Paano Kung Ayaw sa iyo ng Biyenan mo?
(Pang-masa) - September 4, 2016 - 12:00am

Gagawin ko ang lahat para magustuhan nila ako. Kung ang mother-in-law ko ang ayaw sa akin ay “liligawan” ko siya at susuyuin. Kung ang father-in-law ko naman ang may ayaw eh ipakikita kong kaya kong maging isang mabuting mister sa kanilang anak at maging mabuting anak sa kanila. - Boyet, Mandaluyong

Ganu’n? Eh wala na akong magagawa sa kanila kung ayaw nila sa akin, hindi naman sila ang pakikisamahan ko hanggang tumanda eh. At saka bubukod kami ng misis ko hindi ko hahayaang sa mga biyenan ko kamin manirahan kung ayaw nila sa akin. Magdudulot lang ‘to ng malaking gulo. Ayoko naman magkagulo pa ang misis ko at mga magulang niya. - Rico, Palawan

Walang matigas na tinapay sa mainit na kape, wika nga. Naniniwala akong kung maipakikita ko ang lahat ng kabutihan sa mga magulang ni pangga eh hindi naman siguro nila ako pupulan na ng inis at galit. Matututunan din naman siguro nila akong tanggapin bilang asawa ng kanilang anak. Hindi ko sila susukuan. - Marky, Cebu

Eh ‘di galit-galit. ‘Di ko na lang sila papansinin. Ayaw ko na ng stress sa buhay. Kaya nga ako nag-asawa para malimutan problema sa sariling kong pamilya tapos gaganunin ako ng mga biyenan ko? Bahala sila, kung ayaw nila eh ‘di huwag. Mahirap pilitin ang ayaw parang prutas na binuro, maasim pa sa suka. - Larry, Cotabato

Ipagdarasal ko sila hanggang sa matutunan nila akong mahalin. Kakausapin ko rin sila ng masinsinan kung ano ang ayaw nila sa akin para mabago ko. Hindi naman kasi maganda na magkakaaway ang pami-pamilya. Para rin naman ito sa magi­ging kinabukasan ng mga anak ko. - Chito, Makati

CV RISK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with