#Abante Tonite » Feed Abante Tonite » Comments Feed Ibalik sa P9 ang pamasahe Pulis, sundalo ipagtatanggol ni Duterte sa resbak ni Satur alternate alternate IFRAME: https://www.googletagmanager.com/ns.html?id=GTM-NS7P4Q5 Abante Tonite Interactive * HOME * TNT BREAKING NEWS * ABANTE TODAY * ISYU NGAYON * LOCAL NEWS * RADYO TABLOIDISTA * SHOWBIZ * BABE * SPORTS * PUBLIC SERVICE * LIFESTYLE * EDITORIAL * LEISURE * Likes * Followers * Subscribers * Monday, January 6, 2020 * TNT BREAKING NEWS * ABANTE TODAY * ISYU NGAYON Abante Tonite Abante Tonite - Abante Tonite Interactive ____________________ Search * NEWS + LOCAL NEWS + TOP NEWS * SHOWBIZ + BABE + BABE GALLERY + ARTISTA ALAMAT * SPORTS + ALAMAT ATLETIKO * BLIND ITEM + BLIND SIDE + HULAAN BLUES + KAPITBAHAY MO I-BLIND ITEM MO! * OPINION + PUBLIC SERVICE * RADYO TABLOIDISTA * LIFESTYLE * HOROSCOPE + DREAM CATCHER Abante Tonite Home Tugis Ginang, limang kaanak kinatay ng ka-live in new-edison-reyes-tugis Ginang, limang kaanak kinatay ng ka-live in On Dec 5, 2018 405 Share Part 3 Hindi naman naging problema ni Jennifer at kanyang pamilya ang pagkahilig ni Jessie sa pag-inom ng nakalalasing na inumin lalu na’t hindi naman siya kinakakitaan ng kakaibang pag-uugali kapag nakainom at sa halip ay kaagad ding natutulog kapag umepekto na sa katawan ang espiritu ng alak. Gayunman, noong Abril 19, 2018, araw ng Huwebes, kakaiba ang naging pagkilos ni Jessie kumpara sa kanyang dating pag-uugali dahil naging matamlay ang kanyang pakikitungo, hindi lang sa kinakasama kundi sa pamilya nito. Makapananghali pa lamang ay umuwi na sa kanilang inuupahang bahay si Jessie mula sa pagta-trabaho sa bukid at sa halip na magpahinga, bumili ng mga botelya ng alak at sinimulang uminom. Bagama’t nanibago ang pamilya Caballero sa oras ng pag-inom ng alak ni Jessie, hindi na rin nila pinansin ang lalaki lalu na’t batid nila na naging libangan o ugali na rin ng lalaki ang pag-inom. Maging ang kanyang kinakasamang si Jennifer ay hindi na rin pinigilan si Jessie sa kagustuhang uminom ng maaga kahit pa nga hindi pa tapos ang trabaho nito sa bukid. Nagtuloy-tuloy ang pag-inom ni Jessie na alak na tila may nilulunod na malaking problema lalu na’t mistulang hindi tumatalab ang espiritu ng alak sa kanyang katawan at isipan kahit pa nga mahigit sa kalahating araw na ang walang tigil niyang paglaklak. Lagpas na ang hatinggabi ay patuloy pa rin si Jessie sa walang tigil na pag-inom hanggang magkaroon na sila ng komprontasyon ng kanyang kinakasamang si Jennifer. Dahil may kalakihan naman ang bahay na kanilang inuupahan, ang mainitang komprontasyon nina Jessie at Jennifer ay hindi nakaabala sa mahimbing na pagtulog ng pamilya ng babae. Related Posts Suspek sa pagpatay sa ulirang ama arestado makalipas ang… Jan 6, 2020 Suspek sa pagpatay sa ulirang ama arestado makalipas ang… Jan 4, 2020 Suspek sa pagpatay sa ulirang ama arestado makalipas ang… Jan 2, 2020 Sa kainitan ng kanilang pagtatalo, mistulang nawala na ng tuluyan sa sarili si Jessie lalu na’t nasa impluwensiya na ng espiritu ng alak ang kanyang isipan, kinuha ang matalim na itak na kanyang gamit sa bukid at walang patumanggang inundayan ng saksak ang kinakasama. Nang makita ni Jessie ang pagdaloy ng dugo sa malalim na saksak sa katawan ni Jennifer, sa halip na mahabag ay mistulang naging daan pa ito upang lalung maging mabangis at pinagtataga pa ang kinakasama, na naging dahilan ng agaran nitong pagkamatay. Hindi pa rito natapos ang kabangisan ni Jessie dahil matapos matiyak na patay na ang kinakasama, pinasok sa silid ang kanyang biyenang si Aling Leonila na kasamang natutulog ang anak na si Abby Mylene at Joshua at sila naman ang sinaksak at pinagtataga. Sa bilis ng mga ulos ng saksak at taga ni Jessie sa mag-iina, hindi na nagising ang mga ito sa mahimbing na pagkakatulog upang maipagtanggol kahit papaano ang kani-kanilang sarili. Sumunod na pinasok ng dahan-dahan ni Jessie ang bayaw na si Sergio na noon ay mahimbing pa rin ang pakakatulog at kaagad na inundayan ng sunod-sunod na taga at saksak sa iba’t-ibang parte ng katawan upang tiyakin na hindi na mabubuhay. Caballerojessie Prev Post Ibalik sa P9 ang pamasahe Next Post Pulis, sundalo ipagtatanggol ni Duterte sa resbak ni Satur You might also like More from author Top News Bank executive, ina at kasambahay, minasaker ng adik Local News Bank executive, ina at kasambahay, minasaker ng adik Top News Bank executive, ina at kasambahay, minasaker ng adik Top News Bank executive, ina at kasambahay, minasaker ng adik Top News Bank executive, ina at kasambahay, minasaker ng adik Tugis Bank executive, ina at kasambahay minasaker ng adik Prev Next Abante Radio Ad Banner News Today Wanted sa nakawan timbog Jan 6, 2020 Hold On pabibo sa CRC19 Jan 6, 2020 Sex video ni volleyball player pinagpiyestahan Jan 6, 2020 Lucas 4-Cock Derby sa Biyernes Jan 6, 2020 Prev Next 1 of 13 Top News this Week Tonite Front Page | Balita Ngayong January 03, 2020 Jan 3, 2020 286 0 0 Alamin ang balita ngayong January 03, 2020 Ang nag-Tagalog ng pambansang awit Mga pekeng pera sino ang may sala? Chicago popcorn owner nalunod sa El Nido Ako Bicol aapela sa provincial bus ban Prev Next 1 of 55 Ngayon ay natamo ng TONITE, isang pahayagang nasusulat sa Pilipino, ang pinakamalaking sirkulasyong hindi pa nararating ng alinmang pahayagan sa Pilipinas, ito man ay nasusulat sa Pilipino o Ingles. Lotto Results Lotto Result 09/19/2019 Sep 19, 2019 Lotto Result 09/17/2019 Sep 17, 2019 Lotto Result 09/13/2019 Sep 13, 2019 Prev Next 1 of 194 Share Us On Newsletter Subscribe our newsletter to stay updated. ____________________ (BUTTON) Subscribe * NEWS + LOCAL NEWS + TOP NEWS * SHOWBIZ + BABE + BABE GALLERY + ARTISTA ALAMAT * SPORTS + ALAMAT ATLETIKO * BLIND ITEM + BLIND SIDE + HULAAN BLUES + KAPITBAHAY MO I-BLIND ITEM MO! * OPINION + PUBLIC SERVICE * RADYO TABLOIDISTA * LIFESTYLE * HOROSCOPE + DREAM CATCHER © 2020 - Abante Tonite. All Rights Reserved. Website Enabled by: TechCellar.com WebClick Tracer * HOME * TNT BREAKING NEWS * ABANTE TODAY * ISYU NGAYON * LOCAL NEWS * RADYO TABLOIDISTA * SHOWBIZ * BABE * SPORTS * PUBLIC SERVICE * LIFESTYLE * EDITORIAL * LEISURE