PAGTARAK SA MISIS NAPIGILAN NG BALA NG BIYENAN

saksak

SULTAN KUDARAT – PATAY ang isang 37-anyos na mister nang barilin ito ng biyenan nang maaktuhang kaniyang sasaksakin ang misis sa Purok Mabuhay, Brgy. Bambad sa bayan ng Isulan.

Pinaglalamayan na ngayon si Melvin Talimudao, bunsod ng tama ng bala sa balikat at tiyan habang arestado naman ang kanyang biyenan na si Jose Denosta, 67-anyos, residente rin sa lugar.

Unang nakipagtalo si Melvin sa misis nito at ilang beses na tinangkang undayan ng saksak na nakita ng dalawang anak kaya agad humingi ng tulong sa kanilang lolo na si Jose.

Dito ay rumesponde ang matanda at naaktuhan ang tangkang pananaksak ng manugang sa kanyang anak at upang pigilan ito ay binaril gamit ang 12 gauge shotgun.

Matapos bumulagta at saka dumating ang awtoridad na tinawag ng mga tanod.

Sumuko naman ang matanda sa nagawang krimen. VERLIN RUIZ

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *