[lifesytle-background_2017-02-28_12-18-56.svg] Para Malibang Toxic Kasama at Kausap ang Biyenan (Pang-masa) - February 15, 2019 - 12:00am Dear Vanezza, Hindi pa man kami ikinakasal ng BF ko, pero yung hilaw kong biyenan na babae ay sobrang toxic kasama at kausap. Napaka-demanding parang aagawan ko siya ng pera sa anak niya. Kung tutuusin hindi ko kailangan ng pera ng magiging mister ko dahil mas malaki ang suweldo ko sa kanya. Hindi ko ata ma-carry ang magkaroon ng toxic na biyenan. Sabi ng BF ko ay ganyan lang daw sa umpisa, pero mabait daw ang mommy niya. Please po payuhan n’yo ako. – Carol -- Dear Carol, Kung puwede lang sanang mamili ng biyenan ‘di ba? Ipagpatuloy mo lang na ipakita ang magandang trato at respeto sa iyong biyenan. Tiyak na lalambot din ang puso nito kapag alam niyang nasa mabuting kamay mapupunta ang kanyang anak.