[lifesytle-background_2017-02-28_12-18-56.svg] Punto Mo Para malaki ang tsansang magustuhan ng biyenan DIKLAP - Ms. Anne (Pang-masa) - January 2, 2017 - 12:00am -- bagong babaeng kinahuhumalingan ang kanyang kinakasama. Nakarating sa kanyang kaalaman na Janice ang pangalan ng babaing sumugod sa bahay ng kanyang biyenan. Nasaktan siya nang malamang pinatuloy ng kanyang mga biyenan ang babae sa bahay ng mga ito nang ilang araw. May binitawan pa raw na salita ang kanyang biyenan na sana raw ay iyon na lang ang naging legal daughter in law nila. Sa kasalukuyan ay hindi siya mapakasalan ng kinakasama dahil marami itong idinadahilan sa kanya. Minsan ay nagpunta siya sa bahay ng biyenan para kuhanin ang hiniram nitong turbo broiler. Kapag nagpupunta siya dito ay sa pintuan ng kusina siya dumadaan dahil may asong mabagsik ang mga ito na nakatali -- kagatin noong isang araw na dumalaw siya. May kakuwentuhan ang kanyang biyenang babae sa salas. Malinaw na narinig niya ang sinabi nito sa kausap: -- puwede ko na hong kunin ang turbo?” Nagitla ang biyenang hilaw pero mabilis itong nakapag-adjust ng mood at umakto na parang wala lang. “Ah, oo nga pala. Kuhanin mo sa ilalim ng sink.” ‘Yun lang at tumalikod na siya. Binagalan niya ang kilos upang pakinggan pa ang sasabihin ng biyenan. “Mare, narinig ka yata ni Alina…” sabi ng bisita sa kanyang biyenan “Hayaan mo?, di sumbatan niya ako.”