ang pakikisamahan ko hanggang tumanda eh. At saka bubukod kami ng misis ko hindi ko hahayaang sa mga biyenan ko kamin manirahan kung ayaw nila sa akin. Magdudulot lang ‘to ng malaking gulo. Ayoko naman magkagulo pa ang misis ko at mga magulang niya. - Rico, -- Eh ‘di galit-galit. ‘Di ko na lang sila papansinin. Ayaw ko na ng stress sa buhay. Kaya nga ako nag-asawa para malimutan problema sa sariling kong pamilya tapos gaganunin ako ng mga biyenan ko? Bahala sila, kung ayaw nila eh ‘di huwag. Mahirap pilitin ang ayaw parang prutas na binuro, maasim pa sa suka. - Larry, Cotabato