Isa sa mga kailangang pagdaanan ng isang mag asawa eh yung pakikitungo sa kanilang biyenan, nandyan na yung kailangan pakibagayan mo sila para maging maganda ang takbo ng relasyon nyong dalawa. Merong sa una pa lang alam mo nang hindi magkakasundo yung biyenan saka yung manugang, meron namang akala mo matagal nang magkakilala yung dalawa sa pagiging kampante sa isa’t isa, pero yung huli kong tinuran yun ata ang bibihira. Napansin ko kadalasan merong parang kung anong linyang humihiwalay lagi sa manugang sa kanyang byenan, kumbaga sa mac saka sa windows hindi sila compatible. -- na kailangang pagdaanan yung mga ganyang bagay. Sa limang taon naming kasal ni wifey, mga tatlo o apat na beses ko pa lang nakakasalamuha ang mga byenan ko, hindi ganung kahirap kung tutuusin dahil kung hindi man kami mag kasundo eh ok lang dahil di naman kami madalas magkasama. Saka yun talaga ang plano namin ni wifey nung una pa, na huwag tumira kasama ang mga magulang namin para walang pakialamanan. Hindi ko naman sinasabi na hindi maganda ang pakikitungo namin sa isa’t isa ng mga biyenan ko, kung tutuusin nga eh wala namang akong masamang narinig sa kanila tungkol sa akin, hindi naman sa pagbubuhat ng bangko pero mabait talaga akong manugang kahit magpa-survey pa kayo sa lugar namin. -- ng tungkol sa mga sugpo, ng tungkol sa Isabela o kaya kung paano nya nakuha yung tatoo nya… naniniwala ako na meron talagang kung anong linya ang humihiwalay sa relasyon ng manugang sa biyenan, sabihin na lang natin na wala namang perpektong biyenan/manugang relationship, kung sino man ang magsasabing meron eh nagsisinungaling sya o kung meron man ang tawag siguro dun eh guni-guni. -- Related Tagged byenan, manugang Leave a Reply Cancel reply