Abante Tonite Interactive

‘Big bird’ ni mister sinisi sa natsuging misis

715

Dinampot ng mga pulis ang isang mister sa Maron District ng East Java province sa Indonesia matapos itong akusahan ng biyenang lalaki na ang malaking ari nito ang dahilan kung bakit namatay ang kanyang 23-anyos na misis.

Base sa ulat na lumabas sa The Sun, ini-report ni Nedi Sito, 55-anyos, sa pulisya ang kanyang manugang na kinilala lang sa pangalang Barsah dahil umano sa malaking ari nito na siyang dahilan kung bakit namatay ang kanyang anak na babae.

Sa harap ng nagdadalamhating mga kaanak ay pinabu­yangyang ng mga awtoridad kay Barsah ang ‘pagkalalaki’ nito para makita kung malaki nga ito.

Pero lumabas sa pagsusuri na “standard size” lang ang ari ni Barsah.

Ayon sa ulat, natagpuang patay na sa kanilang higaan ang misis ni Barsah na hinihinalang inatake ng epilepsy at kumalat ang tsismis na namatay ito habang katalik ang mister na malaki ang ari.

Inihayag naman ni Probolingo Police Crime Investigation Unit head Riyanto na matapos malaman na “standard size” lang pala ang ari ng kanyang manugang ay binawi ni Sito ang reklamo at nagkapatawaran din ang dalawa.