513

By

Robin Padilla nakita na ang biyenan

Sa kauna-unahang pagkakataon, personal nang nakausap ni Robin Padilla ang ama ng kanyang asawa na si Mariel Rodriguez-Padilla.

Sa Instagram ni Robin, lubos ang pasasalamat nito kay Allah dahil tinupad nito ang hiling niya sa Kapaskuhan.

Kinailangang maghintay ng walong taon ni Robin Padilla para makita si Abelardo Termulo, ang ama ni Mariel na nakatira na ngayon sa Amerika.

“Sa ngalan ng Allah ang pinakamapagpala at ang pinakamahabagin. Sa Nag iisang Panginoong maylikha lamang ang pagpupuri. Isang napakahalagang tagpo sa aking buhay ang naganap at natupad nitong kapaskuhan God is great !!!

Pagkatapos ng higit sa 8 taon na paghihintay at mahigit na tatlong visa application sa US Embassy upang makilala at hingin ang kamay ni mariel sa kanyang Ama na si Ginoong Abelardo Termulo ay nakapag MANO na rin ako sa kanyang kanang kamay…” saad sa caption ni Robin.

View this post on Instagram

Sa ngalan ng Allah ang pinakamapagpala at ang pinakamahabagin. Sa Nag iisang Panginoong maylikha lamang ang pagpupuri. Isang napakahalagang tagpo sa aking buhay ang naganap at natupad nitong kapaskuhan God is great !!! Pagkatapos ng higit sa 8 taon na paghihintay at mahigit na tatlong visa application sa US Embassy upang makilala at hingin ang kamay ni mariel sa kanyang Ama na si Ginoong Abelardo Termulo ay nakapag MANO na rin ako sa kanyang kanang kamay at marinig ang kanyang bilin at pagsanggayon sa aking mga Hangarin sa kanyang mahal na Anak GOD is great. Napakarami nating pangarap sa buhay ngunit minsan ay hindi yun napagkakaloob sa atin kahit ginawa na natin ang lahat upang makamtan ito hindi dahil ipinagkakait ito sa atin ng DIOS/ALLAH/ELOH/JEHOVAH/YAHWEH kundi batid niya na may mga bagay na hinihingi tayo sa kanya na hindi makabubuti sa atin kaya ipinagpapaliban niya ang pagpapala nito kadalasan ay papalitan niya ito ng iba na may mas higit na kaligayahan at kasiyahan na makakabuti sa atin God willing Maraming maraming salamat sa lahat ng tao na gumawa ng paraan upang maging masaya at matiwasay ang pagbisita ng aking Father In Law sa lupang sinilangan. Isa pong karangalan ang makamayan kayo sir Abelardo Termulo idol ko po kayo sa inyong pakikipagsapalaran sa Dayuhang Bansa ng Estados Unidos 🇺🇸 ang inyong sipag at tiyaga lalo sa pagiging isang Ama at isang Anak ay inspirasyon sa mga kalalakihan ng las islas Pilipinas 🇵🇭 Mabuhay po kayo DAD! Salamat po sa pagpaparamdam sa amin lahat ng tunay na mensahe ng Pasko. Mula sa inyong anak na muslim Maligayang Pasko ko po sa inyo at sa buong Pamilya ng Termulo. Glory be to God/SubhanaAllah

A post shared by robin padilla (@robinhoodpadilla) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?