Local News Magbiyenan nagsaksakan sa cellphone charger knife-blood Magbiyenan nagsaksakan sa cellphone charger Last updated Oct 17, 2017 -- Malubhang nasugatan ang 51-anyos na lalaki makaraang pagsasaksakin ng kanyang biyenan dahil lamang sa pag-aaway sa charger ng cellphone sa Bagong Silang, Quezon City kamakalawa ng gabi. -- Ang suspek na mabilis na tumakas matapos ang insidente ay kinilalang si Teodolo Cerro, 74, biyenan ng biktima na nakatira din sa nasabing lugar. Ayon kay PO2 Frederick Silos, ng Criminal Investigation Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD), dakong alas-11:00 ng gabi nang magtalo ang mag-biyenan sa loob ng kanilang bahay dahil sa charger ng matandang lalaki na ginamit pala ng biktima nang walang paalam. Related Posts -- Jan 6, 2020 Dahil dito ay nagalit ang biyenan nang makitang nakasaksak sa socket ng kuryente ang kanyang charger kaya kinompronta nito ang biktima. Upang hindi na lumaki pa ang gulo ay lumayo na lamang ang manugang pero sinundan siya ng biyenan at inundayan ng sunud-sunod na saksak sa katawan. biyenancellphone chargerQuezon City Prev Post