Una sa Balita

Galit sa manugang, ibinunton sa biyenan

By
0 167

Binaril nang malapitan sa ulo ng kanyang pasa­hero ang isang 54-anyos­ jeepney driver­ matapos paghinalaang ‘informer’ ng mga pulis ang kinakasamang ‘lesbian’­ ng anak nito, habang namamasada kamakalawa ng hapon sa Binondo, Maynila.

Idineklarang dead on arrival sa Justice Jose­ Abad Santos General­ Hospital (JJASGH) ang biktimang si Romy­ Mendoza,­ taga-346 P. Carreon­ St. Binondo, Maynila.

Ayon kay P/Supt. Amante Daro, station commander ng Manila Police District-Police Station 11, hindi nakilala ang suspek na mabilis na tumakas matapos ang pamamaril sa biktima.

Nabatid na namamasada ang biktima dakong alas-5:23 ng hapon sa Muelle dela Industria kanto ng Frenza Street sa Binondo,­ nang malapitan itong barilin sa ulo ng suspek.

Posible umanong may kinalaman sa iligal­ na droga ang pagpatay dahil­ matagal na umanong nakakatanggap ng banta­ sa kanyang buhay­ matapos­ na akusahan ang kinakasama ng kanyang­ anak, na siyang dahilan nang pagkakaaresto ng isang big time drug pusher­ sa kanilang lugar.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy