Avatar - Inday Trending

Inday Trending

Madalas Sungitan ng Byenan ang Babaeng Ito Kung Kaya Hindi Niya Inasahan ang Pinagsasabi Nito sa mga Kumare Tungkol sa Kanya - Inday Trending

Madalas Sungitan ng Byenan ang Babaeng Ito Kung Kaya Hindi Niya Inasahan ang Pinagsasabi Nito sa mga Kumare Tungkol sa Kanya

Madalas Sungitan ng Byenan ang Babaeng Ito Kung Kaya Hindi Niya Inasahan ang Pinagsasabi Nito sa mga Kumare Tungkol sa Kanya

Dalawang taon nang kasal si Angel. Maswerte siya sa kanyang asawa, mabait,responsable,mapagmahal at higit sa lahat ay malaki ang respeto sa kanya. Kaya lang ay kabaligtaran naman iyon ng kanyang byenan, palagi itong dumadalaw sa bahay nila at pinapansin lahat ng ginagawa niya, dumating pa sa puntong pati pagdedesisyon sa kulay ng pader ng bahay nilang mag asawa ay pinakikialaman nito. Bagamat nasasaktan at minsan ay naiinis rin ay hindi naman nagrereklamo si Angel, katwiran niya, nanay pa rin ito ng lalaking mahal niya. Kapag binastos niya ito, para niya na ring binastos ang asawa.

Madalas Sungitan ng Byenan ang Babaeng Ito Kung Kaya Hindi Niya Inasahan ang Pinagsasabi Nito sa mga Kumare Tungkol sa Kanya

“Angel, wag kang naglalagay ng patatas sa corned beef, ayaw ni Josh niyan.” sabi nito isang umagang nag almusal sa kanila.

“Okay ma, thank you po. Atleast next time I already know,” sabi naman niya, kahit naoffend siya ng konti.

“No, I think mas gusto ko na nga ang may patatas eh, sana nga noon ko pa tinry ma. Masarap pala ang corned beef pag may patatas,” pagdedepensa naman ng asawa sa kanya.

Madalas Sungitan ng Byenan ang Babaeng Ito Kung Kaya Hindi Niya Inasahan ang Pinagsasabi Nito sa mga Kumare Tungkol sa Kanya

“Paano, corned beef lang naman kasi ang alam lutuin ng misis mo.” paninirya ulit ng byenan pero hindi na kumibo si Angel. Tinignan naman siya ng asawa at sumenyas ng ‘I’m sorry’ at tumango lang si Angel.

Birthday ng byenan niya kaya ito nag anyaya, may party kasi ito sa bahay at imbitado rin ang ilang mga kumare ng matanda.

Madalas Sungitan ng Byenan ang Babaeng Ito Kung Kaya Hindi Niya Inasahan ang Pinagsasabi Nito sa mga Kumare Tungkol sa Kanya

Nasa salas lang si Angel noon, sinubukan niyang tumulong pero tumanggi si Josh, umupo na lang daw siya lalo na at dalawang buwan na ang ipinagbubuntis niya. Kukuha siya ng tubig sa kusina, at naabutan niyang may kausap na dalawang kumare ang byenan, hindi siya nakikita ng mga ito.

Madalas Sungitan ng Byenan ang Babaeng Ito Kung Kaya Hindi Niya Inasahan ang Pinagsasabi Nito sa mga Kumare Tungkol sa Kanya

“Kumusta naman ang asawa ni Josh? Kasundo mo naman ba?” pag uusisa ng dalawa.

“Hindi,” kaswal na sagot ng byenan niya. Aalis na sana siya dahil ayaw niyang sumama ang loob, alam niya namang ayaw nito sa kanya pero wag naman sanang ipagkalat pa. Pero hindi pa pala ito tapos magsalita, nagulat siya sa susunod na sinabi nito.

“Hindi, kasi ako ang laging nang aaway sa kanya. Pero alam niyo, napakabait ng manugang kong iyan. Kahit anong gawin ko hindi iyan nagagalit sa akin. Mahal ko na nga ang batang yan e, kapag namatay ako alam kong magiging okay si Josh dahil may Angel na siya, ang swerte ko nga magkakaapo na ako.”pagmamalaki nito sa mga kausap.

Napangiti naman si Angel, nasusuklian pala talaga ang kabutihan.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.


Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!


More Stories

Disclaimer: Ang mga kwento ni Inday Trending ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang.

Photos: Ang mga larawang ginamit ay mga stock photos o mga propesyunal na mga larawang binili ng may akda para sa komersyal na layunin. Ang mga ito'y ginamit upang makapagbigay ng mas malinaw na representasyon ng mga karakter at mga pangyayari sa kwento.