Kinumpirma ni Senator Grace Poe-Llamanzares, na father-in-law niya ang nasangkot sa isang parking accident sa Greenhills, San Juan City kaninang umaga.

Nakilala ang biktima na si Dr. Teodoro Llamanzares, 83-anyos na kaagad namang isinugod sa Cardinal Santos Medical Center.

Batay sa report ng San Juan Police nahulog ang sasakyan ng biktima mula sa third floor ng parking area.

Bukod sa biktima, walang iba pa ang naiulat na nasugatan sa aksidente.

Sa pahayag naman ng ilang mga security na nakakita sa akidente na patuloy sa pag accelarate ang sasakyan patungo sa mga barrier na naging dahilan sa pagka hulog.

Iniimbestigahan na ngayon ng San Juan Police ang nasabing aksidente.

Sa ngayon nasa mabuting kalagayan na si Dr. Llamanzares.