Biyenan kinatay ng manugang
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - September 14, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Malagim na kamatayan ang sinapit ng 46-anyos na biyenan matapos itong pagsasaksakin ng kanyang manugang na lalaki dahil sa matinding alitan kamakalawa sa Barangay Sinuda, bayan ng Kitaotao, Bukidnon kamakalawa.

Napuruhan sa kaliwa at kanang dibdib ang biktimang si Rizaldo Montes magsasaka at nakatira sa nasabing lugar.

Pinaghahanap naman ang obrerong suspek na si Roco Bato, 26, naninirahan din sa nasabing barangay.

Base sa ulat na nakara­ting sa Camp Crame, nagkasalubong ang dalawa sa barangay road kung saan sumiklab ang mainitang pagtatalo kaugnay sa problemang pampamilya.

Sa gitna ng mainitang pagtatalo ay bigla na lamang pinagsasaksak ng suspek ang kanyang bi­yenan na duguang bumulagta.

Sa teorya ng pulisya na may malalim na dahilan kaya naganap ang pamamaslang habang patuloy naman ang imbestigasyon.

ACIRC ANG BARANGAY SINUDA BUKIDNON CAMP CRAME KITAOTAO MALAGIM NAPURUHAN PINAGHAHANAP RIZALDO MONTES ROCO BATO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with