* ANCX ALAMIN: Biyenan, paano pakikisamahan? Home > Life -- DZMM ALAMIN: Biyenan, paano pakikisamahan? ABS-CBN News -- * LinkedIn Pag-unawa ang paraan upang magkaroon ng maayos na samahan ang biyenan at ang manugang, ayon sa isang family and marriage counselor. Ayon kay Gilda Fortunata Altez, kadalasang nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mga biyenang babae at manugang na babae. Payo ni Alvez, habaan ng mga manugang ang kanilang mga pasensya at maging maunawain. "Kailangan iisipin ni manugang na babae, kung wala naman si biyenan, wala naman si asawa mo. Kaya kailangan ituring mo na bilang pangalawang nanay mo ang iyong biyenan," ani Alvez. Ugat umano ng mga alitan ang pagiging maramdamin ng biyenan sa pag-aasawa ng kanilang anak at sa inklinasyong mangialam sa mga desisyon ng mag-asawa. "Siyempre itong si biyenan, bago pa lang [sa] trabaho ang anak pagkatapos ay nag-asawa, maninibugho talaga dito sa asawa. Magse-selos talaga," ani Altez.