Hindi na umabot sa pagamutan ang biktimang si Joel Regis Balasabas, 30-taong gulang, ng Purok 2, Mentering, Misamis Occidental.
Lasenggong mister kinatay ng biyenan
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - June 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil sa bantang pag­papakamatay ng kanyang asawa, isang mister na umano’y su­gapa sa alak ang nasawi makaraang pagtatagain ng kanyang nairitang biyenan sa Payao, Zamboanga Sibugay kamakalawa.

 Hindi na umabot sa pagamutan ang biktimang si Joel Regis Balasabas, 30-taong gulang, ng Purok 2, Mentering, Misamis Occidental.

 Arestado naman ang suspek na si Francisco Perez, ng Purok 6, Brgy. Balian, Payao ng lalawigan.

 Sa ulat, dakong ala-1:50 ng mada­ling araw, nakikipag-inuman umano ang biktima sa mga kaibigan sa Purok 3, Brgy. Kima, nasabing bayan nang sunduin siya ng kanyang misis na si Eugene at yayaing umuwi.

Gayunman, hindi umano pinansin ng biktima ang misis dahilan upang magbanta ang babae na magpapatiwakal na dali-daling kumuha ng patalim sa loob ng bahay.

 Sa taranta ng mister, humingi siya ng tulong sa biyenang si Perez subalit sa halip na tumulong ay nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa na nauwi sa pananaga ng suspek sa biktima dahil sa matinding inis nito sa pagiging lasenggero ng manugang.

CRIME
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with