Abante Tonite Interactive

Magbiyenan nagsaksakan sa cellphone charger

202

Malubhang nasugatan ang 51-anyos na lalaki makaraang pagsasaksakin ng kanyang biyenan dahil lamang sa pag-aaway sa charger ng cellphone sa Bagong Silang, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Agad na isinugod sa ospital ang biktimang nakilalang si Ricardo Tan, may asawa na residente ng Sitio Veterans, Barangay Bagong Silang.

Ang suspek na mabilis na tumakas matapos ang insidente ay kinilalang si Teodolo Cerro, 74, biye­nan ng biktima na nakatira din sa nasabing lugar.

Ayon kay PO2 Frede­rick Silos, ng Criminal Investigation Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD), dakong alas-11:00 ng gabi nang magtalo ang mag-biyenan sa loob ng kanilang bahay dahil sa charger ng matandang lalaki na ginamit pala ng biktima nang walang paalam.

Dahil dito ay nagalit ang biyenan nang makitang nakasaksak sa socket ng kuryente ang kanyang charger kaya kinompronta nito ang biktima.

Upang hindi na lumaki pa ang gulo ay lumayo na lamang ang manugang pero sinundan siya ng biyenan at inunda­yan ng sunud-sunod na saksak sa katawan.